Special Chapter 1

7K 124 15
                                        

Love needs spice to make it hotter. So, yeah! I decided to make a prank on Cole. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

To: Sweety Husband
Hi, boyfie! He's still not going home tonight. Should I set a meeting for us? Same place? Call me as soon as you read this. Gonna delete this. Loveyou.

I don't know what would he react once he read it. Nami-miss ko na kasi siya. It's been 3 days since he went to Manila to fix important matters in his company. Hindi na rin siya nakakatawag lagi. I always do it. Kaya naisip ko, aasarin ko na lang siya.

Pangiti-ngiti pa ako noong una, pero matapos ang isang oras na wala siyang reply ay nabuwisit na ako. Ganoon siya ka-busy? Wow!

"Kaasar!" hiyaw ko. Hindi niya ba talaga napansin ang message ko? Should I make another message? But that would be obvious. Wala pa naman naro-wrong send ng dalawang beses 'di ba? Maghihintay na lang ako.

"Oh my shit!" Halos tumalon ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang marahas na pagpasok ni Cole sa pinto ng office ko at malakas niyang pagtalpak ng pinto.

"What the fuck is this message, Xareen?"

Literal na nagtayuan ang balahibo ko sa batok. Tiim-bagang siya humarap sa akin ngayon habang kuyom ang kamao. I think, I made a huge mistake about this prank. Galit talaga siya.

"Answer me! What the fuck is this!"

"T-that's... Wait, sweet---"

"The fuck, Xareen!"

Agad akong napatayo sa swivel chair nang pagalit niyang ihampas ang telepono niya sa mesa ko. Pulang pula na rin ang mukha niya at nanginginig. Parang anumang oras ay sasabog na siya.

"T-that was just a joke," nauutal kong sagot.

"Joke? You think this is a joke? Ginagago mo ba ako?"

I tried to get near him, but he stepped backward.

"S-sorry. Nami-miss lang naman kita."

"Nami-miss? At ako hindi? Tangina! Halos paliparin ko rito ang kotse ko. Tapos joke ang sasabihin mo sa akin? Nakikipaglaro ba ako sa Maynila ha? Nakikipaggaguhan lang ba ako roon? Ha? Xareen!"

Hindi niya malaman kung susuntukin ba niya ang pader o ano. Nakailang gulo na rin siya sa buhok niya. Galit na galit na talaga siya.

"Hindi ko sinasadya. Sorry, sweetheart..." Nanginginig ang kamay ko. Halos manlambot na rin ang tuhod ko sa takot.

"Tanginang 'yan! Ang babaw mo!" sigaw niya bago ako tuluyang iwan.

Mabilis akong napahawak sa sandalan ng upuan ko. Pakiramdam ko ay tutumba na ako. Nabigla ako. Sobra akong nabigla. Hindi ko akalain na ganito ang epekto noon sa kanya.

Umalis rin agad ako sa opisina ko para sundan siya. Kailangan ko siyang harapin. Kasalanan ko 'to.

"C-cole, ano ang ginagawa mo diyan? I'm sorry, sweetheart."

Naabutan ko siya sa loob ng CR. Gustuhin ko man na pasukin siya ay hindi ko magawa. Nanginginig pa rin ako. Iba ang kaba kong nararamdaman.

"I didn't mean it. Akala ko naman kasi tatawag ka lang sa akin or ano. Hindi ko naman akalain na mapapabalik kita rito." Iyon naman kasi ang totoo. Malay ko ba naman na pupunta siya rito kaagad. Akala ko ay tatawag siya sa akin at itatanong kung sino ang lalaking yon. "Believe me, Cole! Hin---"

"Then fuck your bullshits, Xareen! Mukha bang biro lang ang relasyon natin?" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumabas sa CR at tabigin ako. "Tanginang pag-iisip bata mo yan! Sa dami ng biro, yun pa ang naisip mo? Sa tingin mo ba nakakatuwa? Sa tingin mo biro yon, ha?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon