Chapter 49: FINALE IS HEART

7.2K 207 21
                                    

"I love you... in million different ways." -Ms. Cari


__________________


Hindi nga siguro madali ang buhay na pinasok ko. I mean, sa una palang sablay na.

Sino ba naman kasing matinong babae ang magbabayad ng lalaki just to get her pregnant? Ang weird 'di ba? Eh usually, lalaki ang nagawa noon. Or a married couple na hindi mabiyayaan ng anak.

But me? Ano ang mali sa akin? Sapat na ba na dahilan 'yung ayoko na maiwan mag-isa, or hindi na ako magkaanak dahil sa tubal cancer ko? Are those enough reasons? I guess not.

Kaya heto ako at gulong gulo. Why? Eh kasi masyado kong pinakomplikado ang mga bagay.

I decided to leave the Philippines after I had sex with a man without even knowing kung buntis ba ako or hindi. I let a stranger entered my life who is falling deep in love with me. Then, I gave birth to my son all by myself. And came back to the Philippines after years. And got into trouble when I met again my son's father. Then, everything became blurry..

"Siyempre, natatakot 'yung tao. Ikaw sa posisyon niya. Tama ba na ang panghahawakan niya lang ay ang salita mo?"

"Bakit, hindi ba ako kapanipaniwala, Glow?"

Hindi ko maintindihan kung may nakakaduda sa sinabi ko na sa kanya na ako. Look, Ryan gave way. Umalis na siya para sa pamilya namin. Pero bakit pakiramdam ko may hadlang pa rin. What worst is that I feel na kaming dalawa na ni Cole ang may problema.

"You are. But, legality is a must."

Legality?

"Kunwari may ganitong nangyari. Someone asks Cole if you're his wife. Masasabi niya ba na oo? Kahit pa siya ang ama ni Sheen at nasa iisang bubong kayo, kung kasal ka sa iba,mananatiling kabit si Cole."

"Gosh! Sobra naman!"

"Sobra? Ganoon talaga! Anong gusto mo na itawag kay Cole? Siyempre kabit 'yon."

"Pero hindi ko siya ganoon tingnan!"

"Ang tingin mo ba ay katulad ng pagtingin ng ibang tao? Sapat na ba na dahilan na mahal niyo ang isa't isa? Kasi sa mata ng Diyos, ng batas, ng tao, makasalanan kayo."

"Bakit ba ganito kahirap?"

"Kasi nga sinimulan na mali. Kung noon pa lang sana sinabi mo na na may pagtingin ka sa kanya, hindi na sana aabot sa punto na aalis ka ng bansa at makilala mo si Ryan."

"Malay ko ba? Hindi ko naman alam na sa ganito kami aabot."

"Wala ka nang magagawa, Xareen. Itama niyo na lang."

How will I start? When will I start? Nandito na kami. Sa tagal na nga namin magkasama ay hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Parang parehas na kaming kontento sa estado namin. Siguro dahil mahirap pag-usapan at baka iyon pa ang pagsimulan ng away namin.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong pag-uusap nila ni Gerald. Sa loob ng panahon na 'yon ay nagpanggap na lang ako na wala akong narinig. Masakit! Dahil nasasaktan siya sa paraan na hindi ko naman ginusto.

Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan kami tatagal ng ganito. I mean, nakakasawa rin naman 'di ba? Lalo na sa parte niya.

"Wala pa rin ba'ng balita sa kasal niyo ni Ryan?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon