Chapter 19

5.1K 134 10
                                    

I never thought that loving you is too devastating. And I was destroyed. -Ms. Cari

_______________

Since our last kissed, Cole make sure that he is always around us. Kahit may trabaho siya ay sinisigurado niya na napupuntahan niya kami. I even told him na hindi na naman kailangan dahil hindi rin biro ang biyahe niya. Pero makulit ang loko dahil patuloy pa rin ito sa pagpunta sa amin.

Gusto niya na nga yatang dito tumira. At pinaplano na niya yatang ilipat ang opisina niya sa branch niya dito sa Pampanga. Baliw siya!

"Ate Xareen, thank you ha? Hindi ko akalain na ganito kaganda ang maaaring kalabasan ng kasal ko," ani ni Mary habang inaayos ko ang suot niyang kulay rosas na bestida.

"Walang anuman, Mary. Every woman deserves this kind of wedding. May magagawa ako kaya hindi ko hinayaan na basta-basta na lang ang kasal mo."

"Okay lang naman sa akin ate kahit hindi na sa simbahan. Ang mahalaga naman ay maikasal. Iniisip ko rin naman ang gagastusin."

"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Naku! Huwag mo na 'yang isipin," sermon ko.

"Basta thank you, ate."

Sasagot na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto na kwarto nila.

"Xareen, tawag na ni nanay Laila si Mary." Narinig namin ang sabi ni Cole.

"Sige na. Punta ka na roon. Aayusin ko lang ito mga sandals."

"Sige ate."

Lumabas na si Mary. Narinig ko pa ang pagpuri sa kanya ni Cole bago siya tuluyang lumabas.

"Tara na roon. Maghapunan na tayo," yakag nito sa akin. "Kumain na si Sheen."

"Hindi ka pa sumabay? Okay lang naman ako eh."

"Tss! Kanina ka pa okay nang okay. Tanghalian ka pa kumain, 'ni ang magmerienda tinanggihan mo. Papakagutom ka ba?"

"Bakit ang seryoso mo? Tatapusin ko lang 'to."

"Paano hindi magseseryoso eh kanina ka pa. Ayaw mong alagaan ang sarili mo."

"Grabe naman 'to. Talika na," sabi ko nang mailapag ko sa tamang lagayan ang mga sandals na sinukat ni Mary.

"Kung hindi pa pipilitin," komento nito habang nalakad kami papunta sa kusina.

"Sanay naman kasi ako na minsan ay hindi nakain. Hindi talaga ako gutumin. Kung hindi nga lang dahil kay Sheen, baka dalawang beses lang ako kumain."

"Siraulo ka kasi!" asik nito bigla. "Kaya ka nagkakasakit. Sinasabi ko sa 'yo, Xareen. Hindi puwede sa akin ang ganyan."

Napaka-istrikto ng isang ito. Para naman gutom ako eh. 'Ni hindi man lang nga kumalam ang tiyan ko.

"Opo," marahang sagot ko. Makikipagtalo pa ba ako kay Boss Sungit?

Kami lang ang nandito sa kusina dahil halos lahat ng tao sa bahay ay nasa labas. Rinig na rinig din naman ang tugtog sa labas para sa pagsayaw ng ikakasal.

Nakaupo lang ako habang si Cole ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Tss! Ini-spoil ako ng isang ito. Mamaya baka makasanayan ko na.

"Tama na," awat ko nang akmang dadagdagan niya ang kanin sa plato ko.

"Tss!"

"Napaka-sungit mo po."

"Naiinis kasi ako sa 'yo. Paano kung wala ako, edi hindi ka na kakain."

"Kakain naman, male-late lang."

"At hindi pa late ang tingin mo ngayon?" mas maawtoridad nitong tanong bago umupo sa katapat kong upuan.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon