We could have the best love story. But, you left. -Ms. Cari
                              I never imagined that chatting would be this fun. In fact, I hate typing. And I hate those weird emojis. But, look at me now, I almost use all the emojis just to send to him.
                              Mr. Damuho: Sent a photo
                              Mr. Damuho: Gwapo ko 'no?
                              Ms. Diamond: Saan? Pakihanap!
                              Mr. Damuho: Oh bakit? Gwapo naman talaga ako diyan ah? First runner up ako niyan!
                              Ms. Diamond: May mas gwapo sa 'yo. Kung ikaw sana nanalo, may pag-asa kana sa akin. :D
                              Mr. Damuho: Damn! Kung alam ko lang na 'yan ang magiging basehan mo, sana nagsuot na lang din ako ng brief sa swimwear kaysa trunks. Buwisit!
                              Pilit kong pinigil ang tawa ko dahil sa sinagot nito sa akin. Gago talaga! 
                              Ms. Diamond: Buti hindi mo ginawa. Baka madismaya lang sa 'yo ang audience.
                              Iniisip ko pa lang kasi na naka-brief siya roon pero halos hindi siya magkandatuto nang paglalakad ay natatawa na ako. 'Yung tipong hindi niya alam kung ano ang tatakpan niya. Kung puwet ba niya o 'yung harapan niya.
                              Mr. Damuho: Masyado mo yata akong minamaliit. Alam mong magsasaya lahat kapag nakita nila akong naka-brief. Ikaw mismo ang makakapagpatunay kung gaano sila kaswerte.
                              Damn! I get his point! Hindi naman 'yung ano niya ang ibig kong sabihin eh. Bastos talaga ang damuhong 'to!
                              Ms. Diamond: Manyak! Magtrabaho kana nga! Hindi ako makapagtrabaho eh. Chat ka nang chat!
                              Mr. Damuho: Kasalanan ko talaga? Haha! Sige. Magtrabaho kana nga. Ako rin. Ingat kayo ni Sheen. Mamaya na lang ulit, magandang binibini. :*
                              Shit! Naramdaman ko na lang na namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Kinikilig ba ako?
                              Okay! Hindi na ako magsisinungaling. Kinikilig ako. Parang dati lang, hindi ko nga lang akalain na sa edad kong ito ay mararamdaman ko ulit 'yon.
                              "Hoy Xareen Peni Romualdez! Ano'ng kakirehan 'yan? Bakit nakangiti kang mag-isa?" 
                              Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa pintuan ng office ko si Glow. Hindi ba uso ang kumatok? Walang pasintabi eh!
                              "Pakialam mo! Ikaw lang ba ang may karapatan na ngumiti, ha?" asik ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.
                              Marahan siyang pumasok at umupo sa paborito niyang spot sa opisina ko---sa ibabaw ng mesa ko.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...
 
                                               
                                                  