Can I just call you mine? Please be mine, dear. I want you. Only you. -Ms. Cari
________________
"C-cole," I called him.
And from that moment I knew that the barriers around me broke down. Casually ended. I'm free! I'm free from my own walls.
Mukhang nagulat siya sa narinig niya kaya matapos niya akong ihiga ay bigla siyang humarap sa akin.
"Did I hear it clear? Did you call me on my first name?"
"Y-yes," naiilang kong sagot.
"Yes!" he screamed and hugged me.
Hindi ko alam kung paanong bigla siyang natuwa dahil doon. Siguro ay alam na niyang pinapasok ko na siya buhay ko.
"You don't know how much you made me happy just by calling my name! Damn! I love you!" He hugged me suddenly.
I wanted to get him off me. But, I cannot just end his excitement. Instead, I hugged him back. At least, I deserve something good this night. Not just something, a thing that can be my everything soon.
"I always wonder why you came to me that time. Asking me to have sex. Siempre, nagduda ako. Napakaganda, napakadisente at napaka-inosente mo. Gusto kong umayaw. Pero habang iniisip ko na baka maghanap ka pa ng iba... Ibang lalaki na baka i-take advantage ka, ay pumayag na ako. Sabi ko, mayroon ka naman sigurong maganda dahilan," panimula ni Cole habang nakatingin kami sa mga bituin.
Nandito kami sa veranda. Kumuha kami ng comforter para ipantakip sa aming dalawa dahil sa lamig.
"I have no plan of building a family," I started my story. "When my family abondoned me, that was when I realized that broken family does exist. That time, I got scared. Ayaw ko na maramdaman ulit 'yon. Ayaw ko na mawalan pa ulit. Sabi ko nga, kaya ko nang mag-isa. Unti-unti na rin kasi akong nasasanay. Kaya lang, gago yata talaga ang tadhana. Trip na trip akong gaguhin. Binigyan niya ako ng sakit na magpapabago sa pananaw ko."
"Sakit? May sakit ka? Ano?" Bakas kay Cole ang pag-aala.
"I was diagnosed with tubal cancer when I was 19. Hindi ko alam kung paano ako noon. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako eh. Alam mo 'yung feeling na iniwan ka ng mahal mo, nawala ang mga negosyo mo, itinakwil ka ng magulang mo, tapos may sakit ka pa. Sabi ko pa, ang swerte ko naman! Sinalo ko na lahat ng problema sa mundo."
I still remember that time. Wala akong tigil sa pag-iyak. Dumating din ako sa punto na parang gusto ko nang sumuko. I wanted to commit suicide that time. Kasi pakiramdam ko roon din naman ang ending. Pero matalino nga talaga ako, kasi naisip ko, ayaw ko. Baka sakaling tanggapin pa ako ng pamilya ko.
"I went back to my parents, begging them to accept me. Pero mas masakit ang nangyari. Kasi kahit ang pagbuksan ng gate ay hindi nila nagawa."
Tumigil ako sa pagsasalita dahil parang may malaking batong humarang sa lalamunan ko. I was tortured that time.
"Sabi ko sa sarili ko. Papatunayan ko sa kanila na kaya ko. Mabubuhay ako ng wala sila. I will prove them na minsan man akong nagkamali ay natuto ako. Pero hindi ganoon 'yon kadali dahil may sakit nga ako. I have no choice. Wala akong makakapitan. Hindi ko naman sinasabi na kailangan kong mabuntis. Pero natatakot akong maiwan mag-isa. Kaya sabi ko, kahit isang anak lang. Isa lang."
Agad na hinawakan ni Cole ang kamay ko. "You are the toughest. Go on, I'll listen."
"Glow helped me out. I took the operation that will remove my fallopian tube. Ilang beses ko 'yong pinag-isipan. Dahil once na gawin ko ang operation ay mas malaking possibility na hindi ako mabuntis. Pero no choice, ikakamatay ko 'yon. After that operation, at saka kami nag-isip ni Glow ng way para mabuntis ako. To cut the story short, I met you in Vigan. Since, mukha ka naman matino and all. I chose you. Sabi ko pa kay Glow, malayo naman ang Vigan. Hindi na naman siguro magtatagpo ang landas natin in case na may mabuo. And besides, there's a written agreement between us. May mabuo o wala, walang kang pakialam." Tumitig ako sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Parang sinasabi niya sa mata ko na, hindi ko alam, pasensya. "Natakot akong mag-isa, Cole. Sobrang takot ko. Kaya sabi ko, kahit talikuran ako ng mundo, at least I have Sheen. I have my son who is my everything."
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...