Chapter 31

4.5K 121 10
                                    

I wanted you to hold my hand like you'd die if you let me go. But, I saw pity on your eyes. Then I smiled and let go of you. -Ms. Cari

_______________

I do not know what you should I feel right now. I am not comfortable leaving my son here. Kahit pa sabihin na makakasama naman niya sila tita Bianca ay hindi ako mapakali.

"I don't want to see you like that. Para ba'ng inilalayo kita sa anak natin. Xareen, it would just take us a week. Babalik din naman tayo," paalala sa akin ni Cole.

Paalis na kami ngayong umaga. 2:00 PM is our scheduled flight. Kahit matagal pa 'yon ay gusto ko nang manatili na lang dito.

"First time kong malalayo sa kaniya. Kinakabahan ako," pag-amin ko.

Masyado ko na kasing kabisado ang anak ko. Alam ko bawat kilos at salita niya. Natatakot ako na kapag may gusto nang sabihin si Sheen ay hindi pa nila alam.

"Xareen, it's my mom that will take care of our son. Hindi naman nila 'yon pababayaan."

"I know. Pero siyempre iba pa rin kapag ako. Alam mo naman na may hypoglycemia siya. Natatakot ako. Ayoko na madala si Sheen sa ospital."

"Isa pa, Xareen, maiinis na talaga ako. Magulang ko nga kasi 'yon. Sinabi ko na sa kanila na may kondisyon si Sheen. At isa pa, hahayaan ba naman nila na magutom ang apo nila." Tinalikuran ako ni Cole at kinuha ang maleta namin. "Bumaba ka pagkatapos ng 15 minutes. Hihintayin kita sa sasakyan. Kung hindi ka magpapakita sa akin matapos n'on, ako na lang aalis."

Was I been too harsh? Hindi naman kasi gano'n ang ibig kong sabihin. Natatakot lang ako. Baka kasi hindi magsabi sa kanila si Sheen. Hindi ko naman sinabi na pababayaan nila.

Makalipas ang isang minuto ay tumayo na rin ako sa kama at kinuha ang sling bag ko. Baka nga iwan ako ng damuhong 'yon.

Pagkababa ko sa living area ay nandoon silang lahat. At kapag sinabi kong lahat ay kasama sila nanay.

"Ano, 'te? Sinumpong na yata 'yung isa," bungad sa akin ni Glow nang makababa ako.

"Medyo lang. Bumaba na nga agad ako at baka iwan ako."

"Pasensya kana, hija. Maiksi talaga pasensya ng isang 'yon eh," sabat ni tita Bianca.

"Okay lang po. Baka napikon lang sa akin. Aalis na rin po kami."

"Take care, you both."

"Yes, tita," I replied. "Honey? Hindi mo ba lalapitan si mommy? I'm going." Sinilip ko ang anak ko na nasa sofa lang.

Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harapan nito. Ang sabi niya ay okay lang daw. Pero heto siya at ang lungkot ng mga mata.

"Do you want me to go? Would you be fine? It's okay, honey. I can stay here with you."

Iling lang ang tanging sagot nito sa akin at bigla akong niyakap. Ramdam ko ang lungkot sa kaniya. Parang hinihila tuloy ako nito sa pagdedesisyon na manatili na lang.

"You come with daddy. He is expecting you, mom. I'll be fine here. It's just that I will really miss you," my son whispered.

"Are you sure, honey? I can talk to daddy. I want you to be okay."

"Mom, I'm fine. Mami-miss lang kita."

"How can I leave you with that look?"

"Mom, I'm great. I just want you to call me from time-to-time. I love you."

And that's how my son made me comfortable leaving him. I hugged him tight and kissed his cheek.

"Magsasabi ka kila lola kapag nagugutom kana ha? Kapag may kailangan ka, don't bother ask. Mag-aalala si mommy sa 'yo roon kaya alagaan mo sarili mo. Okay?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon