Chapter 22

4.3K 107 3
                                    

I thought of believing into fairytales. But then I knew that such thing would be a painful one. Because my reality is far different from Cinderella. -Ms. Cari

_______________

"Magkaaway kayo?" usisa ni Glow kinabukasan. Nandito ako sa opisina ko habang si Cole ay pumunta muna sa branch ng MD dito sa Pampanga.

"Galit eh."

"Dahil ba sa kiss?"

"No. Nakalimutan kong mag-text sa kanya."

"Dahil lang doon? I mean, ang babaw noon."

"Ayan nga ang iniisip ko. Ang babaw ng dahilan niya. Limang oras daw kasi siyang naghintay ng text ko. Eh hindi ko naman sinasadya."

Simula kagabi ay hindi niya ako pinansin. Parang 'yun lang? Tss! Kaliit na bagay eh.

"He was expecting someone from you, Xareen. Minsan maging sweet ka rin. Do strange things for him. 'Yung tipong magugulat siya. Hindi 'yong madi-disappoint siya."

"W-wait! Hindi kami kabataan para sa ganoon, Glow. Hindi ba sapat na mahal ko siya at mahal niya ako? May anak na kami para umasta ng gano'n."

Halos mapasapo sa noo niya si Glow dahil sa sinagot ko. What? Did I say something wrong?

"Ayan ang pag-aawayan niyo. Hindi kamo't nasa tamang edad na kayo para lumagay sa tahimik na buhay at matured na kayo ay hindi kana magiging sweet," pangaral nito. "Akala ko pa naman ang galing mo na pagdating diyan. Hay! Maging sweet ka naman! Good man also deserves sweetness and surprises. Just reminding you."

Sweetness and what? Did she say surprises? Me? I'm gonna surprise Cole? For real? No! That's not my thing.

Yeah! That is not my thing. Ayan ang nasa utak ko kanina. Pero makalipas lang ang sampung minuto na pag-iisip ay nagbago na ang pananaw ko. I think I really need to do something for him.

Kaya heto ako at aligaga sa pag-aayos ng isang lunch box para sa kanya. I hope he will like this. This is my first time to make a lunch for a man.

"You think magugustuhan niya? Baka kumain na 'yon eh. Huwag na lang kaya?"

"Eh kung tuktukan kaya kita? Ayan na 'te! Tapos na oh! Halos dalawang oras mo rin 'yan inihanda. Ngayon kapa magba-back out?"

"This is not my thing, Glow! Kinakabahan ako!"

"Susming arte! Umalis kana. Akin na 'yang apron. He'll surely like it. Basta ikaw ang gumawa. Maglagay ka pati ng lipstick. Ang putla mo eh."

"Tss! Okay okay. Mag-aayos lang ako sandali tapos aalis na ako. Ikaw na bahala kay Sheen."

"Yes yes!"

Sandali akong naglagay ng face powder at lipstick. Inayos ko rin ang buhok ko na na medyo nagulo. At tiningnan ang kulay asul kong bestida na humahapit sa aking katawan. I'm not used to these things, but I'll be doing these for him.

Walang isang oras nang marating ko ang MD Jewelries. Pagkababa ko ng jeep ay nangatog agad ang tuhod ko. Seryoso ba ako rito? Gosh!

"I'm looking for Mr. Cole Lim. Where is he?" tanong ko sa isang saleslady.

Maingat niya akong sinuri na para ba'ng nagtatanong kung kailan niya ako nakita.

"Kayo po 'yung girlfriend ni sir? Nasa office po siya," sagot nito. "Ma'am Lyn! Nandito po 'yung girlfriend ni sir!"

Gusto kong taasan ng kilay ang babaeng ito pero pinigilan ko. Hello? Hindi ako nagmamalaki rito. Hindi niya kailangan sumigaw.

"Hi! Ma'am Xareen, right?" tanong ng babaeng sa tingin ko ay si Lyn. "Nasa office po si sir. Sasamahan ko po kayo."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon