Chapter 36

4.5K 132 22
                                        

I just can't write our own lovestory. Because I don't want girls fall for you the way I do. -Ms. Cari

________________

"Where are you going? Huwag kang magpadalos dalos, Xareen. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa 'yo, pero hindi ito ang solusyon!"

"Don't act balistic, Glow. Sandali lang kami roon. Sinabi ko na sa 'yo na may aayusin ako 'di ba? Bago pa man tayo magpunta ng Vigan ay alam mo na ito. Babalik din agad kami ni Sheen."

"Pero si Cole? Alam ba niya?"

Natigilan ako nang banggitin niya ang Cole. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang sabihan. After what happened last night? Hindi na siguro.

"He will be fine, that's what I'm sure of."

"Magagalit siya, Xareen. Alam mo naman 'yan. Karapatan niyang malaman."

"Then you tell him when he ask. Just don't give him my address or anything. Sabihin mo umalis ako dahil may inaasikaso ako. As much as possible huwag mong sabihin na lumipad kami papuntang Ireland."

"You're too complicated. Nasakit ang ulo ko sa 'yo."

I think I really have to do this. Hindi naman kamo't aalis ako ay natakas ako o tinatalikuran ko na si Cole. May kailangan lang akong ayusin sa sarili ko. Then, when I come back, I will settle things. Sa ngayon, ang problema ko muna sa sarili ko.

"Update me from time to time about our business. Alam kong busy ka rin dahil sa wedding mo. Pasensya na muna ngayon."

"Tse! Akala ko pa naman kasama na kita sa pagpaplano ng kasal ko. Ako na ang bahala rito. And besides, tinuturuan ko na rin si Gian. Kaya na namin."

"Sige. Basta ako na ang bahala sa venue. Hindi kamo't ganito kami ni Cole ay wala na rin 'yon. Ako na ang bahala sa venue at sa wedding organizer. You just have to talk to Pauleen."

"Oo na. Mag-ingat ka roon. Mag-text ka lagi o tumawag. Huwag ang hindi, Xareen."

"Oo. Dadaan muna kami sa bahay niyo bukas bago kami umalis ni Sheen."

"Magagalit sa 'yo si nanay, panigurado. Naku! Bahala ka. Hindi mo ako kakampi sa pag-alis mo ngayon. Mag-isip kana ng rason."

Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang sasabihin ko kay nanay. Basta kapag siya na ang usapan, ang bigat na sa dibdib. Lagi kasi siyang nag-alala para sa akin eh. At least I have mother in her.

"Alam ko 'yan. At nag-iisip na ako."

Hinayaan niya na lang ako na mag-ayos ng maleta namin ni Sheen. Dalawang maleta ang dadalhin namin. Ilang mga damit at mga gamot lang naman ni Sheen ang dadalhin namin.

Abala ako sa pag-aayos ng damit namin nang biglang tumunog ang telepono ko. Agad akong kinabahan dahil baka si Cole 'yon. Ayoko nang sumagot ng tawag niya.

"Ate Kylie. Huwag kang kabahan," biglang usal ni Glow nang tinitigan ko lang ang phone ko na nasa side table.

Hindi ko na siya pinansin pa at sinagot ko na iyon. Ngayon pa lang ay alam ko na ang sasabihin niya.

"Hello, ate."

"God! What happened to you? I've been calling since last night, pero cannot be reach ka. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"

"Na-lowbat ako, ate. And umuwi na rin ako. I'm sorry if I have to leave like that."

"Hay! You always make me worry. Para kang bata! Nasaan ka? I want to talk to you! Right now!"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon