I opened my eyes, trying to figure out where should I stand. Then, out of nowhere, I found myself crying. Because I imagined myself alone in a room searching for some love.-Ms. Cari
________________I was all to blame when I lost my opportunity to be our class' cum laude. Ako ang nagpabaya. May karapatan ang magulang kong magreklamo at magalit sa akin. Pero ang talikuran ako, ayon ang hindi ko matanggap. Did I kill someone?
"Ako na muna ang papasok," usal ko kay Cole.
Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Si Sheen ay kasalukuyang natutulog sa backseat.
"Sasama na ako."
"Huwag na. Hindi ko pa alam kung ano ang ibubungad nila. Magandang ako muna ang humarap."
Gusto kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Nangangatog na rin ang tuhod ko sa kaba. Sigurado na ba ako?
Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago ko pinindot ang doorbell. Muli akong sumulyap kay Cole na nakadungaw sa bintana ng kotse. Isang marahang ngiti ang ginawad niya na sinuklian ko naman.
Bago pa ako makalingon sa gate ay nakabukas na ito. Bumungad sa akin ang isang lalaking tingin ko ay guwardiya.
"Sino po sila?"
Ito ang dati kong tirahan. Dito ako lumaki at nagka-isip. Parte ako ng pamilyang nakatira rito. Pero ngayon, isang hindi kilalang tao na lang ako.
"Nandiyan ba ang sila mo--- Nandiyan ba ang may ari ng bahay?" Hindi ko alam kung tama ba na banggitin kong magulang ko sila. Kasi matagal na nila akong itinakwil.
"Opo. Sino ho ba sila?" usisa nito at nilingon pa ang sasakyan ni Cole.
"Business partner. Emergency lang kaya hindi na ako nakatawag. But, I can call them now."
Nagpanggap akong kukunin ko ang telepono ko sa bulsa. Ngunit, bago ko pa man ito mailabas ay nagsalita na siya.
"Sige ho. Pasok na po kayo."
Iginaya ako nito papasok sa loob. Malaking pagbabago ang bumungad sa akin maliban sa dating hitsura ng swimming pool.
"Ma'am Isabel, may naghahanap po sa inyo."
Hindi ko alam kung pa paanong sa isang iglap ay kinulang ako sa hangin. Biglang nagsikip ang dibdib ko nang humarap si mommy. Gusto kong manakbo papalapit sa kanya at yumakap.
"You may go, Erik."
Ganoon pa rin ang boses ni mommy. Laging dominante, na parang walang makakabali ng mga salita niya.
Siya lang mag-isa ang nandito sa kusina. Siguro'y nasa kwarto sila daddy.
"What brought you here?"
Walang ng mas lalamig pa sa boses niya. Doon ko napagtantong nagkamali nga ako ng pagpunta rito. Mali pa rin pala.
"Akala ko kahit pa paano mami-miss niyo ako. Palaging ako naasa sa inyo. Pero laging sa huli, nasasaktan ako."
Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilang maluha at makita nila na mahina pa rin ako.
"Ayan lang ba ang sasabin mo, Peni?"
Cole...
Sa unang pagkakataon gusto kong nasa tabi ko na nga lang si Cole. Sana nandito siya dahil nanghihina ang tuhod ko.
"Ma, gusto kayong makilala ng anak ko." Hindi ko alam kung ilang segundo akong nag-isip bago ko 'yon sabihin.
"Anak?" Napaharap ito sa akin mula sa pagluluto. "Ano'ng pakialam namin?"
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
Storie d'amoreSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...