Chapter 26

4.3K 148 18
                                        

I'm a person with broken heart. A person who tries her best to mend someone else's heart. How heroic! -Ms. Cari

_______________

One week has passed since the incident came up. Mary and the child inside her womb is safe. According to the doctor that examined Mary, the pain is due to over fatigue. It was just triggered when Bettina attacked Mary. But, nevertheless, it doesn't change the fact that Mary has been in danger because of that bitch.

"Nag-usap na ba kayo? Ayos na naman, Xareen. Hindi niya naman 'yon kasalanan. Bakit ayaw man lang bumaba ng pride mo?" pangunguwestyon ni Glow sa akin.

"Usap? Matapos niyang ipagtanggol sa akin ang babaeng 'yon? Sino ba siya? Napahamak si Mary dahil sa kanila. Mga iresponsable!"

"Alam mo nandoon na kasi ako. Galit din naman ako. Pero tama ba na sisihin natin sila, eh si Bettina lang naman ay may kasalanan."

Wow! I don't know what came to Glow's mind to think that it was only Bettina's fault. Oo! Kasalanan naman talaga ng impaktang 'yon. Pero utang na loob lang! Ilang taon na nilang nakasama 'yon sa bahay. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin silang ginagawa at hinahayaan lang ang babaeng 'yon dahil sa dati nitong sitwasyon? They spoiled that bitch! They spared her though she doesn't any of it.

"I'll ask you this, kung may nangyari ba na masama kay Mary at sa bata, mapapatawad mo sila? Kasi ako, hindi!" deretsang pag-amin ko. "Kasama nila 'yon sa bahay. Imposibleng hindi nila alam na ganoon ang saltik sa utak ng babaeng 'yon. Dapat noon pa lang pinutol na nila. Eh wala eh! Kinunsinte pa nila."

Totoo naman 'di ba? Paniguradong ilang tao na rin ang minaliit ni Bettina. At siguro lagi nilang sinasabi na pagpasensyahan na lang, na pagbigyan na lang. Edi ayon! Namihasa ang gaga! Sa halip na si Bettina ang kausapin nila, 'yung mga naaagrabyado nito ang kinakausap nila.

"So, hindi muna kakausapin si Cole? Wala ng balikan? Ayaw mo na sa kaniya? Hindi mo na siya mahal?"

Napairap na lang ako. Tss! Sino ba kasi ang gagong nagpauso ng Love is sweeter the second time around? Pakisabi sa akin, uupakan ko.

Wala akong pakialam kung mahal ko siya. Pahamak naman ang dala nila.

"I don't care, Glow. Wala akong paki kung mahal ko siya. He brings danger."

"Ewan ko sa 'yo. Magulat ka na lang, nililigawan na 'yon noong Nikki."

Agad akong napatigil dahil sa tinuran nito. Nikki? Fuck! Huwag lang talaga niyang susubukan. Ipapatumba ko siya.

"I don't know what to say, pero kinabahan ka ba? Ikaw rin!"

"Shut up, Glow! Edi magsama sila. Ipag-party ko pa sila kasama ni Bettina."

Pagsamahin ko pa silang tatlo. Wala akong pakialam sa kanila. Tss! And if Cole really loves me, then he won't go after that bitch.

Naging maayos naman ang takbo ng buo kong isang araw. Busy din kami sa trabaho kaya naman hindi ko na rin naisip pa si Cole.

"Mommy! Mommy!" Agad akong napatayo sa swivel chair nang marinig ko ang pagtawag ng anak ko.

"What, honey? Is there something wrong?" napatakbo ako papalapit sa kaniya at sinuri ito.

"No, mom. I'm fine. Come with me, faster."

Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang ako sa anak ko. Saktong labas namin ay ang pagharurot ng isang itim na kotse mula sa tapat ng bahay na pinapatayo namin.

"Why daddy left? He haven't seen mommy yet," Sheen asked his ninang Glow.

"Galit daw kasi mommy mo," sagot ni Glow dito. "Oh! Pinabibigay."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon