Because most of the times, pain will kill you. And will leave you nothing but regrets. -Ms. Cari
_______________"Kanina kapa tahimik simula nang umalis si Ryan. May problema ba?"
Hindi ko na kayang panuorin si Cole na busangot ang mukha. Hindi maintindihan kung galit o iyamot. Kanina pa siya ganyan at talagang nababahala na ako.
"Sino ang Ryan na 'yon? Even once Xareen, wala kang nabanggit na may kaibigan kang lalaki."
"Cole naman, pag-aawayan ba natin ito?"
"No. Pero pag-uusapan natin."
God! May mas kakaba pa ba sa akin ngayon? Para naman bibitayin niya na ako eh.
"Nang ganyan kaseryoso? Kalma ng kaunti."
"Tss! Paanong kakalma eh ang siga ng lalaking 'yon?"
Buwisit naman kasi si Ryan eh. Kilala ko siya, at ang ginawa niya ay isang paraan para makapang-inis lang.
"Ako na ang magso-sorry para sa kanya."
"No! Bakit ikaw? Kaano-ano mo siya?"
"God! Sweetheart! Huwag ka ngang OA diyan. Kumalma ka, puwede?" Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Don't tell me na nagseselos siya kasi wala naman nakakaselos sa ginawa ni Ryan. "Ryan is just a friend. I worked for him for 3 years. That's all."
"Tss! Wala na rin naman akong pakialam. "
Humiga na lang siya sa kama namin habang nakatingala sa kisame. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya. At kung kanina ay kunot ang noo niya at simangot. Ngayon naman ay mukhang ulol na ngingisi-ngisi.
"You're scaring the hell out of me. Tantanan mo ako ng ganyang ngiti mo, Cole." Nababaliw na yata ang isang ito. "Aalis na ako. Magpahinga ka riyan. Bantayan mo ang anak natin ha? Pupunta lang ako sa office ko."
"Sure, sweetheart. Bye!"
Ugh! Ang sarap niyang batuhin ng vase. Nababaliw na talaga siya.
Sa loob ng opisina ay tahimik kong inayos ang mga papel para sa mga deliveries. Iniisip ko na ang pagpapalaki ng shop nito at ang pagdagdag na sahod sa mga trabahador namin.
"What if he finds out what happened here 2 years ago?"
"What if he finds out what happened here 2 years ago?"
"What if he finds out what happened here 2 years ago?"
Agad akong napatigil nang marinig ko ang boses na iyon sa kawalan. Imposible. Alam kong pumunta rito si Ryan para kay Sheen. At hindi para guluhin kami. I know him well. Wala siyang gagawin na ikakapahamak ko.
Pilit kong inalis ang isipin na 'yon sa utak ko. Ginawa kong abala ang sarili ko sa negosyo. Maayos kami ni Cole. Maayos ang pamilya namin. And months from now, baka ikasal na rin kami. Walang magbabago sa plano ko.
Mabilis na lumipas ang araw. Balik school na rin si Sheen. Si Glow at Gerald naman ay nakabalik na rin. Si Cole naman ay abala sa negosyo niya. Gusto ko man kausapin siya tungkol sa kasal ay hindi ko magawa dahil nasa Manila pa siya.
"Eh kailan niyo ba planong magpakasal?" usisa sa akin ni Glow na hahawak hawak sa tiyan niya.
"Huwag kang assuming, ate! Hindi kapa buntis," pang-aasar ko sa kanya. Akala mo naman kasi ay buntis na siya. Simula noong bumalik sila rito ay ganyan na siya. Feeling niya yata ay may nabuo na sa sinapupunan niya. "Kapag nakauwi na rito si Cole, at saka na namin pag-uusapan."
"Alam mo bastos ang bunganga mo! Pakilamera ka! Basta may laman na itong tiyan ko. At siya ang flower girl mo!"
"God! Ano'ng akala mo sa anak mo? Siguradong sa kasal namin ni Cole ay baby pa 'yon or maybe fetus, or baka egg cell pa lang. At saka, sigurado kaba na babae 'yon? Huwag ka ngang baliw diyan."
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...