I looked back and reminisced us. I laughed and then cried. How come we ended up like this--- Broken and Destroyed? -Ms. Cari
_______________
Hooray for this chapter. Cole's first point of view. Enjoy, darlings!
_________________
"Ayos lang, Cole. Pagod na pagod na ako. I'm tired of trying. I'm tired of thinking. I'm tired of pushing myself to people. I'm tired of pleasing people. Pagod na ako. Pagod na akong ipaliwanag ang side ko. At kung walang makakaintindi ng sitwasyon ko, then let it be. My whole life is a mess and no matter how I tried to fix it, I ended up hurting. Goodbye."I was lost for second. Nanatili akong hawak ang telepono sa tainga ko kahit wala na siya sa kabilang linya. I hurt her big time.
Hindi ko sinasadya ang nangyari. Hindi ko inaasahan na nandoon siya sa condo ko. Oo, wala akong ginagawang masama at wala akong gagawing masama. Pero ang magsama ako ng babae sa lugar ko habang may alitan kami, ay napakatangang galaw.
"Nahabol mo siya? Where is she?" tanong sa akin ni Princess nang makapasok ako sa condo ko.
I don't know what comes to my mind to bring her here. Alam kong may nakaraan kami at maling hakbang ang isipin ko na wala lang 'yon. Damn!
"No. I don't know where she is. She is not fine. She is crying her heart out. And it's all my fault! Damn! What have I done to my woman!"
Hindi ko namalayan na sa isang iglap ay pumatak ang luha sa mata ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Napakatanga ko para hayaan siya kanina. Hindi ko dapat siya hinayaang makaalis. Hindi ko dapat siya pinakawalan.
"I think I have to go. I'm sorry if I caused some trouble. I didn't mean it. I shouldn't ask you to take me here. And definitely, I shouldn't have called you with our endearment back then."
"It's okay, Princess. I'm sorry if I can't accompany you out."
"It's okay, Cole. I'm sorry. Kumain ka na rin. Sayang ang hinanda ng girlfriend mo. Bye!"
Doon ko lang naalala ang hinandang surpresa ni Xareen. Mas lalo akong nanghinayang. She should have been here. Kasama ko sana siya. Nagtatawanan sana kami at naayos na sana namin lahat. Pero ano ang ginawa ko? Hinayaan siya? Bullshit!
Nilapitan ko ang lamesa. Sa malayo pa lang ay amoy ko na ang bango ng mga niluto niya. White spaghetti, steak with mushrooms, cake and red wine.
Ginawa niya ito lahat. Then what did I do? What did I fucking do? How can I ask for her forgiveness? She's gone too much. I should have been there. I should have understood her further.
Kailangan niya ako, pero nasaan ako. Hindi ko dapat siya tinalikuran. Kahit pa ipagtabuyan niya ako ay mali ang ginawa ko.
Kinuhaan ko ng litrato ang hinanda niya habang umiiyak. Tangina! Kung may makakakita lang sa akin, baka isipin nila na bading ako.
Gusto kong isipin na nandito siya at kasama ko. Nagtatawanan sa mga nakaraang nangyari. Sana nga nandito siya. Sana hindi niya ako inabutan sa ganoong kalagayan na may dalang babae.
Masuka-suka na ako sa kabusugan nang pilitin kong ubusin ang mga niluto niya. Sa pasta ay hindi ko pa gaanong nararamdaman ang pagkabusog. Pero nang steak na ang kakainin ko, ay talagang sumusuko na ang tiyan ko. Ang cake ay kumuha lang ako ng isang slice bago ko itabi sa refrigerator. Gusto kong tikman lahat ng hinanda niya. Ayokong masayang ang effort niya.
Passed 4:00 AM na ay gising pa rin ang diwa ko. Hindi malaman ang gagawin. Hindi maintindihan kung paano uumpisahan ang umaga. Paano ako babawi sa kanya?
Pinilit kong makatulog. Alas dose na nang magising ako. Hindi pa rin alam ang gagawin. Isa lang ang nasa utak ko, ang surpresahin siya. Ang iparamdam sa kanya na totoong mahalaga siya sa akin. At hindi ko kaya na mawala siya---sila ng anak namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/48518789-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...