Was it really my fault? That I fell in love with such a coward like you? -Ms. Cari
________________
Is it really hard to understand that I want to take everything slowly? I know we're not getting any younger, but I just I want to make everything clear. The problem is, he doesn't buy my reasons.
I thought he would understand. That's what he told me. But, when I confronted him, he told me that he was not fine with my idea. Ano pa raw ang iisipin namin at hihintayin namin? When everything was settled.
"Kaya ba siya umalis?" tanong ni Glow habang nakain kami ng umagahan. Tanging si Gerald lang ang kasabay namin dahil wala si nanay Laila dahil sinamahan sila Gian sa pagpapa-check up ni Mary.
"Siguro. Ang usapan namin isang linggo pa siya bago babalik ng Manila. Pero kanina lang ay nagpaalam siya."
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ngayon. Was it really my fault if I'm not yet ready to enter into that serious matter about our lives? Sa natatakot pa ako eh!
"Napatunayan mo na naman na iba siya 'di ba? Ano ba ang pinag-aalala mo?" tanong muli ni Glow. "Kailan ka ba magiging handa? Kapag trenta kana? Ilang taon ba ang aabutin ng pag-iisip mo?"
If only I know. Hindi naman kasi madali eh. Oo, alam kong iba na siya. Pero iba pa rin ang buhay mag-asawa. Maraming dapat isipin.
"Kung alam ko lang, Glow. Ang hirap kasi eh!" himutok ko.
Ang dami kong iniisip. Ang negosyo namin, ang pamilya ko, ang kapakanan ni Sheen, kami ni Cole, ang pamilya niya at ang lintek kong nakaraan na parang sinusundan ako.
"Xareen, hindi naman sa nakikialam ako. Alam kong may iniisip ka lang. Pero sana magtiwala ka rin kay Cole. Hindi naman niya kayo pababayaan. At hindi mo naman siya magiging kalaban, sa katunayan magiging kakampi mo pa siya sa mga bagay-bagay," biglang komento ni Gerald.
Para akong sinampal ng katotohanan na wala nga akong tiwala sa boyfriend ko. At sa pagkakataong ito sigurado na akong nagkamali ako. I let him enter my life without giving him any trust.
"My boyfriend is right," usal ng mahaderang si Glow. "Wala kang tiwala kay Cole! At nakakainis ka! Ikaw ba may alam ka sa nakaraan noong tao? Na baka may past relationship din siya na sinira siya? Alam mo kasi minsan may pagka-selfish ka rin eh. No offense meant, pero ang unfair mo kay Cole."
Did I hurt Cole that much? Did I over react? Have I been too selfish not to consider his feelings?
"No offense meant, pero ang unfair mo kay Cole."
"No offense meant, pero ang unfair mo kay Cole."
"No offense meant, pero ang unfair mo kay Cole."
"Ugh!" Napasigaw na ako dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi ni Glow.
Ang lakas mangonsensya ng dalawang 'yon. Nakakabuwisit!
Hindi ko na tuloy malaman kung tatawagan ko ba siya o ite-text. Nakakainis! Mas lalo naman na hindi ko siya mapupuntahan sa trabaho niya dahil nasa Manila siya ngayon.
And besides, gano'n ba talaga siya kainis para hindi man lang magsabi kung nakarating na siya sa opisina niya. Mababaliw ako sa kaiisip sa kanya! Ugh!
Napatalon na lang ako nang biglang tumunog ang telepono ko at makitang pangalan ni Cole ang rumehistro roon.
"Hello..." sagot ko rito.
"Ano na ang ginagawa mo?"
Iniisip ka. Ayan sana ang gusto kong isagot pero pinigilan ko sarili ko. Simula kanina ay wala pa akong nagagawa dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...