I cannot just love you in an instant. But trust me when I say I love you, it means lifetime. -Ms. Cari
It was already 1:00 in the morning when Glow woke up. She's fine, but she still feel the pain from her feet.
"Kailan ka niyan uuwi?" tanong ko kay Mr. Lim.
"You really want me to go home, don't you?"
"It's not like that, Mr. Lim. I am just thinking about your work. You cannot just stay here with us all the time. Our place is far from yours."
"That's just a matter of distance and time, Ms. Xareen."
"Iniisip lang kita. If that's what you want, then go."
I was about to close my eyes when I felt that he stopped the car.
"Bakit? May problema?"
"What did you say?" I arched my brow. Ano ba ang sinabi ko? May sinabi ba ako? "Did you say you're thinking about me? Iniisip mo ako? Wow! Bago 'yon ah? Sabi naman sa 'yo eh! Lalabas din sa bibig mo 'yan."
I rolled my eyes. Baliw ba siya? Romantic na ba 'yon para sa kanya? Susme! Korni!
"Think what you wanna think, Mr. Lim. Basta hindi ganoon ang ibig kong sabihin."
"Masaya na ako. Kahit i-deny mo pa, alam kong nag-aalala ka. Thank you."
Hay ewan!
Nang makarating kami sa bahay nila Glow ay inayos ko na muna ang tutulugan ni Mr. Lim. Inilagay ko muna ang sofa bed sa kwarto namin para roon na siya matulog. Hindi ko kasi siya puwedeng patulugin na lang sa ibang kwarto dahil hindi ko naman ito bahay.
Awkward na kung awkward pero wala akong magagawa.
"Do you have shirt?"
"Mayroon, kaya lang naisuot ko na kanina. May malaki kaba diyan?"
"Yes, I have. Wait lang."
Saglit kong hinanap sa cabinet ko ang isang kulay light blue na shirt na may tatak na mga hearts.
"Pagtiyagaan mo na. Ayan na pinakamalaki kong shirt," sabi ko at iniabot sa kanya 'yon.
"Hahaha! Kung sanay lang akong matulog na hindi na nagpapalit ng damit, pagtitiyagaan ko na itong sa akin eh. Nakakahiya ito."
"Ang reklamo mo. Pasalamat ka may maisusuot ka!"
"Oo na! Thank you."
"Tsk! Sige na. Matutulog na ako. Hindi ka naman lalamukin diyan dahil may electric fan."
"Sige. Magpapalit lang ako. Goodnight, Ms. Xareen."
"Yeah. Goodnight, Mr. Lim."
I know how sleepy I am, but it's more than half hour since I laid in bed and still I am awake.
Siya pa rin ang naiisip ko. Si Mr. Lim pa rin ang laman ng utak ko! Nakakainis na!
Alam kong may posibilidad na totoo ang sinasabi niya na liligawan niya ako. Pero bakit? Sino ba ako? I'm just the mother of our son. Wala siyang alam sa pagkatao ko, pero kung makapagsalita siya akala mo ay kilala na niya ako nang matagal na panahon. Ang weird niya!
Inabot pa yata ako ng alas tres ng madaling araw bago ako tuluyang makatulog. Ngayon ay mas naramdaman ko ang pagod at puyat. Kung hindi nga lang kailangan ni Glow ng kasama sa ospital ay tutulog pa ako. Kaya lang wala rin naman mag-aasikaso sa kanya.
Uuwi pa ngayon ang nanay at kapatid niya kaya kailangan namin maghanda. Buti na nga lang at makakauwi na rin siya mamayang hapon. Samantalang ang nanay niya ay sa gabi pa ang dating.
![](https://img.wattpad.com/cover/48518789-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomansaSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...