Choosing me and loving me is a different story. Love me then just choose me. -Ms. Cari
____________________
One month later...
"Is everything set?" I asked Pauleen.
"Yes. May mga bisita na rin sa labas. Ikaw na lang at ang birthday celebrant ang hinihintay."
"Oh. Sige. Bababa na rin kami."
Muli kong pinasok ang anak ko sa kwarto namin. Kasalukuyan siyang nakaharap sa laptop at ka-video call si Cole.
"There are many gifts, dad. But your presence and mom's is what really matters."
"Babawi ako, son. For now, si mommy muna."
"Okay. But, that's a promise, ha?"
"Of course!"
Hindi ko magawang sumingit sa kanila. Natutuwa na ako habang nag-uusap sila. Ever since na umalis si Cole sa bahay namin ay hindi na ito bumalik.
Ang sabi sa akin ni Bettina ay umalis daw ito. At hindi sila sigurado kung saan bansa. Pinagsabay na raw ang bakasyon at negosyo.
"Mom!"
Nagulat na lang ako nang tawagin ako ni Sheen na may malaking ngiti. "Are we going?"
"Oo sana. But, if you need more time with your dad, it's okay. Ako muna ang magsasabi sa kanila."
"You go now, son. Mamaya na lang ulit. Enjoy the party."
"Okay, dad. Bye. Take care. We love you."
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng anak ko sa pagbanggit niya ng We. Did he mean us?
"I love you too," Cole answered.
Si Sheen ay nagtungo muna sa CR para umihi. Ako naman ay akmang isasarado ang laptop nang makitang nandoon pa rin ang mukha ni Cole.
Shit! Akala ko nag-end call na.
"Uhm... Papatayin ko na." Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin.
"Okay."
Tinitigan ko na lang siya. Parang ang awkward naman kasi kung papatayin ko na lang 'di ba?
"Are you really not coming home?"
"Hindi na muna siguro."
Iyon ang sagot na hindi ko inaasahan. Sa pagkakatanda ko minsan niya nang sinabi na hindi niya papalampasin ang kaarawan ng anak namin. And now? Hindi na naman siya makakarating.
"Are you avoiding me? Lagpas isang buwan kanang walang paramdam eh."
"No."
"Okay lang naman kung dadalawin mo si Sheen. Hindi ko naman siya pinagkakait sa 'yo, Cole. You can even stay here at home. Kahit ikaw pa rito sa kwarto natin at ako sa guest room."
Isang tawa ang narinig ko sa kanya. Totoong tawa. 'Yung masaya.
"I'll be home, Xareen. May inaasikaso lang ako."
Gusto kong maiyak sa harapan niya. We are getting there, I know. I just have to wait for him.
"Okay. Naghihintay kami."
Pinatay ko ang tawag nang may masayang mukha. Maaayos namin ito. Malapit na. Kailangan ko lang siyang bigyan ng oras katulad nang pagbibigay ko ng panahon sa kanya noon.
"Parang ang saya mo yata? Hindi ko alam kung si Sheen ba ang tinititigan mo o nakikita mo si Cole sa kanya," untag sa akin ni Glow na hawak hawak ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomantikSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...