Chapter 13

4.9K 126 2
                                    

Yes, you love me. How come that you love her too? -Ms. Cari

"You better go. Mahirap nang abutin ka ng gabi rito. Magpaalam ka kila nanay," sabi ko at tinalikuran siya.

Ngunit bago pa man ako makahakbang papalayo ay hinigit niya na ako sa braso.

"I'm sorry, Xareen. Nabigla lang ako."

Tss! Nabigla ang gago! Pakisabi nga sa akin kung may nakakabigla sa sinabi ko?

"Hindi na mahalaga, Mr. Lim," walang emosyong kong sagot bago tuluyang umalis sa harapan niya.

Napakalakas ng loob niya na sabihin na gusto niya ako. Gago ba siya? Ano'ng akala niya sa amin? Teenager? Nakakaloko lang dahil may anak na kami pero kung umakto kami ay para kaming highschool.

Hindi na ako lumabas ng kwarto ni Sheen hanggang sa umalis si Mr. Lim.

Gustong pumasok sa relasyon pero walang kasiguraduhan. Ewan!

"Xareen." Rinig kong tawag sa akin ni Glow habang nakatok sa pinto namin.

"Pasok."

"Umalis na si Cole. May nangyari ba?" usisa nito bago umupo sa kama namin. "Parang ang lungkot niya kasi."

"Hayaan mo siya. Matanda na siya para intindihin mo pa."

"Ano ba talaga ang nangyari?" mas mahinahon na tanong ni Glow.

Kapag ganito siya alam kong nag-aalala talaga siya para sa akin. Alam kong sa panahong ganito, siya lang ang masasabihan ko.

"Mali ba ang ginawa ko? Mali ba na hingin ko sa kanya na sabihin sa akin na mahal niya ako?"

"Hindi ko maintindihan, Xareen. Paanong hiningi mo?"

"He told me to trust him. Trust him that he won't do stupid thing like hurting me. Sabi ko naman, sige pero sa isang kondisyon. Sabihin niya na mahal niya ako."

"And?"

"Hindi siya nakasagot. Masyado ba akong mabilis? Hindi ba't mabilis din naman siya? Hinihingi niya ang tiwala ko samantalang wala pa kaming isang buwan na magkasama? Ano ba naman 'yon!"

Napabuntong hininga siya sa harapan ko. Buti na lamang at wala na rito si Sheen sa kwarto at kasama si Gerald sa pinapagawa naming bahay.

"Nabigla siya?"

"Oo."

"Eh ano ba ang gusto mong marinig? Ang sabihin niya na mahal ka niya para lang pagkatiwalaan mo? O ang sabihin niya na hindi niya alam?"

"Ewan! Ang akin lang naman, h'wag niyang kwestyunin ang nararamdaman kong takot," tumayo ako sa kama at dumungaw sa bintana. "'Te, hindi naman madaling magtiwala. H'wag niya akong madaliin, dahil hindi ko rin siya minamadali."

"Okay. I get it. Ayaw mong mag-risk kasi hindi kapa naman niya mahal? Kasi 'yung tao ngang mahal ka dati naiwan ka, 'yun pa kayang taong gusto ka lang? Am I right?" Tumango lang ako bilang sagot. "And I get him too. Hindi siguro niya gagawin ang mga bagay na 'yon kung alam niyang hanggang gusto lang ang mararamdaman niya sa 'yo. He sees you as a woman who'll he marry soon. Siguro nga mali na madaliin ka niya
But he is man. Gusto niya na sa ganitong sitwasyon magtiwala ka."

"Pero paano nga?" asik ko rito. "If I trust him, it means I love him. Hindi naman ako magtitiwala kung hindi ko siya mahal 'di ba? Ang problema nga, hindi niya ako mahal!"

"You want security, right?" she asked and I nodded. "And he also wants security from you. Parehas kayo ng gusto, Xareen. Sa ganitong sitwasyon hindi ba dapat mas nagkakaintindihan kayo?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon