Don't make things complicated. Just eat and breathe, that would be perfect. -Ms. Cari
_________________A tear escaped my eye when I looked at my son. How could this happen in just two days? I met him again, and then I found out that he's one of our valued customer. Is destiny really dragging us together?
I am not selfish to hide my son from him. But hell! He is not supposed to meddle with our lives. Alam na alam niya na nasa kontrata namin 'yon. Mabuntis ako o hindi, wala siyang pakialam. Okay nga lang sana kung ex-boyfriend ko siya, o kaya naman ay naging ka-one night stand. Kaya lang hindi gan'on eh. Binayaran ko siya para mabuntis ako. Sperm cell niya lang ang kinailangan ko!
Alam kong mali! Alam kong hindi ko dapat 'yon ginawa. Pero noon pa man 'yun na ang gusto ko---ang magkaanak. Okay na sa akin na hindi makasal, basta may anak ako. Okay naman lahat eh. Letse! Bakit kasi sumulpot pa ang lalaking 'yon.
The next day, I woke up late. It was already 2:00 AM when I fell asleep. I was thinking of the possible ways on how I can get rid of that Mr. Lim.
Why I should get rid of him? Simply because I don't know him. I don't know if he's a married man, if he has children, if he is a criminal. Paano na lang kung may asawa pala siya? Eh 'di ginawa ko pang bastardo ang anak ko. Susme! Hindi ko kayang paguluhin ang tahimik naming buhay ni Sheen. If I need to go back to Ireland, I'll do it. Just to make sure that my son will have the most comfortable and most peaceful life. I want the best for my son, that's all I want for him.
Then I remembered that my son is not here beside me. Agad akong napabalikwas sa kama at nanakbo palabas. Shit! I'm paranoid!
Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong iginala ang mga mata ko. Sakto! Nasa terrace siya habang naguhit.
"Sheen!" tawag ko rito. "Bakit umalis kana sa kwarto?" tanong ko at lumapit na sa tabi niya.
"Mom, I over slept. 'Tsaka nagugutom na rin po ako kanina eh."
"Oh? Ano ang kinain mo?"
"Pinagluto po ako noong lalaki na nagbabantay sa store ng pansit canton."
Oh? My son is referring to one of our employees. Kahapon ko lang din 'yon nakita. Pero ang sabi sa akin ni Glow ay tatlong taon na 'yong nagtatrabaho sa amin. And according to Glow, he is one of our trusted employees. Siya na rin kasi ang nagbabantay ng buong furniture store. Ang furniture store kasi namin ay katapat ng bahay nila Glow. Kahit pa kita nila ang negosyo namin ay iba pa rin kung may nagbabantay dito.
"You could just wake me up, honey. Baka may ginagawa si kuya Gerald."
"I can't mom. You sleep peacefully."
He is really sweet. I wonder where did he get that attitude.
"How is your feet?" I changed topic.
"It still hurts. But, I can manage mom."
"I know you can, honey. You just stay here. I'll just go to ninang Glow."
"Okay, mom. I'll just continue this."
Umalis na rin ako at sandaling nag-ayos bago puntahan si Glow.
"Good morning, Ma'am Xareen."
"Good morning po."
"Good morning, Ma'am."
Sunod-sunod na pagbati ang bumungad sa akin. Naipakilala na ako sa kanila ni Glow. Hindi ko nga lang akalain na ganito kaagad kainit ang pagtanggap nila.
"Nasaan po si Glow?"
"Ah. Nasa production section po, Ma'am. Kasama niya po si Gerald," sagot ng isang babae na nasa late 30's.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomansaSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...