Chapter 27

4.6K 128 13
                                    

Do not wait for me to get the answer. Because when I do, I'll surely leave everything behind---unsaid and uncleared. -Ms. Cari

________________

"How does it feel? Masakit? Your fault."

"Will you shut up, Cole. My head is damn aching. Baka mapikon ako sa 'yo."

Damn headache! This really sucks. Kagabi naman ayos na ayos ako. But, just this morning, parang hindi ko na maigalaw ang ulo ko sa sakit.

"I'm not doing anything, sweetheart. Bakit ka highblood?"

"Iniinis mo ako---Ugh! Shit!"

Napabalik ako sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Buwisit na 'yan.

"Iniinis? I'm just asking you. Maligo ka muna, para mawala 'yan. Aalis lang ako."

"And where are you going? Tatawagan mo si Nikki? Go ahead, Cole. Push me to my limits."

I hate him! Isipin mo ba naman na tinawagan niya pa kagabi si Nikki dahil baka raw hinihintay siya noon sa bahay nila. Aba naman!

"You're over-thinking things, sweetheart. Bibili lang ako ng pagkain natin at susunduin ko si Sheen. Huwag ka ngang tamang hinala riyan!"

And I rolled my eyes. Paanong hindi magtatamang hinala, eh siya riyan ang nalandi. May pagtawag pa. Edi hayaan niyang maghintay. He doesn't owe that girl any explanation.

"Aish! Huwag ka ngang ganyan, sweetheart. Tumawag lang ako dahil tamang gawin ko 'yon. Wala 'yong ibig sabihin. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang asawa ko, at ikaw lang."

"Oo na. Sige na. Mag-ingat ka."

"That's it? Walang I love you?"

"Kakabati lang natin kagabi. Umalis kana."

"I love you, Xareen."

Tinalikuran ko na siya at ngumiti ng palihim. Hay! He's really into me. Luckily, I'm his.

Nanatili ako sa kama ng higit kinse minutos bago ako tuluyang naligo. Dahil nga sa kalasingan ko, tanghali na ako nagising. Siya lang ang nag-asikaso sa anak namin. Tuwang tuwa naman siya habang kinukuwento niya na ang dami raw kuwento ng anak ko. Halos lahat daw tungkol sa akin.

Nang matapos akong maligo ay naabutan ko sila Cole sa kitchen. Nandoon na rin ang anak kong nakasuot pa rin ng uniform niya.

"Sweetheart, kain na. How are you feeling?"

"Much better. How's school, honey?" I asked Sheen and kissed his cheek.

"It was great, mom. Teacher Isabel always ask me to draw on board. She said I do have a talent."

"Yes, honey. Haven't I told you that? You're great, you'll always be," I replied and took my seat beside Cole.

Si Cole na ang naglagay ng pansit malabon sa plato ko habang nakikipag-usap ako sa anak ko. Kasama rin naman sina Mary, Gian at nanay Laila ngayon sa hapagkainan.

"Nay, lilipat na po kami sa bahay sa sunday. House blessing na rin po," baling ko kay nanay Laila.

"Ay sige. Ayos na ba lahat doon? Nalinis na ba?"

"Napalinis ko na po. Naayos na rin po ang ilang furnitures. Ready na pong tuluyan."

"Aba'y maige. At itong si Cole ay nahihirapan na sa liit ng kwarto niyo rito. Magkakatabi pa kayo sa isang kama."

"Hindi po, nay," biglang sabat ni Cole. "Mas natutuwa nga po ako na magkakatabi kami. Gustong gusto ko pong katabi ang mag-iina ko."

"Nagbibiro lang naman ako."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon