Chapter 28

4.6K 114 10
                                    

A day will come when you won't need to call me at 2:00 AM. You just need to roll over the bed, grab and hug me. And just whisper into my ear how much you love me. -Ms. Cari

_________________

"How about Christmas vacation?" I asked Cole.

We are planning of bringing Sheen somewhere he's new to. Ilang buwan na kami rito sa Pilipinas pero Laguna, Manila at Pampanga pa lang ang nararating niya.

"Puwede. Kailan ba ang bakasyon niya?"

"First week or second week of december."

"We can set it on the third week."

"Saan? Batangas, Quezon, Baguio?"

"Vigan."

Agad akong napatingin sa kaniya. Kasalukuyan kasi namin inaayos ang white christmas tree na binili namin kahapon. Na-late na nga lang kami dahil december na ngayon.

Isang ngisi ang rumehistro sa labi niya kaya agad akong naguluhan. Mamaya lang ay naalala ko na rin kung bakit. Oh yeah! A memorable place for the both of us.

"Puwede. Pero mas maganda kung isama natin sila nanay. Mag-hotel na lang tayo?"

"No. May rest house sila mommy ro'n. We can stay there."

"Mayaman talaga 'to. Baka gusto rin nilang sumama? I mean, family bonding."

"I'm flattered, sweetheart. I'll ask them."

I don't know how excited my son would be once we tell him about our vacation. This is his first time celebrating the christmas here. And I know it's quite different from our place before.

I remember that we only had the chance to celebrate the holidays in one of great spots in Ireland once. I think Sheen was just three years old back then. The following years are celebrated in our apartment. We just made video calls to at least greet Glow and the family.

"Sweetheart?"

"Oh?"

"Face me."

"Aish! Nag-aayos ako. Mag-ayos ka diyan!"

"Humarap ka muna!"

"Bak---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumapat ang labi sa akin ni Cole.

"T-teka nga! Ano ka ba ha? May ginagawa tayo!" asik ko rito.

"Nami-miss kita kahit katabi lang kita. Lagi na lang sila ang iniisip mo. Buti pa sila mommy naalala mo. Sila nanay Laila, naisip mo. Samantalang ako, wala."

"Ano'ng drama 'yan, Mr. Lim? Eh 'di ba nga kasama ka? Tayo nga ang nagpaplano eh."

"Oo nga. Pero... huwag na nga lang. Nevermind," sabi nito at tinalikuran ako.

Abnormal ba siya? Alangan naman yakagin ko siya at itanong kung sasama siya, samantalang alam ko na ang sagot. Baliw ang gago!

"Hoy! Dadramahan mo talaga ako? Bakit ba kasi ha?"

"Bakit hindi mo lang ako tinanong kung bakit doon? 'Ni hindi mo lang naalala kung gaano kahalaga ang lugar na 'yon para sa atin."

God, help me with this one. Bakit ko pa itatanong sa kaniya? I know the asnwer.

"Are you serious? Alam ko naman na mahalaga 'yon sa atin. I didn't argue, Cole."

"I know."

Itinuloy na lang namin ang pag-aayos ng christmas tree ng walang imikan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil parang hindi siya nag-iisip o matatawa dahil mukha siyang tanga.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon