You opened my heart with possibilities and yet you left it with negativities. -Ms. Cari
_______________
"Nandito ba si Cole?" tanong ko sa katulong na bumangad sa akin sa bahay nila.
"Wala po, Ma'am. Pero hindi kayo maaaring pumasok. Baka po matanggalan kami ng trabaho?"
"Is my son here?"
"Ma'am, pa---"
"Let her in." Matigas ang tono na iyon at halatang nanggaling sa ina ni Cole.
Kinabahan ako. Mabait sila sa akin, pero sa pagkakataong ito ay parang mababaligtad na ang lahat.
"What is this I heard from my son? That you're married. Is that true?"
"Yes, I'm ma---"
Wala akong balak na mag-deny ngunit kahit ganoon kabilis ang sagot ko ay hindi ko na rin naituloy nang isang malakas na sampal ibinigay sa akin ni tita Bianca. Ramdam kong napasinghap sa gilid namin si Bettina at kuya Luis.
"Pinatuloy kita rito sa bahay. Tinanggap ka namin nang maluwag tapos ito ang gagawin mo sa anak ko? Ang kapal ng mukha mo!"
Inaasahan ko na ito. Hindi na rin ako nagulat pa. Pero hindi ako pumunta rito para magpaliwanag pa. Gusto ko lang makuha ang anak ko.
"Naiintindihan ko po kayo. Galit kayo sa akin. Pero para itago ang anak ko sa akin? Iyon ang hinding hindi ko maiintindihan."
Isa na naman ang sampal ang nakuha ko. Gusto kong ngumisi.
"Lumayas ka sa bahay na ito!"
"Aalis po ako. Pero nasaan po ang anak ko?"
"Ano'ng karapatan mo kay Sheen? Eh wala ka naman nagawang mabuti sa kanya? Itinago mo sa anak ko ang anak niya, niloko mo ang anak ko, tapos ngayon aangkinin mo ang apo ko?"
"My son is my son even without your son. Tanungin niyo rin po si Cole kung bakit ko siya itinago. Pero kung ito po talaga ang gusto niyo, ang itago ang anak ko sa akin, ilaban na lang po natin sa korte."
"Wala kang delikadesa!"
"Sabihin niyo na po kung ano ang gusto niyong sabihin. Pero minahal ko ang anak niyo. At 'yung batang itinatago niyo sa akin ay mahal na mahal ko. Kahit ano pa hong sabihin niyo ay ako pa rin ang ina niya." Wala silang alam sa kaya kong gawin para sa anak ko. "Sa ating lahat ay ako ang may karapatan sa kanya. Alam niyo 'yan. Patawad sa nagawa ko sa anak niyo. Pero patawad din sa maaari ko pang gawin. Dahil hindi ako papayag na mailayo niyo sa akin si Sheen dahil sa akin siya."
Hindi ko intensyon na sumagot sa kanila. Kaya lang sa oras na ito ay nauubusan na ako ng pasensya. Dalawang linggo na nilang tinatago ang anak ko. Ilang beses na akong nakiusap. Hindi ko idinaan sa dahas. Hangga't maaari ay nagpakumbaba ako. Pero para insultihin nila ako bilang ina ni Sheen, hindi ko na iyon mapapalampas. Dahil hindi nila alam kung ano ang isinakripisyo ko para kay Sheen. Wala silang alam sa mga ginawa ko habang wala akong karamay sa pag-aaruga sa anak ko.
Oo, hindi nila kasalanan dahil hindi naman ako humingi ng tulong. Pero batayan na ba iyon para insultuhin nila ako? Ginawa ko lahat! Dahil kung nagkamali ako, hindi nila makilala si Sheen. Kung hindi ako nagsakripisyo, hindi nila mahahawakan ang anak ko. Wala silang alam sa mga pinagdaanan namin ni Sheen. Mga bagay na nagtulak sa akin para gawin ang isa sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ko.
"Oh please, tigilan mo nga ako nang pagkunot mo ng noo. Baka makita 'yan ng anak tapos ma-adapt niya," bungad ko kay Ryan na hindi maipinta ang mukha. "Ano ba'ng problema?"
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...