Chapter 17

5K 126 7
                                    

Can it be that she is your priority but I am your life? -Ms. Cari

__________

Kiss? I never that it would be so special. Damn! I thought it was just about the lips of two people which are exploring each other. But, that kiss was different. We were not just exploring each other's mouth, but our soul.

"Hoy! Xareen! Tulala na lang?" hiyaw sa akin ni Glow.

Ilang oras na akong nag-iisip. Simula noong mangyari 'yon ay hindi na ako nakatulog.

Ang alam ko lang tumagal ng minuto ang halik namin sa isa't isa. Natapos lang kami noong may marinig kaming ingay mula sa labas.

Parehas kaming habol hininga noong maghiwalay ang mga labi namin. At talagang ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Bakas sa mukha niya ang saya.

Napayakap pa siya sa akin bago siya tuluyang bumalik sa puwesto niya. Nagpanggap akong tulog sa harap niya. Hanggang sa magising siya ay gising pa rin ang diwa ko.

"Eh eh! Teka! May nangyari ba sa inyo ni Cole, ha?" tanong nito na kinalaki ng mata ko. "Ay naku! So, totoo? Ano? Naka-home base ba? O hanggang touchy-touchy lang. Masusundan na ba si Sheen ha?"

"OA, Glow! Hindi ba't ikaw ang nakipag-date? Oh, ano? Home base ba?"

"Ay friend! Virgin pa rin. Mabagal ang koya mo."

"Hahaha! Haven't heard of the word respect?"

"25 na ako! Utang na labas! Baka mamatay akong virgin."

"Edi maganda!"

"Ayoko nga! Dapat mabinyagan na ako!"

Natawa ako sa inaakto ni Glow. Hindi niya alam na kanina pa nasa likuran niya si Gerald na kunot na kunot ang noo.

"Gahasain ko kaya 'yon? Sa tingin mo?" usisa pa nito kaya napahagalpak ako sa tawa.

Tangang ito!

"Uhm!" hiyaw ni Gerald at binatukan siya. "Kababaing tao ang daming alam. Ano'ng gagahasain ka riyan? Umayos ka nga!"

Ay galit ang koya niyo. Lagot kang Glow ka. Impaktita ka kasi. Binigyan naman ako ni Glow ng bakit-hindi-mo-sinabi look.

"Joke lang 'yon! Highblood agad?" pagbibiro pa ni Glow at hinigit siya agad ni Gerald patayo.

"Mag-uusap tayo."

Seryoso talaga si Gerald. Parang ibang tao tuloy 'yung nakaharap namin. May ganoon pala siyang side?

"Lagot ka sa akin, Xareen!" sigaw pa ni Glow bago siya tuluyang makaladkad ng boyfriend niya.

May ganoon pa palang lalaki? 'Yung tipong ayaw galawin ang girlfriend nila dahil hinihintay nila ang tamang oras. Alam ko naman ang salitang respeto, pero lalaki kasi 'yon. Mahirap magpigil lalo na kung babae ang nag-i-initiate.

"Ay virgin!" hiyaw ko nang biglang tumunog ang phone. Hayup na 'yan!

"Hello, Xareen?"

Oh that damn voice!

"Bakit?"

"Nakausap mo na ba ang teacher ni Sheen? Naka-book na kasi ang flight natin sa friday."

Oh shit! I forgot!

"Nakalimutan ko," nahihiyang tugon ko. Bobita, Xareen!

"May dalawang araw pa naman. Basta sunduin ko na lang kayo diyan sa friday. Before lunch."

"Huwag na. Kami na lang ang babiyahe papunta diyan," kontra ko sa kanya.

Masyado rin kasi siyang mapapagod. Pupunta siya rito tapos babalik ulit doon.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon