I will leave you with regrets. Because no one could love you more than I did. That's a promise!-Ms. Cari
__________________
"He has all the right to get mad! Sino ka ba ha? Ikaw pa ba ang kaibigan ko? Wala akong maintindihan sa pinaggagagawa mo, Xareen!"
"Hindi mo naiintindihan, Glow!"
"No! Stop with your bullshits, Xareen! Hindi naiintindihan? Kailan? Lagi akong nandiyan para sa 'yo, pero itong kagagahan mong ito? Ewan!"
Ganoon ba kahirap intindihin na ginagawa ko ito para sa anak ko. Napakahirap ba'ng intindihin na natatakot ako para sa kaniya?
"Inilalayo ko ang anak ko sa kanila. Sa mga taong puwedeng manakit sa kanya. Siya lang ang mayroon ako, Glow! Si Sheen lang! At hindi ko makakaya kapag siya ang nawala sa akin! Ganoon ba kahirap intindihin 'yon, ha?"
"Huwag kang sumigaw sa harapan ko na parang hindi ka nag-iisip! Ipakulong mo si Bettina! Go! Wala akong pakialam! Magdusa man ang anak niya, wala akong pakialam! Ayan ang gusto mo 'di ba? Pero bakit pati si Cole idinadamay mo? Nag-iisip ka pa ba? Matino ka pa ba?"
"He wants me to let Bettina alone. Ganoon na lang ba 'yon? After my son suffered?"
"Wow! Have you ever asked your son if he wants Bettina in jail? 'Te, ang selfish na kasi eh. Hindi ko na makita na iniingatan mo si Sheen. Ang nakikita ko na lang ay 'yang inis mo."
Wala akong maisagot sa mga sinasabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kainis sa akin.
"Galit din kasi ako kay Bettina eh. Isipin mo pinahamak niya ang kapatid ko at ang magiging pamangkin ko. Minaliit niya ang pamilya ko. Iniwan niya ang inaanak ko mag-isa. Pero, 'yung ipakulong siya ng isang taon, tapos okay na? Ano 'yon? Hindi mo siya gustong patigilin, gusto mo siyang pahirapan."
"Glow, please. Intindihin mo na---"
"No, Xareen! No! Ikaw ang umintindi! Hindi puwedeng ikaw nang ikaw ang iintindihin namin. You know what? You are pushing people away from your son even from his father. You're damn selfish!"
"Dahil napapahamak ang anak ko!"
"But it was never Cole's fault! Huwag mong idamay ang ama ni Sheen."
"Glow! I need you!"
Hindi ko alam ang gagawin. Akala ko magiging kakampi ko siya.
"Kailangan ng ama ng anak mo. Huwag mong ipagkait 'yon sa kanya. Kasi Xareen, ang hirap ng walang kalakihang ama. Nandiyan si Cole para sa inyo. Maging fair ka naman."
Deretso siyang lumabas ng opisina ko. Wala akong nagawa kung hindi ang manatiling tahimik. Was it really my fault? Was it really me having trust issues? Was it really me being over protective?
Noong nagbalak akong mag-impake ng mga damit ay hindi ako hinayaan ni Cole. Siya na lang ang umalis ng bahay. Kasalanan ko nga siguro ito. Ako nga siguro ang gumugulo sa buhay namin. Pero masisisi ba nila ako?
Lumipas ang oras. Kasalukuyan na akong nakahiga sa tabi ni Sheen. Simula noong umalis sa bahay si Cole ay dito na ako natutulog sa kwarto ng anak namin.
Ewan ko ba. Kahit pa paano naman ay tinutubuan pa rin ako ng konsensya. Wala siyang kasalanan, pero kada may mangyayaring ganito ay siya agad ang sinisisi ko.
Nagdaan na ang tatlong oras pero hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Lahat ay iniisip ko. Gulong gulo na ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at tinawagan ko na ang numerong 'yon. Hindi ko alam kung gising pa ba siya. Pero sana.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...