Chapter 24

4.2K 103 12
                                    

Don't be blinded with the idea of love. Open your eyes and mind. See the imperfections and if you find those but still want to stay. Then, continue loving. That is love. -Ms. Cari

___________________

"Hey, are you okay? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."

Nabaling ang atensyon ko kay Cole na nasa harapan ko. I took a glance on my plate. And yeah, he is right. Wala pa nga itong bawas.

"I'm fine," I replied.

What's wrong with me now? I should be happy. Kasama ko siya. Pero ewan ko ba, pero ang weird ng pakiramdam ko.

"Tell me, what's bothering you? I can help," Cole said and held my hand.

"Ewan ko. Ang weird lang ng feeling ko. But, I'm fine. Kumain na lang tayo."

"Do you want to go home after this?"

"No. Date natin 'to. At marami pa tayong bibilhin. 'Tsaka maggo-grocery pa tayo." I tried to smile.

"If that's what you want. Basta kumain ka."

We ate in silence. Nevertheless, I can see from his eyes how happy he is. I just can't believe that a man like him would fall hard with me. Baliw nga siguro siya para pasukin ang komplikado kong buhay.

"Don't stare at me like that, sweetheart. You're scaring the shit out of me," he laughingly said.

"I'm just staring. Ang gwapo mong kumain."

"I know. But please, stop it."

"Kill joy. Sige na nga."

I don't know what's with me that he fell in love with. I'm sure women are head over heals with him. So, why choosing me, right? Dahil ba sa ina ako ng anak niya?

And for sure, if I ask him now, maiinis siya. Ilang beses na siyang nagpaliwanag eh. Kesyo noon pa lang nagustuhan niya na ako. Na iba ako sa mga nakilala niya. But, is that is? Tss. I guess, loving is really unconditional. We don't love with those reasons. We just fall in love, not knowing why. Weird but true.

After lunch, we decided to go to the supermarket. Bibili na rin kasi ako ng stocks sa refrigerator nila Glow. And I really want to bake cake.

Sa pagkakaalam ko kasi ay magbi-birthday na ang mokong na ito. But, he is really hiding it from me. Ewan ko ba. Sana lang, naisip niya na babae ako at magaling pa ako sa imbestigador o soco na tuklasin ang katotohanan.

"Wait. Xareen, what's really wrong with you? Kanina, natutulala ka. And then you keep on staring at me. And now, you're smiling?"

"Ang OA mo! Nangiti lang eh. Let's go. Marami ang nasa listahan ko."

Sa loob ng supermarket ay kung ano ano ang binili ko. Inuna ko na ang mga personal hygiene. Bumili na rin ako ng mga panlagay sa bathroom sa bahay namin.

"Nanay na nanay ang dating mo, sweetheart," puna ni Cole habang kinikilatis ko ang mga binibili kong liquid soap.

"Of course. Nanay naman talaga ako."

"Nanay na sobrang ganda."

"Bolero."

Ang sinunod naman namin ay ang mga pagkain. At kinulang talaga ang isang push cart sa pinamili namin.

"Tama na siguro."

"Hahaha! Tama na siguro? Dalawang cart na nga ang dala natin."

"Eh kasi isinama ko na 'yung ilalagay natin sa bahay. Para uunti na lang sa susunod ang bibilhin natin."

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon