Clarification:
Xareen Peni Romualdez (Sayrin Peni)
Sheen Axe Romualdez (Shin Aks)
Cole Lim (Kowl)________________
I want something deeper. A thing that is invisible in the eyes of other, but bold in ours.- Ms. Cari
________________That day after we gone to a grocery store, I asked Ryan to take me to Pampanga. I need time alone. I didn't tell him about the message I received. I made an alibi.
"Call me if you need anything, okay? I'll be there tomorrow. I just have to send my report to the hospital."
"Yes. May natira pang sinigang sa ref mo. I-microwave mo na lang ha? Please, Ryan, take care of yourself. Umiwas ka sa mga may preservatives."
"Yes. Gagawan ko na nang paraan. Sige na. Pumasok kana. I'll go ahead after you close the door."
"Okay. Careful sa pagda-drive and thank you."
I waved at him as soon as I entered the house. Nag-wave rin siya sa akin at minwestra na isara ko na ang pinto. Matapos noon ay narinig ko na ang pagpapaandar niya sa kotse.
Sa oras na tingnan ang kabuuan ng bahay ay nalungkot ako. I’m all alone. Pakiramdam ko ay mauulit na naman ang nangyari noon. Noong itinakwil na ako ng pamilya ko. Ganito rin ang feeling ko noon eh, parang nawawala. At hindi malaman kung saan ilulugar ang sarili.
Inakyat ko ang hagdan at tinungo ang kwarto ng anak ko. Wala naman nabago sa ayos noon mula noong iwan ko. Nandoon pa rin ang sketch pad niya at ang ilang pens niya sa mesa.
Sandali akong nanatili roon bago ko mapagdesisyunan na pumunta sa kwarto ko. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. I am tired. Ito na yata ang lagi kong mararamdaman.
I don’t know where to start. I feel like I’m lost in this journey with nothing in my hands and with no one. Kahit naman kasi sabihin ko na kasama ko si Ryan ay hindi pa rin. I don’t want him to get hurt. Masyado ko na siyang nasaktan at hindi ko kayang paulit-ulitin pa ‘yon.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa magkakasunod na tunog ng cellphone ko. Bumungad doon ang isang mensahe na galling sa kapatid ko.
From: Shaina Romualdez
Call me as soon as you read this. This is urgent.God! I'm not ready for another mess. Isa-isa naman, Lord. Huwag niyo naman pagsabayin. Isa lang ang katawan ko.
After couple of minutes of staring at my phone, I finally call Shaina. This is serious. Really serious.
"Where are you?"
"Pampanga. Please, huwag mo akong paka---"
"Dad had a car accident. And he's in critical."
Sa isang iglap ay nanginig ang kamay ko at nagtubig ang mata ko. Aksidente? Si daddy?
"W-whe... Where? W-what hospital?" Hindi ko alam kung paano magtatanong.
Naiiyak ako.
"Quezon City General Hospital. Come here, ate. We need you right now."
Matapos nang tawag na iyon ay nagsuot na lang ako ng jacket at kumaripas ng takbo palabas. Hindi ko alam kung paano pupunta roon.
Alas quatro pa lang ng umaga ngayon at ang tricycle sa lugar namin ay iilan.
"Come on!" Hindi ko na mapigilan na hindi mapasigaw.
"Oh! Ang aga mo naman yata ngayon? Saan ka pupunta? Sa doctor mo?"
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...