Chapter 16

4.9K 128 8
                                        

I am not your hero. Be informed that I am not always there when you need me. I prioritize myself. -Ms. Cari

_____

The fuck! I'd cursed million times. How did it happen? How come? I know that shit happens, but not that fast.

I closed my fist into a ball. Damn it! Damn situation! Hindi ko alam kung ako ba ang nag-initiate ng halik o ako nabiktima. Bullshit! Bakit wala akong maalala!

I felt my heart beating fast---damn fast and hard. And what makes me more annoyed is he still in his calm face. Buwisit!

Wala man lang ba sa kanya 'yon? He kissed me for goodness sake! I've never been in that embarassing moment, ngayon lang!

"Puwede ba'ng huwag kang ngumisi diyan! Isa pa talaga! Ibabato ko sa 'yo itong tsinelas!" asik ko sa kanya at iniamba ang tsinelas kong hawak. Buwisit na 'to!

"Relax! Parang nakangisi lang naman. Masama ba 'yon?"

Kitang kita ko pa rin ang pang-aasar sa paraan ng pananalita niya. At mas lalo akong nanggigigil.

"Oo, masama! Nang-aasar ka!"

"Ano'ng nang-aasar? Bakit naman kita aasarin? Dahil sa halik? Hindi ako ga---"

"Ugh!" sigaw ko at binalibag sa kanya ang tsinelas ko.

"Whoa! That was closed!"

"Nandito ka ba para buwisitin ako, ha?" bulyaw ko sa kanya.

Nakakainis! Kami lang dalawa ang nandito sa terrace. Si nanay ay nagluluto habang si Sheen ay nasa kwarto.

"Nandito nga ako para makausap ka. Ano ba ang kinakainis mo diyan?"

Ugh! Ang sarap niyang ibaon!

"Nang-aasar ka nga kasi!"

"At bakit naman kita aasarin?" Kahit ang boses niya ay may pagkaseryoso ay halata pa rin doon ang pang-aasar.

"Buwisit ka!"

"Hahaha! Inaano ko kaya siya. Umayos ka nga. Dito ka sa tabi ko, bilis!"

"Ewan ko sa 'yo!"

"Bilis na. Kwentuhan mo na ako."

Umirap na lang ako bago ako tuluyang tumabi sa kanya.

I never imagined myself being this comfortable with a man. Yes, I had been comfortable with Peter because he was my boyfriend. But, not like this. It was like I'm finding a new side of me when I'm with Mr. Lim.

Bago ako umapak sa Pilipinas ay alam kong iba na ako. Hindi na ako 'yung Xareen na mahilig tumawa, nakikipagbiruan o kung ano pa man. Alam kong noong bumalik ako rito ay iba na ang takbo ng isip ko. Lagi akong seryoso, laging pormal, at malayo sa sitwasyon ko ngayon.

Sa isang iglap kasi binago ako nitong lalaking ito. Siya lang kasi ang damuhong naglakas loob na inisin ako, asarin, buwisitin at pikunin. Ito tuloy ako at nagugulat sa inaasta ko.

"What are you thinking?" tanong nito. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako nang makitang seryoso siyang nakatitig sa akin. "Can you share it with me?"

"Why are you doing this?" I asked. I was not sure what I'm referring to.

"Doing what?"

"Ito! 'Yang pagpunta mo rito para lang makausap ako. 'Yang pang-aasar mo. 'Yang pagpupumilit mo na makapasok sa buhay ko. Ayan! Lahat ng ginagawa mo na tungkol sa akin."

"Naiinis ka na ba? Nakukulitan ka na?" nakangiti pero bakas dito ang lungkot.

"No, I am not. Tinatanong ko lang. Ilang beses ka ng nag-explain pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Bakit ako?"

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon