Show me what you've got! Show me that you're not the same with them! Show that your love is true and not an illusion! -Ms. Cari
_________________
And they lived happily ever after...
Ayan na lang ang itinatak ko sa utak ko. Na lahat ng pagsubok na ito ay malalampasan ko rin. Na baka bukas paggising ko ng umaga ay katabi ko na ang anak ko. Na bukas, babalik sa amin si Cole. At may pag-asang mabuo ang pamilyang nais namin.
Hindi ko mapigilan hindi malungkot matapos isipin ang lahat ng nangyari nitong nakalipas na mga araw. Masyadong mabigat at komplikado ang lahat ng iyon. But, at least, nakayanan ko naman.
Maging ang nangyari sa amin ni Cole ay pinagwalang bahala ko na lang. Oo, masakit iyon. Pero iniisip ko na lang na iyon ang makakapagpaluwag ng damdamin niya. Baka sakaling mabawasan ang sakit na dinulot ko.
Naiintindihan ko siya sa hindi maipaliwanag na paraan. Kasi alam ko ang pakiramdam na para kang trinaydor.
"Eh paano na? Ano na ang balak mo? Si Sheen?" tanong sa akin ng nag-aalalang si Glow.
"Back to basic? Hangga't hindi nalalaman ni Sheen na may alitan kami ni Cole ay okay sa akin. Hiniling ko na rin kay Cole na kung puwede ay tatawag ako sa umaga at gabi para kumustahin ang anak namin. Hindi siya nag-reply. Pero kada natawag ako ng alas otso ng umaga at gabi ay nakakausap ko naman si Sheen."
Okay na ako sa set-up namin. Nami-miss ko na si Sheen. Sobra! Pero kailangan ko rin pagbigyan si Cole.
"Give him time with your child. Admit it na ipinagkait mo rin minsan sa kanya ito. Hayaan mo muna sa kanya ngayon. Sooner or later, maiisip din niya na mahirap at marami kang isinakripisyo sa anak niyo."
Iyon ang linyang itinatak ko sa utak ko. Si ate Kylie ang nakausap ko noong umuwi ako galing kay Cole. Siya lang ang mapagsasabihan ko. At siya lang din ang makakaintindi ng sitwasyon ko.
"Maaawa rin sa 'yo si Cole. Kilala natin siya, wagas ang pagmamahal niya sa inyo ni Sheen. Sa ngayon kasi masakit pa rin sa kanya 'yon."
"Oo nga. Naiintindihan ko naman. Kaya nga kahit ilang beses niya na ako ipinagtabuyan ay heto pa rin ako."
"How about the doctor?"
Agad akong napatingin kay Glow. I think Ryan has nothing to do with this. May tiwala ako sa kanya. He will help me out this mess.
"He is Ryan, Glow. He is my friend."
"Kaibigan? Eh bakit niya iyon ginawa?"
"Because he was desperate that time," I replied. "Ryan loves me too much, kami ni Sheen. Siya ang lagi ko noong kasama. Alam kong nagsisisi siya sa nagawa niyo. And right now? Nagpapasalamat ako sa kanya."
"Well, he is nice.
"Yes, he is." Kahit pa ano'ng mangyari ay hindi mababago noon ang pagtingin ko kay Ryan.
"Anyway, para saan ba iyong new branch sa Subic? Expansion?"
"Yes. Pero balak kong ilagay ang isang branch sa Quezon City. Sabi ni mommy at ni ate Kylie ay tutulungan nila akong i-manage 'yon."
"Ah. So, ayos na talaga kayo?"
"Well, hindi pa naman gaano. But, getting there."
"Mabuti 'yon. At least, kung ikakasal nga kayo ni Cole, ayos na 'di ba?"
"Kung ikakasal."
Nang araw din 'yon na iyon ay parehas kaming naging abala ni Glow sa trabaho. Hindi ko akalain na ganito na katambak ang orders namin. Halatang pagod na rin ang mga empleyado namin. Pero nangiti lang sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...