I cried not because of pain but because I lost myself through loving you. -Ms. Cari
__________
From: Mr. Lim
I do not know what to say, I am damn speechless. Tuloy na tuloy na ito, Xareen. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naririnig sa bibig mo na gusto mo ako. And I would not be ashamed to tell you that what I'm feeling towards you is not just like but love. I love you, and I am deadly serious. And have you felt the perfect moment? Because whenever I am with you everything seems so perfect and right.Matapos ko 'yong mabasa ay mabilis akong napatingin sa puwesto ng kotse niya. Nandoon pa rin 'yon, pero hindi ko na siya maaninag.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang makarating sa harap ko kaya naman bigla akong napaigtad.
"A-ano'ng ginagawa mo diyan?" nauutal kong tanong.
"Can I just take you home? Hindi ako mapapakali eh."
"Ha?" alinlangan kong tanong. "Mahihirapan ka lang. Matagal ang biyahe para sa 'yo. I will be fine here."
"No. Matapos noong ginawa mo sa kotse? I cannot just allow you to go home alone."
"Eh? Don't over react. Maaga pa naman at maaga pa rin akong makakauwi. You have nothing to worry," I paused. "And besides, you have an important business to do tomorrow. Mapapagod ka lang."
"Mapagod na ang mapapagod, pero hindi ko hahayaan na bumiyahe ka mag-isa." Seryoso ba ang taong ito? "So, please come with me now."
"I know what you're pointing out here. As much as I want to come with you, I cannot. May trabaho ka at ayoko na mapagod ka pa. Please, Mr. Lim, I can handle myself."
"Okay! Ganito na lang. Every 15 minutes call me."
At napamaang ako. Seryoso ba talaga siya? Wala man lang akong makitang bahid ng pagbibiro sa sinabi niya.
"You're kidding me."
"I am serious, Xareen. It's either you come with me and allow me to take you home or call me every 15 minutes. You choose."
Gusto kong sapuin ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung OA ba siya o protective lang talaga.
"Okay. I'll call you then. Umalis kana at paalis na ito. Mag-ingat ka. Tsupi!" hiyaw ko sabay tulak sa kanya.
"Tss! Ito na. Ingat ka." Tumango na lang ako sa kanya. At nang akala ko na aalis na siya ay hindi pa pala. May kinausap siyang babae at pinaupo sa tabi ko. "I cannot afford to imagine that a guy might be sitting next to my territory. You are mine and I am the only one allowed to sit beside you."
Naiwan akong nakanganga dahil sa sinabi niya. Sira ba talaga ang ulo niya para sabihin 'yon? Napakaraming tao na kasabay ko. Imposibleng hindi nila narinig 'yon.
"Ang sweet ng boyfriend mo. You are a lucky one," komento ng babaeng katabi ko. "How I wish na ganyan din ang boyfriend ko."
Napangiti na lang ako ng bahagya. Ayoko naman sabihin na hindi ko boyfriend si Mr. Lim, dahil sa inasta nito.
Nang makaalis ang bus ay saka ako nag-send ng message kay Mr. Lim para sabihin na nakaalis na ang bus. Wala pa man ilang minuto ay nakapag-reply na siya. Wala ba siyang ibang ginagawa at nagagawa niya pa akong pagtuunan ng pansin.
From: Mr. Lim
I already paid you fare, kasama na rin 'yung sa katabi mo. Mag-ingat ka. Remember to call me after 15 minutes. I'm waiting, okay?
![](https://img.wattpad.com/cover/48518789-288-k55463.jpg)
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomansaSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...