@angelzakura Kagabi pa dapat ito naka-post eh. Hindi mo lang ako kinulit kagabi kasi nagmamaganda ka. Ikaw na ang paulit-ulit na binabalikan ng ex. Hahaha! Happy Graduation, Mafriend. I love you. :*
___________________She was destroyed. She was in pain. She was hurt. But, she tried to love again. Then, she loved hard. And so the first sentence repeats. -Ms. Cari
_______________
"Sino ba ang nakausap mo?" usisa ni Glow sa telepono. Nandito ako sa veranda ng kwarto ni Cole. Siya naman ay naliligo na.
"Si mommy. Tama ba na tawagin ko pa rin siyang ina?"
"Ina mo pa rin naman 'yon."
"'Te! Tinakwil na ako. Huling beses na 'yon. Huling beses na ang paglapit kong 'yon. Dahil sa susunod na mangyari pa 'yon, sarili ko na itatakwil ko."
Until now I couldn't believe what happened earlier. Parang isang basura lang ako. I begged! Nagmakaawa ako para sa anak ko. And what? Sasabihin lang nila na wala silang pakialam? The hell!
"Eh ang pamilya ni Cole?"
"They are fine. Mababait sila. May isa lang na impakta." Napairap na lang ako sa kawalan ng maalala ko si Bettina.
Masyado siyang anghel kapag kaharap ang biyenan niya. Plastik!
"Why?"
"May impakta eh. Sa susunod ko na lang sa 'yo ikukwento."
"Okay. Sige. Basta bukas umuwi ka na. I already told you na may pupuntahan tayong party."
"Ewan ko sa 'yo. Alam mong hindi ako mahilig doon."
"Please lang, Xareen. Sige na. Bye."
I do not know why she keeps on insisting that I should come to that party. I'm not fond of those things.
"Sweetheart." Halos mapatalon ako sa gulat kay Cole. "Kila mommy matutulog si Sheen. Hinatid ko na siya roon. Let's sleep."
"Wait! Bakit?"
"Ngayon lang nila makakatabi ang apo nila. Don't get mad, sweetheart."
"Tuwang tuwa ka ano? Umayos ka, Cole!" asik ko rito at nilampasan ko na lang siya.
"Tuwang tuwa? Bakit naman ako matutuwa?"
"Malay ko. Tutulog na ako!"
Agad akong nahiga sa kama niya. Tumalikod din ako sa pupwestuhan niya. Ramdam na ramdam ko lang ang kabog ng dibdib ko. Shit!
"Are you nervous? Wala naman akong gagawin." Rinig kong sabi nito at umupo sa tabi ko. "Kahit may pagkakataon akong gawin 'yon, hindi ko gagawin."
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag sa sinabi niya o dapat akong kabahan kasi magagawa niya talaga 'yon.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Ramdam ko lang ang titig niya mula sa likuran ko. Shit! This is awkward!
"The first time we did it, we let go of each other. I don't want it to happen again. Gusto ko sa susunod na mangyari 'yon, gigising ako na nasa bisig kita."
And that instantly made me surprised. Iniisip niya ba na iiwan ko siya kung sakaling may mangyayari sa amin?
"Do you think iiwan kita?" Sa wakas ay nagkalakas ako ng loob na harapin siya. Nakahiga pa rin ako samantalang siya ay nakatingin lang sa akin.
"I am just scared, Xareen. Damn scared! When you left, you left me hanging. And I left you with my heart, that is terrible."
"Cole," I called him. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomanceSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...