Chapter 41

3.9K 128 16
                                    

(Read my note at the end of this chapter. Do not skip. Thank you. Enjoy reading, darling. Vote and leave comment. I will mention names in the next update.)
________________
It's better to believe in your jokes than your promises---less disappointment.-Ms. Cari

________________

My knees trembling and hands shaking. I was shocked, and dumbfounded. Is this how the night would end---heartbreaking?

Kumawala sa mga labi ko ang hagulgol. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan iyon, ngunit wala na, huli na ang lahat.

"Ahh!" Wala nang mas lalakas pa sa sigaw ko nang tuluyang makaalis sa paningin ko si Cole.

Hindi dapat ito ang nangyari. Iba sana. Masaya sanang matatapos ang gabi na ito, pero bakit naging ganito? Sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon.

"H-he doesn't love you that much, Xareen."

"Shut up, Ryan! Ayokong marinig ang boses mo! Ayokong marinig ang kahit ano sa sasabihin mo! Parang awa mo na! Manahimik ka!"

Siya ang may kasalanan nito.

"Our marriage was null and void, Ryan. Alam mo iyan. I was not capable of bearing your child. I was not capable of bringing your name. Alam mong ginawa ko lang iyon dahil may utang na loob ako sa 'yo. You knew it from the start. How come na gagawin mo ito?"

Pilit kong hinahanap ang sagot sa utak ko. Alam kong mahal niya ako, na noon pa lang ay iba ang tingin niya sa akin. Pero para gawin ang ganitong bagay? Hindi ko na alam.

"I cannot cope up with the idea of you marrying someone else other than me."

"Hindi mo ako hawak sa leeg, Ryan! For goodness sake!"

"Magalit kana sa akin kung magagalit ka. Pero itong ginawa ko? I will never regret this."

Mas naging mabilis ang pagpatak ng mga luha ko. Mabigat at mainit 'yong lumandas sa pisngi ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kilala ko siya, ang saktan ako ang huling bagay na gagawin niya. Pero hindi niya ba alam na nasasaktan niya ako ngayon?

"I love you, Xareen. And this love is pushing me to do things I was not capabe of doing. I cannot afford to see you this hurt because of me, neither I cannot manage to see you with him."

Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamalas pagdating sa pag-ibig. Swerte ba na maituturing kapag dalawang tao ang nagmamahal sa 'yo. 'Yung tipong kahit sino sa kanila ang piliin mo ay ayos lang. Pero bakit ganoon? Masakit sa dibdib? Mabigat sa damdamin? Bakit nakakasakal?

Sa isang iglap ay ibinagsak sa akin ang langit. Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Ayoko na masira. Ayoko na paulit-ulit na masira.

Makasarili akong maituturing dahil inilihim ko kay Cole. Hindi ako nag-iisip. Sa isang salita, bobo ako. Pero ano ang magagawa ko? Takot na takot akong maiwan niya.

Hindi naman ako ganito eh. Hindi marunong demepende sa tao. Okay na ako basta nandiyan si Sheen. Pero nang dumating siya sa buhay namin, nag-umpisa na naman akong tubuan ng kaba at takot. Takot na sa isang iglap ay aalis na naman siya. At wala akong magagawa kung hindi ang umiyak habang pinapanuod siya palayo.

Masakit, paulit-ulit ang sakit. Kaya lang, wala akong karapatang magreklamo, dahil ako ang nagkamali. Ako ang may kasalanan nitong lahat. Una pa lang sana ay inamin ko na sa kanya ang lahat. Itinurn (turn) down ko na lang sana ang pagpupumilit niyang makapasok sa buhay ko.

Hindi ko naman intensyon 'to eh. Mas pipiliin kong ako ang masaktan kaysa siya. Mas pipiliin kong ako ang magdusa kaysa siya. Pero huli na, nagawa ko na siyang saktan sa paraang kamumuhian niya ako.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon