I'm sorry. I've been loving you for so long. I should stop before I end up dying. -Ms. Cari
__________________
“You’re marrying a married woman. That woman you’re holding hand is married. That woman is mine. Xareen is mine. Xareen is my wife!”
"...Xareen is my wife!”
"...Xareen is my wife!”
"...Xareen is my wife!”
That fucking voice kept on replaying inside my head for almost a month now. Every night! Every night I got to hear that shit! I was about to believe in an endless love, or maybe I just did believe on her. And just like that, she ruined it!
“What will you do? How about the child? Are you going to hide him from his own mother?” kuya Luis asked. This wasn’t easy, but I have to endure.
“I have no choice. I don’t want my son to live with his mother who made us believe that we were really a family.”
“Do you think Sheen will agree with you?”
“He has no choice! I did my best to fight for us! But, god dammit! His mother betrayed me!”
Hindi ko magawang pigilan ang sarili ko sa sobrang galit. Pakiramdam ko ay makakapatay pa rin ako. Ayaw kong makita kahit ang anino nila, dahil baka magdilim ang paningin ko. At huli na ang lahat para pagsisihan ko pa ‘yon.
Tangina kasi eh! Sobrang mahal ko si Xareen. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya ito.
“Tangina! Sanay na nga ako na biglaan na lang naalis si Xareen! Sanay na ako hindi niya ako pinapahalagahan katulad ng pagpapahalaga ko sa kanya! Pero para gawin niya pa ito? Puta! Nakakagago!” sigaw ko sabay hagis ng baso ng naglalaman ng alak. “Puta! Nakakabobo siyang mahalin!”
“Mas maging malakas ka. Magulo ang utak mo, pero hindi ‘yan maiintindihan ng anak mo. Bago ang mga pansarili niyo ay si Sheen muna. Kasi higit sa inyong dalawa ni Xareen, si Sheen ang mas magdurusa.”
Naiintindihan ko ang sinasabi ni kuya. Kaya nga hangga’t maaari ay nagpapanggap ako na maayos sa harap ni Sheen. Kunwari ay busy lang ang ina niya sa negosyo. Hindi niya alam na wala nang kasiguraduhan kung makikita niya pa muli ito.
Alam kong darating ang oras na kamumuhian niya ako para sa pagtatago sa kanya sa ina niya. Pero maiintindihan niya rin na ginagawa ko ito dahil alam kong ito ang mas makakapagpasaya sa kanya. Ayoko na buhayin siya sa malaking kasinungalingan ng pamilyang akala niya ay mayroon kami.
“Paano, uuwi na ako? Gusto kitang samahan dito, pero hahanapin ako ni Trixie. May sakit pa man din ‘yon, si Bettina na naman ang mapupuyat.”
“Mahal mo na talaga si Bettina, ano?”
Gusto kong matawa sa kanya. Dati rati lang ay halos ipakaladkad niya iyon palabas ng bahay. Tingnan mo nga naman ngayon, hindi maatim ni mahirapan ang asawa niya.
“Consistency, tol. Akala ko imposible ko siyang mahalin, pero nanatili siya. Nanatili siya sa tabi ko kahit ganito ako. Kahit may iba akong mahal noon. Sa lahat ng oras, siya ang nasa tabi ko. Kahit pa napakaliit ng porsyento na magustuhan ko siya ay nagustuhan ko pa rin siya. I learn to love her.”
Nang makaalis ang kapatid ko ay saglit kong niligpit ang kalat sa living area ng condo ko bago maisipan na maligo. Akmang papasok na ako ng CR nang tumunog ang telepono ko.
Iritable ko iyong sinagot nang makita kong pangalan ni Xareen ang rumehistro.
"Ano na naman?"
"Si Sheen? Maaari ba na makausap ko siya. Please, Cole..." Ramdam ko ang pagsusumamo sa boses niya. At ito ang nakita kong pagkakataon para makaganti man lang.
BINABASA MO ANG
Untied String (Completed)
RomantikSabi nila, madaling magmahal. Mayroon pa nga, masarap daw sa feeling. Hindi ako kumontra, kasi may punto sila. Pero noong sinabi nila na, tanga raw ako at manhid, galit ang naramdaman ko. Kasi sa buhay natin, hindi laging masaya, hindi laging matami...