Chapter 42

4K 131 3
                                    

Dedication at the end of this chapter. Happy New Year! Enjoy reading, darlings. I'm a needy writer for votes and comments, so do not hesitate.

__________________

I am woman with an inborn intelligence. Don't make me feel like I am nobody because I will leave you like shit. -Ms. Cari

_________________

He shut the door without minding me. I was hurt. I was in deep pain, but I never complained. Ito kasi ang gustong maging reaksyon ng tao mula sa akin. Totoo naman kasi eh, wala akong karapatan na magreklamo.

I admit it! Ako pa ba ang hindi? Siyempre kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat.

"Let's go, Xareen. Please..." Mabagal akong tumingin sa likod at doon ko nakita si Ryan. "Tama na muna 'to. Huwag mong sagarin ang sarili mo."

Hindi ako umimik hanggang sa buhatin niya ako at ilagay sa passenger seat ng kotse niya. Doon ko muling tinanaw ang bahay sa harapan ko.

Sa isang iglap ay nagbago ang itsura noon. Napalitan ng kulay ang buong bahay at nagkaroon ng mataas na pader. Naging itsura ito ng mansyon namin.

Mas lalo akong napaiyak. Ganito rin noon, ganitong ganito. Nagmakaawa ako noon dahil kailangan ko ng matutuluyan, kailangan ko ang pamilya ko. Ngunit, sa halip na papasukin ay sinaraduhan nila ako. Umulan na at kumidlat ay wala silang ginawa. Hinayaan nila ako sa labas habang namamatay sa sakit.

"Halika nga rito," agad na sabi ni Ryan at niyakap ako. "Ayaw kong makita kang ganyan, Xareen. Ayoko. Kaya please lang, tama na."

"M-masakit eh," humihikbing bulong ko.

Itataboy ko pa ba siya? Kung sa oras na ito ay siya lang ang nandito para sa akin?

Malaki ang kasalanan ko kay Cole. Alam ko 'yon. Alam kong niloko ko siya, ginago. Pero sa sitwasyong ito, si Ryan ang dapat mas galit sa akin. Sa kanya ako kasal, at siya ang higit sa lahat na pinagtaksilan ko.

Oo, may karapatan si Cole na magalit. Lahat sila ay dapat na magalit sa akin. Sadyang hindi ko lang maintindihan ang kakayahan ni Ryan para tanggapin ako ng ganito.

Noon pa man iyon na ang ginawa niya. Wala siyang pakialam eh. Basta ang lagi niyang dahilan, gusto niyang manatili sa tabi ko.

"Why are you still here? I already said that I can go by myself," I said as soon as I saw him sitting in the lobby.

"It's already midnight. You're not safe."

"And why do you care?" I asked with my brows arched. "Okay. Thank you about last night. I was lucky that you took that road and happened to see me being harassed by goons. I thank you. But, please, I know what to do this time. I'm aware. And I brought pepper spray just in case."

He just laughed as if I said the most stupid thing ever. He is pissing me off.

"Probably, they are waiting for you right now. There's no other road to your apartment. What if they range from three to five goons? Do you think your pepper spray will work? I doubt it, miss."

"Pakialam mo? Tatay ba kita? 'Yun ngang tatay ko hinayaan lang ako sa labas ng bahay namin na mamatay sa ginaw, tapos ikaw may pakialam? Wow! Oportunista ka siguro?"

"No. I have sisters. And I just don't like ladies being abused."

Agad na nanlaki ang mata ko. Shit na amerikano 'to. Nakakaintindi pala ng english.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon