Chapter 48

5.9K 160 8
                                    

She is encapsulated with strength. And survival is her profession. -Ms. Cari

_______________

"Mom, daddy Ryan wants to talk to you," untag ng anak kong kapapasok lang ng kwarto.

Agad akong napatingin kay Cole para humingi ng permiso.

"Go ahead. I'll be waiting here."

"You sure?"

"Yes. I trust you."

Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng kwarto namin. Iniwan ko silang mag-ama sa loob.

Medyo kinabahan ako nang maaninag ko sa balkonahe ng bahay namin si Ryan na nakatanaw sa labas.

"Ryan..." pagtawag ko rito.

"Hi. Nandiyan na raw si Cole?"

"Ah yes. Kaninang hapon lang."

Madilim na ngayon. Wala na ang mga bisita namin. Pamilya ko na lang ang natira.

"Binabawi ka na nga niya." Tumatawa pero kita ang lungkot sa mata niya.

Kung sana lang kaya kong hilumin ang sugat sa dibdib niya. Pero sino ba ako para gawin 'yon? Baka kapag mas lumapit pa ako sa kanya ay mas masaktan lang siya.

"Aalis na ako."

Bigla ay nakaramdam ako ng panlalamig. Hindi ako sanay sa ganitong klase nang pagpapaalam niya. Nahihirapan siya.

"Wala na rin naman dahilan para manatili pa. Baka kapag sinubukan ko pa, ikamatay ko na."

"Ryan..." Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang dala niyang lungkot.

"It's okay, Xareen. Noon pa lang naman ay hindi mo na ako pinaasa. I insisted. Klaro na noon pa man. Pero nagmatigas ako. Nagpumilit. Pero wala pala talaga."

"I didn't mean to hurt you like this, Ryan. Hindi ko sinasadya."

Lumapit siya sa akin at kinulong nang dalawang palad niya ang mukha ko. Matalim niyang tinitigan ang mga mata ko. Nakikiusap na huwag akong umiyak.

"Alam ko. Wala kang sinasadya. Eh sa siya ang mahal mo eh. Siya ang ama ng anak mo. Wala akong laban. But, this was not a battle field anymore. The winner has being proclaimed even before the war started."

"I'm sorry."

"No. I'm sorry. Pinahirapan kita. Nasaktan kita. Pinangako ko na hindi kita sasaktan. Na tahimik kitang ipauubaya sa iba kung sakaling magmahal ka. Pero ito ang ginawa ko. Ginulo ko lahat. Patawarin mo ako."

Hindi ko na nagawa pang magsalita. Sa halip ay kinulong ko siya sa mga yakap ko.

"Umalis ka man o lumayo ka man, mananatili ka sa puso ko. Ikaw ang natatanging lalaki na nagpatunay sa akin na walang hinihinging kapalit ang pagmamahal. Sa puso at isip ko, naging ama ka ni Sheen. Patuloy kang magiging ama ng anak ko, Ryan. Lagi mong tatandaan na nandito ako. Nandito kami ng anak ko."

"Alam ko. At pangako, babalik ako. Kapag nagamot ko na ang sarili kong puso."

Natapos ang pag-uusap namin na parehas kaming may lungkot sa mata. Hindi ako komportable. Bukas paggising ko, alam kong umalis na siya. Ayaw niya na rin na magpaalam. Kahit si Sheen ay tinanggihan niya na ihatid siya. Dahil baka raw hindi niya magawang ihakbang ang paa niya palabas ng bahay namin.

"Mom, will daddy Ryan be all right? Sino na po ang kasama niya sa City? Sino na po ang maghahanda ng pagkain niya? Kanino po siya uuwi?"

Bakas ang lungkot sa boses ng anak ko. Kahit nandito ang ama niya sa tabi namin ay hindi niya napigilan magtanong.

Untied String (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon