Chapter Forty Eight
"Gising ka na Lavinia! Salamat sa diyos at gising ka na!" Matuwang wika ni Trevor kay Lavinia.
Napataas naman ang kilay ni Lavinia sabay sabing "Close ba tayo?" Nagtawaman namam silang lahat.
Napasimangot naman si Trevor. "Ang sama mo." Nakanguso niyang wika.
"Yuck! Ang sagwa mo! Binibiro ka lang naman eh!" Tumatawang wika ni Lavinia.
Nung isang araw pa gising si Lavinia pero hindi pa sila pinapayagan na umuwi kasi kailangan pa daw obserbahan sila Lavinia at Thea. Pumayag naman sila.
Wala dito ngayon si Alex kaya malayang nakakapasok at labas ang mga lalaki. Dahil kung andito lang si Alex nun kang makakapasok ang mga to.
"Hala at bilisan niyo na ang pakikipag-landian niyo baka biglang dumating si Alex at mabitin kayo." Sarkastikong wika ni Allison sa kanila.
Nakayakap na kasi Luke na nasa tabi na ni Thea ngayon habang sinusubuan naman ni Trevor si Lavinia. At si Allison naman ay kaharap ang laptop niya.
Hindi nila nakikita kung anong ginagawa ni Allison kasi kaharap niya ito. At kung hindi naman ay pawang wala itong pakialam sa kanya.
"Ingit ka lang kasi wala ang mahal ko mo!" Pang-uuyam ni Thea sa kanya. Kaya naman sinamaan niya ng tingin si Thea.
"Shut up Thea. Mabuti na nga wala yun dito no!" Galit niyang wika.
Eh asan ba kasi ang kapreng yun?! Galit niyang wika sa sarili.
"Hahahaha! Halatang halata ka friend huwag ka kasing in denial! Si Heath na nga mismo lumalapit sa iyo eh!" Wika ni Lavinia habang tumatawa.
Nairita naman agad si Allison.
"Eh kung tawagan ko na kaya si Alex at ipapunta ko dito? Diba mas maganda yun?" Sarkastikong wika niya sa kaibigan.
Natahimik naman silang lahat.
Much better isa pa hindi ko macocontact si Alex kasi papatayin niya ako kung tutunog ang cellphone niya.
Nasa isang misyon si Alex. Oo siya lang mag-isa. Well sabi nga niya sino ba ako sa tingin niyo? Kayang kaya kong patumbahin ang mga assasin na yun ng ako lang mag-isa mayabang niyang wika sa mga kaibigan.
Kahit na ayaw sana ni Allison ng walang kasama si Alex ay pinayagan niya na para may makasama ang mga kaibigan.
Atang tinitignan niya ngayon sa laptop niya ay ang bawat galaw ni Alex na sinusundan niya ang mga assasins at isa-isa niyang pinapatay. Kampanteng kampante si Allison na walang mangyayaring masama sa kaibigan niya. Sana.
~•~•~•~•~•~
Tahimik lang na minamasdan ni Alex ang bawat galaw ng mga assasins. Gusto niya sana na bago niya patayin ay may makuha siyang importanteng impormasyon.
"Alam na namin kung asan si Duke," nakangising saad ng isang assasin.
Napako naman si Alex sa narinig at kumabog ng napakalas ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay umiinit ang paligid at pumupula nanaman ang kanyang paningin.
Siya lang ang may kakayahan akong maging ganito. Noon hindi ko pa nakokontrol ang pag-init ng pakiramdam ko ngayon kapag nakakarinig ako ng tungkol sa kanya at may masama silang balak sa kanya ay ang bilis ko lang magalit. Alex stay calm. Makinig ka muna sa mga sasabihin nila.
Kahit na kating kati na si Alex na sugurin ang mga assasin's ay hindi niya muna ginawa. Nakinig na muna siya kahit na pulang pula na ang paningin niya sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Cold Mafia Empress
Teen FictionMafia? Gangster? Mga mamatay tao? Bakit may mga taong ganyan? Seeking for Revenge? Wala na bang talang bagay sa mundong ito? Puro nalang ba away? She only want a peaceful life but she thinks that it's not yet the right time to be in that peaceful p...