Chapter Thirty Six
Nabigla naman ang lahat sa tanong ni Vernon. At lahat sila napatingin sa pagmumukha ni Alex. Tumikhim naman si Lavinia at napatawa sila ng mapakla. Napa-iwas naman ng tingin si Alex sa kanila.
"Wala to, kumain na kayo." Malumanay niyang wika at kumain na parang wala lang. Parang siya lang mag-isa sa table na ito.
"Alex, dahan dahan naman maaga pa naman mamaya pang 1 yung next class mo. At ikaw din Allison! Para kayong mga patay gutom! Ano ba." Wika ni Phoebe sa kanila ng mabilis na kumakain si Alex at Allison.
'Ano ba Phoebe, pabayaan mo na kami ni Alex. Jusko kasi pag ako di nakapag-pigil hahalo ang langit at lupa. Kainis talaga ang mukha ng mga pangit na ito!' Wika ni Allison sa sarili at masama pa ding tinignan ang lima.
"Ah, Allison kanina mo pa kami pinapatay sa isipan mo hahaha." Tawang tawa wika ni Trevor sa kanya.
Napataas naman ang kilay ni Allison at hindi sila pinansin. Natahimik naman silang lahat.
Napatikhim naman si Phoenix at napatingin sa wrist watch niya.
"Maaga class namin ngayon mauuna na kami. Kita nalang tayo mamaya. Phoebe sabay tayo at may sasabihin akong importanteng bagay." Wika naman ni Phoenix.
Tumango naman bilang sagot si Phoebe. At ng makaalis na sila ay parang hindi pa rin siya mapakali.
"Girl, ano ba kumakain pa kami." Tumatawang wika ni Lavinia sa kanya.
Napa-peace sign naman si Phoebe at mabilis na tumayo.
"Wait lang ha may sasabihin lang ako kay Vernon babalik agad ako." Wika ni Phoebe.
Nang makaalis si Phoebe ay nagtingin ang natira sa table at unti-unti nang nauubos ang tao sa cafeteria.
"We'll be having another secret mission guys. This time tatlo na kayo. It will be Thea, Allison and Phoebe. Kami naman ni Lavinia ay iba ang gagawin namin. I'll be explaining it further mamaya sa bahay." Alex said in a low voice na walang nakakarinig. Napatango naman silang lahat.
At yun umiba nanaman ang hitsura ni Alex at Allison. Napatawa naman ng konti si Lavinia at Thea habang tinitignan ang dalawang kaibigan.
"Ba't ba ang bugnutin nito ngayon? Nasisira ang angas mo Alex. Ikaw naman Allison hahahaha hindi ako sanay." Wika ni Thea habang hawak ang tiyan na tumatawa.
Napatingin naman sa ibang direksyon dahil hindi talaga mawala ang sakit sa loob sa nangyari sa kanila.
Natatawa namang tumatango habang may hampas pa sa mesa si Lavinia.
"How about we hang out? Like we always do at Japan." Wika naman ni Lavinia habang itinataas baba ang kilay niya.
Nagtinginan naman silang apat.
"Pero hindi pa nakakabalik si Phoebe." Wika ni Thea na ikina-irap ni Lavinia.
"Oh My Ghad Dorothea Therese, we could just send her a mail about going to the mall. Besides she's already old enough to go to mall alone." Maarteng wika ni Lavinia sa kaibigan.
"So mag-ka cut class nanaman tayo?" Wika ni Allison sa kaibigan.
And then she recieved a straight face from Lavinia and Thea.
"Obviously missy, so let's go and rock this time!" Excited na wika ni Lavinia habang hinihila ang dalawang kaibigan patungo sa parking lot.
~•~•~•~•~•~
Hindi mawari ni Phoebe ang kanyang nararamdaman. Kahit hindi tama ay iba talaga ang dating sa kanya ng tanong ni Vernon kanina patungkol sa bangas ni Alex.
BINABASA MO ANG
The Cold Mafia Empress
Teen FictionMafia? Gangster? Mga mamatay tao? Bakit may mga taong ganyan? Seeking for Revenge? Wala na bang talang bagay sa mundong ito? Puro nalang ba away? She only want a peaceful life but she thinks that it's not yet the right time to be in that peaceful p...