Chapter Forty One

3.9K 97 10
                                    

Chapter Forty One

           Nang bumalik sila sa mesa nila ay nandoon pa rin si Vernon na kumakain na ng cake. 

Umupo naman silang lahat habang ang mga lalaki naman ay masasama ang tingin sa kanila. 

"Spin the bottle Phoebe," wika naman ni Allison tumango naman si Phoebe and then she spin the bottle.

Habang umiikot pa rin ang bote ay nag-tatawanan nanaman sila habang maluha-luha na ang mga mata nila.

"Parang di ka lang nag-dare Phoebe ang bilis mo!" Saad ni Thea.

Tumawa naman si Phoebe habang tumatango.

"Oo nga eh!"

"Anong magagawa natin eh likas na malandi naman yun?!" Tumatawang wika ni Lavinia.

Sabay naman silang tumawa lahat at tumigil ang bote sa harapan nanaman ni Lavinia.  Napasimangot naman si Lavinia.

"What the fuck?! Ayos lang to?!" Naiinis na wika ni Lavinia at napatawa sila.

"Oo sige na ikaw na Lavinia!" Natatawang wika ni Allison.

Nalukot naman ang mukha ni Lavinia. 

"Ayoko nang magbayad! Mga tangina niyo mamumulubi ako ng dahil sa inyo!" Galit niyang wika.

"Pikon mo talaga Lavi!" Sigaw naman ni Thea kaya naman nakatanggap siya ng middle finger galing kay Lavinia.

Sabay sabi ng "Fuck you!" Sa malutong na paraan. 

Napatawa naman sila ulit.

"Girls, i think you should stop this." Nag-aalalang wika ni Vernon sa kanila kaya naman dinilaan nila si Vernon.

"Where's the fun?!" Tatawang wika ni Allison sa kanya. 

Kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Vernon dahil sa sagot niya. 

"Ito ang dare mo my dear friendship of the universe." At natawa naman ulit si Thea. 

Napatingin naman siya sa ibang direksyon.  Kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Dahil imbes na sabihin sa kanya kung ano ang gagawin niya eh tuwang-tuwa naman na tumatawa ang kaibigan niyang baliw.

"Fuck you Dorothea Therese! Stop laughing! Bilisan mo na kundi sisipain talaga kita!" Pikon na pikon na wika ni Lavinia sa kanya.

Kaya naman mabilis na nawala ng tawa ni Thea at sasabihin na sana niya ay natawa nanaman ulit si Thea. Masamang masama na ang tingin ni Lavinia sa kaibigan.

Tumikhim naman si Thea at sinenyas niya ang kamay niya bilang 'stop'.

"Fuck you!" Sabay taas ng gitnang daliri niya.

"Ito na! Ito na! WOOOH!" Parang baliw naman na nag-breath in breath out si Thea.

Napataas naman ang kilay niya.

"Ang dare mo ay, kailangan mong manlimos with all the costumes. Punta ka nalang dun sa botique ni Allison." Tawang tawang wika ni Thea.

Masama naman siyang tinignan ni Allison.

"What the fuck?! At kailan pa ako naging sponsor?!" Galit na wika ni Allison.

Hinawakan naman siya ni Thea sa magkabilang braso.

"Chill friend, may 10 Million na tayo." Wika ni Thea.

"Baliw ka Thea!"

             Nakasimangot naman si Lavinia habang naglalakad palabas sa Mall at pupunta sa labas na Jollibee. Naka-all over costume siya. May dala pa siyang dalawang teddy bear.  Lukot na lukot ang mukha niya. 

Hiyang hiya siya sa gagawin niya.  Tumabi naman siya dun sa babaeng may bitbit na bata sa bewang habang maraming sasakyan ang dumadaan.

Inilabas naman ni Allison ang Cellphone niya at sinimulan nang kuhanan ng video si Lavinia.

"This will be so funny!" Tawa siya ng tawa habang tinitignan ang isang Lavinia na namamalimos habang kumakanta ng christmas song.

"Puta nakakatawa talaga si Lavinia!" Wika ni Thea at tumawa nanaman ng napaka-ingay.

Binatukan nama siya ni Phoebe at sinenyasan na tumahimik.

"Shut up bitch maririnig ka sa video!" Galit na singhal sa kanya ni Phoebe at tumingin kay Lavinia na ikinatawa niya nang malakas.

Tinakpan naman ni Thea ang bibig niya at tumingin ulit kay Lavinia. 

Sino kaya ang magbibigay ng limos dito sa babaeng to eh ang kinis kinis at ang puti pa.  Tsaka pagmumukha palang ni Lavinia rich kid na rich kid na ang dating. 

"Sino kayang magbibigay sa kanya?" Natatawang wika ni Allison.

At nalaglag ang mga panga nila ng makita nilang humabol si Lavinia sa isang lalaki at sinipa ito sa tuhod.

Natawa naman pati ang mga lalaki dahil sa ginawa ni Lavinia. 

"Pucha! Sakit nun!" Tawang tawang wika ni Trevor sa kanila.

Tumatango naman na tumawa ang mga kasamahan niya. 

"Bad ka! Pinatay mo yung alaga kong gold fish! You stupid cat!" Sigaw ni Lavinia sa lalaki.

Napabuga naman ng hangin si Thea at tumawa ulit na parang kinikiliti. Habang hawak hawak pa ang tiyan niya. 

"Tangina kailan ka pa nagkaroon ng gold fish?! Tangina talaga!" Wika niya.

'Bwiset na Thea na ito tuwang-tuwa talaga.  Napapamura pa sa tuwa tsk.' Wika naman ni Alex sa sarili habang tinitignan ang baliw niyang kaibigan. 

         Nanlaki naman ang mata nila nang makitang hinabol-habol ni Thea ang mga highschool students para lang manlimos.

"Hey! Give me some pera! Don't be so madamot!" Nakangusong habol ni Lavinia.

"Huta!" Wika ni Phoebe at napatawa nanaman ng malakas.

"Tangina hinabol niya pa talaga ang mga highschoolers baliw na talaga si Lavinia."

"She's frustrated, nakapag bayad kasi ng sampung milyon!" Tawang tawa ni Alex kaya naman nadala rin sila at napatawa din. 

Nakita naman nilang may inaaway na bata na si Lavinia. 

"Hoy pigilan niyo na ang kaibigan niyo kung ayaw niyo siyang madala sa mental!" Sigaw ni Trevor sa kanila.

Tinignan lang nila si Trevor at tumawa.

"Ikaw na gumawa. Ikaw naman ang nakaisip eh." Natatawang wika ni Alex sa kanya. 

Napanganga naman silang lahat dahil sa sinabi ni Alex.

" You! Child of your mother! You make agaw the pera they gave me huh?! You make balik it na to me! You little bata!! " nagtawanan naman ang mga ito mang marinig nila ang sabi ni Lavinia  na kasalukuyang nakikipag-ayaw sa mga batang manlilimos din.

"Tangina nang-away talaga ng bata. Hahahahaha!"

      Bumalik naman si Lavinia sa table nila sa restaurant with a satisfied look at her face. 

"What?" Mataray niyang wika sa mga kaibigan. 

Umiiling naman sila at natawa.

"Tangina mo friend nang-away ka pa talaga ng bata ang tindi rin ng topak mo eh no?" Tuwang tuwa na wika ni Phoebe sa kanya.

Umirap naman siya. Kasi naiinis talaga siya dun sa bata kanina. 

'Oh what the fuck?! Baliw ka na ngang tunay Lavinia!'

Tawa naman ng tawa ang mga kaibigan niya at pina-ikot na siya sa bote.

~•~•~•~•~•~

Black's Note:

       Enjoy reading hehehehe lovelots 💘💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon