Chapter Fifty One
Dalawang araw na ang nakakalipas matapos bigyan ng paanyaya ang bawat mga grupo ng mga mafia sa buong mundo.
Magsisimula na ang laro, larong nakakamatay. Masyadong mabigat ang aura na nakakapalibot sa kanilang lima. Pakiramdam nila Thea at Lavinia na parang may boundary kasa isa sa kanila.
Busy si Allison habang nagmumurang nagtatype sa laptop niya. Si Phoebe naman ay may ginagawa sa cellphone niya habang si Alex naman ay maglilinis ng baril. Napakatahimik nilang lahat. Nang biglang magsalita si Allison.
"What's with this heavy atmosphere?" Ani Allison.
Napairap naman si Thea dahil sa pagtatanong ni Allison nun.
"Huwag niyong sabihin na kinakabahan kayo?" Natatawa niya pang dagdag habang binababa ang laptop niya.
Sinamaan naman nilang lahat ng tingin si Allison. Kinasa naman bigla ni Alex ang baril niya kaya naman napataas ang kamay ni Allison.
"Joke lang ito naman, masyado kang hot Alex." Maagap na wika ni Allison.
"Tch, sabihin mo na ang mga naka-assign na dome sa bawat isa sa atin." Malumanay na wika ni Alex. Kumuha naman ng papel at ballpen si Allison at nagsulat.
Dome 1 --- Fist Fight (Phoebe)
Dome 2 --- Gun Fight (Thea)
Dome 3 --- Archery (Allison)
Dome 4 --- Drag Race (Lavinia)
Dome 5 --- Sword Fight (Alex)
Napaawang naman ang mga bibig nila sa nabasa. Tumayo naman si Alex at napatingin silang lahat sa kanya.
"Stay alive." Mariin niyang wika.
Napangisi naman silang lahat.
~•~•~•~•~•~
Napailing naman si Phoenix.
"Ano ba Vernon!" Sigaw ni Luke dahil nakahilata pa rin si Vernon sa kama.
"Bakit ba?" Walang ganang wika ni Vernon.
Hinagisan naman siya ng unan ni Heather.
"Bumangon ka na diyan Vernon at pagkatapos na pagkarapos nito ay kikitain ko pa ang asawa ko." Ani Heather at nagtawanan silang lahat.
Inakbayan naman siya ni Trevor.
"Lakas mo rin mangarap eh no?" Tumatawa na wika ni Trevor.
"Pare sabi ko naman sayo tama na yang kaka-drugs mo tignan mo tuloy anong nangyari sayo." Umiiling na wika ni Luke.
"Pfft hahahahahaha." Tawa nila Vernon at Phoenix.
Napatayo naman si Vernon nginitian ang mga kaibigan. Hindi niya alam pero iba ang pakiramdam niya sa larong ito. Parang may mangyayaring masama.
"Sige na punta na tayo para matupad na ang pangarap ni Heather." Natatawang wika ni Vernon.
Naglakad naman sila palabas ng unit niya. At pagkarating nila sa parking lot tinignan niya ang mga kaibigan at nginitian.
"Dude stop that! Ang creepy mo!" Kinikilabutang wika ni Luke. Tumawa naman ang iba napangiti naman ng onti si Vernon.
"Kitakits nalang tayo sa heaven!" Tumatawang wika ni Vernon habang papasok siya sa kotse niya.
Pinakyuhan naman siya ng mga kaibigan at nagsitawanan sila. Tinignan ni Vernon ang isang papel at nakasaad doon ay sa Dome 5 daw magaganap ang Sword Fight.
BINABASA MO ANG
The Cold Mafia Empress
Teen FictionMafia? Gangster? Mga mamatay tao? Bakit may mga taong ganyan? Seeking for Revenge? Wala na bang talang bagay sa mundong ito? Puro nalang ba away? She only want a peaceful life but she thinks that it's not yet the right time to be in that peaceful p...