Chapter Fifty Five

5K 84 12
                                    

Chapter Fifty Five

       Nakapikit ang mga mata na naka-upo sa dahunan si Faith. Ayaw niyang maniwala, ayaw niya. Umaagos na ngayon ang mga luha sa kanyang mga mata. 

"Vernon." Umiiyak niyang wika

Napahawak naman siya sa kanyang dibdib habang inaalala niya ang mga alaala kasama ang lalaki. Sinisisi niya ang sarili na kung sana mas naging matatag pa siya, na kung sana mas naging mas malakas pa siya. Hindi sana gagawin ni Vernon ang mga bagay na yun para sa kanya. 

"Hindi na sana ako humiling na maka-alis sa mansyong iyon." Umiiyak niyang wika.

Sa kanyang likuran naman ay ang kanyang mga kaibigan na tumulong upang siya ay makatakas ay umiiyak kasama siya. Napatingin naman sa kawalan si Lavinia at Thea dahil ngayon nakikita nila na punong-puno ng mga emotion ang mukha ng kanilang prinsesa. 

"Princess," malumanay na wika ni Alison habang pinupunasan ang mga butil ng luha sa  gilid ng kanyang mga mata.

Napatingin naman sa kanya si Faith at ganon nalang ang kaba ng makita nilang pumupula ang mga mata ni Faith. 

"P-princess," Kinakabahang wika ni Lavinia habang unti-unting umaatras palayo kay Faith.

Pero agad na binawi ni Faith ang kanyang mga tingin sa kanyang mga kaibigan at walang buhay na napabuntong hininga. 

"I wanna die." Mahinang wika ni Faith pero rinig na rinig ng nasa paligid.

Napasinghap naman si Allison sa narinig niya bubuka na sana ang kanyang bibig upang umalma ay walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig.

"But at the same time I wanna live," 

Napatingin naman si Faith sa kanyang mga kaibigan at unti-unti nang nawawala ang pagka-pula ng kanyang mga mata.

"Let's go, pupuntahan natin ang ama ng aking ina. Hindi ako papayag na hindi tayo makapaghigati sa mga taong katulad nila."


~~~~~~~


DOME 5

          Habang naglalakad si Alex at Vernon ay napapatingin naman si Alex sa lalaki. Napapatingin din naman si Vernon kay Alex at binigyan niya ito ng isang malawak na ngiti. Agad naman napangiti si Alex.

Unti-unti namang hinawakan ni Vernon ang mga kamay ni Alex kaya naman napatingin si Alex kay Vernon at sa mga kamay nilang magkahawak. Babawiin niya na sana ang kanyang mga kamay ng ngumuso si Vernon.

"Ikaw wala ka talagang sweetness sa katawan, tsk." Ngumusong wika ni Vernon. 

Kaya naman nanlaki ang mga mata ni Alex na napatingin sa kanya. "What the hell?! Are you pouting?" Hindi makapaniwalang saad ni Alex.

Napahalakhak naman si Vernon at tinignan si Alex.

"Kasi naman po ang seryoso seryoso mo. Chill okay? I'm here with you hindi na ulit kita iiwan." Pagpangako ni Vernon sa kanya. 

Tumango naman nang marahan si Alex sa sinabi sa kanya ni Vernon. 

"I'll trust your words. I don't want to live in a world without you again." Marahang wika ni Alex habang mamumula ang kanyang mga pisnge at napapatingin sa gilid. 

Napangiti naman si Vernon at tinignan ang mukha ni Alex. 

"Me too... Everyday feels like hell without you Alex. I will forever hold your hands. Hinding-hindi ko na to bibitawan ulit." Madamdaming wika ni Vernon at inangat niya ang mga kamay nila ni Alex at hinalikan niya ito.

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon