Chapter Eleven

10K 213 2
                                    

Chapter Eleven

                    "Ang boring!" Sigaw naman ni Thea. Sabado ngayon, sabi nga nila time flies fast. Kaya sabado na at nasa loob lang sila ng mansyon nagpapalata at naghihintay ng grasya na dadating.

Tinignan naman ni Thea si Allison na super busy sa laptop niya at kanina pa ito type ng type.

"Susme! Allison! Kainin mo nalang kaya yang laptop mo at kanina ka pa nakaharap diyan!" Singhal naman ni Thea kay Allison pero imbes na pansinin siya ni Allison ay ipakitaan lang siya nito ng middle finger.

"Talk to the middle finger Thea and please shut the fuck up! Busy ako!" Naiinis naman na sabi ni Allison sabay tayo at kuha sa laptop nito at pumanhik papuntang taas. Sa kwarto niya yata.

"Ano ba to! Wala bang nakakatuwang gawin?!" Naiinis na sabi ni Thea. At napatingin naman siya sa kakababa lang na si Lavinia.

Parang may lakad siya base sa porma niya kaya naman napataas ang kilay ni Thea.

"At san ka naman pupunta?" Maldita na tanong ni Thea kay Lavinia tinignan naman siya ni Lavinia.

"Thea, can you make tahimik nga." Sabi ni Lavinia habang busy sa cellphone niya kaya naman mabilis nanamang napataas ang kilay niya.

"Ano ba naman to! Pati ikaw aalis? Eh kanina nilayasan na nga ako ni Allison at ngayon ikaw?! Pwede ba? Isama niyo naman ako dyan sa mga expedition niyo!" Naiinis na sabi ni Thea kaya naman napatingin ng straight face si Lavinia sa kanya.

"Thea you're so OA talaga. Alex make sabi to me that I should make kita with our new member that Cold Princess thingy. And of course i make sabi yes. Because kilala ko siya. So i'll make kita to her on the coffee shop. So bye biatch!" Sabi naman ni Lavinia kaya naman napahawak sa ulo niya si Thea kung minsan talaga hindi mo naiintindihan ang pinagsasabi ng babaeng yun ang rindi sa tenga.

             Kaya naman mabilis ding pumanhik sa taas si Thea at pumunta sa kwarto ni Alex. At nakita niya doon na nakahiga si Alex sa kama niya habang may malalim na iniisip.

"Alex!" Hiyaw niya kaya naman napatingin ai Alex sa gawi niya tinignan siya nito. As always straight face nanaman ang lola niyo.

"What?" Naiinis na sabi ni Alex kay Thea kaya naman napapout si Thea.

"May iuutos karin ba sa akin?" Nangungulit na sabi ni Thea kaya naman napatingin si Alex sa kanya.

"You want work to do?" Tanong naman ni Alex sa kanya kaya naman napalunok siya at napatango.

"What kind? Yung aalis sa bahay o uupo buong araw? Pero parehong masakit sa katawan?" Malamig na tanong ni Alex sa kanya kaya naman napalunok siya ulit.

"Yung aalis ng bahay ang gusto ko." Sabi naman ni Thea sa kanya.

Tumayo naman si Alex sa pagkakahiga sa kama niya at may kinuha sa drawer niya na brown envelope at kanya itong binigay kay Thea.

"I want you to investigate things about this clan." Sabi naman ni Alex kay Thea habang nakatingin si Thea sa brown envelope na binigay nito.

"So? Anong gagawin ko pagkatapos? Manmanan lang sila sa loob ng dalawang araw?" Sabi naman ni Thea. Umiling naman si Alex bilang sagot.

"No, i think their into drug business kaya investigate deep into it. Pagkatapos ikaw na bahala kung anong gagawin mo kung meron talaga silang drug business." Dabi naman ni Alex kay Thea habang tumatango tango si Thea.

                      Agad namang nagbihis si Thea ng damit na makakapagblend sa kanya lalo na kung asa madilim siyang parte. At kinuha niya mga kakailanganin nuyang bagay para sa misyon na nakalaan lang for two days.

"Yan kasi Thea, reklamo ng reklamo na ang boring tapos kung manghihingi kaa na nga lang tratrabahuin yun lang napakahirap. Susme." Salita naman ni Thea sa sarili habang kinukuha niya ang susi ng motor niya.

Kompleto na lahat ng bagay na kakailanganin niya. Kaya naman napagpasasyahan niya na pumunta na sa lugar ng HQ ng clan na ito. Ang pangalan ng grupo ay Dark Threats. Napabuntong hininga naman si Thea. Kasi ito talaga parati ang nabibigay na trabaho sa kanya. Eliminate a group that you think na deserve na mawala sa mafia world.

Habang nagmamanman siya nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Oo nga ang grupong ito ay nagco-close ng big deals of drugs at kitang kita niya kung gaano ka raming drugs ang andito sa HQ nila.

Ang iba ay gumagamit pa. Napatingin siya sa paligid. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos she have to think about a plan na kung paano makakapasok sa loob at kung paano niya mapapatumba sila. Ang dami dami nila at nag-iisa lang si Thea.

I could call for a back up. Sabi ni Thea sa sarili pero umiling siya. I'll execute them tommorrow morning. Marami silang buhay na masisira kung papatagalin pa ito. Sabi ni Thea sa sarili niya kaya naman. Agad siyang naghanap ng pwede niyang pag-sagawaan ng plano niya ngayong gabi na malapit lang sa HQ na ito.

Napatingin siya sa paligid. Napakatahimik na lugar. Kinuh niya ang cellphone niya at sumakay na ulit sa motor niya na nakapark sa madilim na parte at malayo na dun sa HQ ng Dark Threats kailangan niyang ibigay ang mga nakita niya kay Alex bago niya isagawa ang planong nabubuo sa kanyang isipan.

"Oh?" Yan agad ang bungad ni Alex sa kanya kaya naman napairap sa kawalan si Thea.

"Affirmative, their into drug business, nagdra-drug session pa nga sila kanina habang nagmamasid ako." Sabi naman ni Thea saglit na nawalan ng tinig sa kabilang linya.

At bigla ulit nagsalita si Alex ng napakalamig at napakaseryosong salita na nakapagpangisi sa kanya. "Eliminate the group, i'll be there let's do it tonight. Wait for me. Tayo mismo ang gagawa."

Agad na binaba ni Thea ang tawag ni Alex at kinuha niya na ang mga baril sa bag niya at nilaga ito sa iba't ibang parte ng katawan niya.

"It's showtime baby, better prepare your asses of their kasi yung Empress mismo namin ang tatapos sa inyo."

~•~•~•~•~

Black's Note:
Ewan ko lang kung sabaw siya or something pero sinikap ko na habaan siya ng konti. Hehehe Happy reading! Lovelots! 😘💕

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon