Chapter Thirty

5.1K 123 5
                                    

Chapter Thirty

                   Tinignan lang ni Alex si Allison at napabuntong hininga siya.

"Maraming marami kang dapat malaman Allison pero hindi ngayon." Madiing wika naman ni Alex kay Allison. 

Napakunot naman ang noo ni Allison at aalma na sana siya at magdadabog sa pinagsasabi ng kaibigan pero pinigilan nalang niya ang kanyang sarili at tinignan ang kaibigan.

"Bakit hindi pwedeng ngayon?" Madamdaming wika ni Allison. Agad naman siyang tinaasan nang kilay ni Alex.

"Kasi may mga tao kang hindi mo dapat ipinapapasok dito sa pamamahay ko." Wika naman ni Alex habang bumabangon siya at tinapik niya sa balikat ang natutulog na si Thea.

"Ano ba!" Singhal sa kanya ni Thea at napataas naman ang kilay niya.

"Ang kapal naman ng mukha mong sigawan ako Dorothea." Malamig namang wika ni Alex kay Thea.

Namutla naman si Thea at nag-simula itong sumisinghot na parang umiiyak.

"Waaaah Alex! Mahal na mahal ka namin pero bakit mo kami iniwan?!" Naluluhang wika ni Thea habang parang hindi niya ma explain ang nararamdaman niya.

At agad namang uminit ang ulo ni Alex sa sinabi ni Thea.

"Are you crazy?!" Singhal niya sa kaibigan.

Napatigil naman ito sa kakangawa.

"E-eh?!" Sabi naman ni Thea at parang natauhan siya sa nakita niya.

"Hehehehe buhay ka pa pala?" Parang natatawang wika ni Thea habang nagkakamot pa sa ulo niya.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Alex.

"Ugaliin mo kasing uminom ng gamot mo Thea." Nakakalokong wika ni Alex kay Thea bago siya lumabas sa kwarto niya.

Naiwan namang nakanganga si Thea habang humahagikhik naman si Allison.

"Yan kasi Thea para kang tanga hahaha." Sabi naman ni Allison habang papalabas din ng pintuan.

Namula naman ang pisnge ni Thea.

'Letcheng babaeng yun eh. Ginawa pa akong baliw! Tangina!' Wika naman ni Thea sa sarili bago pumasok sa banyo ni Alex para maligo.

Magpapalamig muna siya para matauhan siya sa kabaliwan niya.

                 Napatigil naman sa paglalakad si Alex. At napansin yun ni Allison.

"Oh ba't tumigil ka?" Nagtatakang tanong ni Allison.

"Maliligo muna ako tsaka lilinisin ko muna tong mga sugat ko." Seryoso niyang saad.  Napatango naman si Allison.

"Okay, dun ka nalang sa kwarto ni Thea maligo. Kasi yung babaeng yun for sure naliligo yun sa kwarto mo." Malumanay naman na wika ni Allison sa kanya.

Napatango naman si Alex sabay pasok sa kwarto ni Thea at naligo naman siya. 

                  Napabuntong hininga naman si Allison bago siya pumasok sa sariling kwarto.  Kinuha niya ang telepono niya at tinwagan ang Butler
nila.

"Nagising na po si Alex please prepare foods for us at pati na dun sa mga bisita ni Lavinia." Yun lang ang sinabi niya atsaka niya binaba ang tawag.

Pumasok na din siya sa loob ng banyo niya at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay napatingin siya sa orasan ar nakita niyang bandang 9 na ng gabi kaya naman nagbihis na lang siya ng pantulog.

Pagkalabas niya ay sakto namang nakalabas na din si Thea at saka si Alex. At pawang nakapantulog ang mga ito.

"Let's eat i'm so hungry." Wika naman ni Alex sa kanya habang pababa sila sa hangdan ay nakatagpo nila ang mga lalaki.

"Oi Alex gising kana kamusta?" Tuwang tuwa namam na wika ni Luke sabay hawak sa balikat ni Alex kaya naman ay napipilitang hinawi ni Alex ang braso ni Luke.

"I'm fine and don't just hold me please i hate that thing." Seryosong wika naman ni Alex kay Luke at naunang maglakad pababa.

Napatawa naman si Thea at dinilaan pa niya si Luke.

"How come, she's not wearing her eyeglasses." Wika naman ni Heath sa kanila napa-hinto naman sila sa paglalakad lahat.

Napatitig sila kay Heath sa tanong niya. Napalunok naman si Thea habang napangiwi.

"Atsaka anong nangyari sayo Alex, ba't may sugat ka sa balikat?" Dagdag naman ni Trevor na parang nakakapagtaka nga iyon.

"At isa pa bakit ang laki-laki ng bahay niyo?" Sabi naman ni Luke at nakatanggap siya ng batok mula kau Vernon. 

Napasimangot naman si Luke dahil sa ginawa ni Vernon sa kanya. Sinamaan naman siya ni Vernon ng tingin.

"Dude ang ingay ingay mo daig mo pa ang mga babae kung makapagsalita ka." Sabi naman ni Vernon at sumunod na sa pagbaba. 

Magsasalita na sana ulit sila ng dumating si Lavinia at Phoebe. Nakataas ang kilay ni Lavinia habang tinitignan ang mga lalaki.

"Bakit andito pa kayo?" Maldita niyang tanong sa mga lalaki.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Trevor. 

"Kasi nag-alala kami kay Alex at baka ano na ang nangyari sa kanya." Sagot naman ni Phoenix kay Lavinia.

Na lalong ikinataas ng kilay ni Lavinia.  Napatawa naman si Phoebe sa turan ng kanyang kapatid at tinignan niya ito.

"Yiee!  May gusto ka kay Alex no?!" Pang-aasar naman ni Phoebe sa kapatid at nakita nila kung pano pumula ang mga tenga ni Phoenix.

Agad namang sumeryoso ang mukha ni Lavinia dahil sa mga nasaksihan. Nag-asaran naman silang lahat, pawang inaasar nila si Phoenix.

"Tumigil na kayo at magsi babaan na tayo. Kundi ako mismo ang magpapalayas sa inyo dito sa pamamahay namin." Seryosong saad naman ni Lavinia at bumaba na rin ito.

Natigilan naman sila lalo na si Phoebe at saka nilapitan niya si Lavinia.

"Hey, Lavi what's wrong?" Tanong ni Phoebe kay Lavinia pero seryosong tinignan lamang siya.

Natigilan naman din siya at nauna nang naglakad si Lavinia kesa sa kanya. Agad naman siyang hinabol ni Phoebe. At humawak siya sa braso ni Lavinia pero iniwas lang iyon ni Lavinia.

"Always put this in your mind Phoebe. Alex is already taken." Seryosong saad ni Lavinia.

Napa-awang naman ng bibig si Phoebe.

'Bakit di ko yun alam?  May mga bagay pa talagang hindi ko naiintindihan sa kanila.'

~•~•~•~•~•~•~

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon