Chapter Forty Nine
"Princess Faith parang awa niyo na po bumalik na ho tayo sa silid niyo. Papagalitan nanaman po kasi kayo ng mahal na hari kung makikita ka niyang nandito." Pag mamakaawa ng isang taga-sunod sa dalaga. Napairap naman si Faith at sinamaan ng tingin ang babae.
"Huwag kang mag-alala we'll be fine! Walang makakapansin na wala ako sa loob ng silid ko." Nakangiting wika ni Faith sa babae.
Napabuntong hininga naman ang babae at yumuko bilang respeto.
"Ano pa po ba ang maililingkod ko sa iyo mahal na prinsesa?" Pagtatanong babae kay Faith.
Ngumiti naman ng malapad si Faith at nilabas ang isang tela na may nakapaloob na sulat.
"I want you to give this to the Duke. Thank you!" Masayang saad ni Faith at mabilis na tumingin sa Duke bago mabilis na pumanhik sa silid niya.
Prenteng umuupo lang si Faith sa kanyang upuan na nasa kwarto niya. Walang pumapasok na sinuman kasi pinagbawalan niya itong pumasok sa silid. At gusto niyang mapag-isa.
Napabusangot naman ang mukha niya at napapikit ng mariin. Wala kasi ang mga Dutchess na dapat na mag-bigay aliw sa kanya ang dapat kasama niya araw-araw. May ginagawa kasi itong importante.
Dinig niya'y kailangan nilang mag-ensayo. Napakunot naman ang noo ni Faith.
At natanong niya ang saliri kung bakit kailangan nilang mag-ensayo. Magkasalubong ang kanyang mga kilay ng biglang may humalik sa pisnge niya.
Napa-igtad naman siya at aambahan niya na sana ng suntok ng makita niya siya. Kaya imbes na magalit ay napatayo siya sa tuwa at niyakap ang binata kaya natumba silang dalawa.
"I miss you! Akala ko hindi mo na ako bibisitahin eh." Nakanguso niyang wika sa binata napatawa naman ang binata at saka niya kinurot ang pisnge ni Faith.
"Pwede ba naman yun? Eh alam ko kayang naghihintay ka. May mga papeles lang akong inasikaso." Malambing na wika ng binata.
Malaking ngumiti naman ang ibinigay niya lalaki.
"Nga pala anong pinag-uusapan niyo kanina dun?" Nakakunot noong tanong niya.
Biglang natigilan ang lalaki at pilit na ngumiti sa dalaga.
"Wala naman." Ani ng binata, natahimik naman si Faith dahil anh ibig sabihin nun ay huwag na siyang mag-tanong pa.
"Eh asan sila Allison?" Naguguluhan niyang wika.
Hinawakan naman ng binata ang kamay ni Faith at binigyan siya ng magaan na ngiti.
"Faith, i want you to be strong." Wika ng binata kaya naman nawala anh ngiti ni Faith.
Kinakabahan siya sa kung anong nangyayari. Sumisikip ang dibdib niya sa kaisipan na may mangyayaring masama kila Lavinia, Thea at Allison. Hindi niya na alam anong magagawa niya.
"Why?" Puno ng emosyon na wika niya.
Binuka naman ng binata ang bibig upang mag-salita pero may kumatok sa pintuan ng silid ng prinsesa.
Nanlaki ang mga mata ni Faith at hinila patungo sa banyo niya ang binata.
"Princess Faith?! Bakit di mo binubuksan ang pintuan?!" Boses iyon ng taga sunod ng hari.
Mabilis siyang pumunta sa pintuan at binuksan ang pinto.
"Paumanhin po," ani niya at yumuko siya.
BINABASA MO ANG
The Cold Mafia Empress
Teen FictionMafia? Gangster? Mga mamatay tao? Bakit may mga taong ganyan? Seeking for Revenge? Wala na bang talang bagay sa mundong ito? Puro nalang ba away? She only want a peaceful life but she thinks that it's not yet the right time to be in that peaceful p...