Chapter Fifty Six

6.1K 83 13
                                    

Chapter Fifty Six 

               "Did you get hurt?" Nag-aalalang tanong ni Alex kay Vernon. Kaya naman napatawa ng mahina si Vernon at umiling. 

"Ganyan ba kahina ang tingin mo sa akin?" Tumatawang sabi ni Vernon. 

Pumula naman ang mga pisnge ni Alex sabay iwas ng tingin kay Vernon. At sinamaan niya ito ng tingin. 

"Tch, tawa tawa ka pa ang lampa mo kaya." Wika ni Alex kay Vernon habang iniirapan niya ang lalaki. 

Napahalakhak naman si Vernon habang umiiling. At napa-upo. 

"Oo na mahina na ako. Pero marunong naman na akong lumaban ngayon di kagaya noon. Well nakakapagod lang din kasi nitong ganitong laban ng laban." Wika ni Vernon 

Napatango naman bilang sagot si Alex at nilagay na niya pabalik sa sheath ang kanyang katana. At napahinga ng malalim. 


        "Hmph ano ba naman yann Vernon! Ikaw nalang nga ang isang lalaki dito sa atin di ka pa marunong gumamit ng katana!" Sigaw ni Lavinia kay Vernon habang napapakamot naman si Vernon sa ulo niya.

Napatingin naman sa kanya si Vernon kaya naman napatawa siya ng mahina. 

"Lavinia okay lang yan, di naman talaga lahat marunong gumamit ng katana." Marahang napatawa. 

Tumayo naman siya sa kanyang inuupuan at lumapit kay Vernon. Nilahad niya ang kanyang mga kamay. Tinanggap naman ito ni Vernon at binigyan siya ng isang malawak na ngiti. 

Agad namang namula ang kanyang mga pisnge at napaiwas ng tingin sa lalaki. Nakita naman ni Alex ang mukha ng kanyang mga kaibigan na masama ang tingin kay Vernon. Kaya naman napatawa ulit siya. Tinakpan niya ang kanyang bibig at marahang nagsalita.

"Hindi ata magandang tignan na lalampa-lampa ka Vernon. Tama ang sinabi ni Lavinia, well partly." Natatawa niyang wika. 

Agad namang pumula ang mga tenga ni Vernon dahil sa hiya. "Nage-ensayo naman ako." Mahinang wika ni Vernon at tumingin kay Lavinia. 

Tinuro niya si Lavinia. "Sadyang di lang talaga ako gaya mo na amazona!" 

Nanlaki naman ang mga mata ni Lavinia sa sinabi ni Vernon sa kanya.

"What?! Excuse me!" wika ni Lavinia habang kinukuha ang wooden sword sabay takbo papalapit kay Vernon. 

Ihahampas na sana ni Lavinia sa mukha ni Vernon ang wooden sword na hawak niya. Pero parang wala lang na hinablot ni Alex ang pulsuhan ni Lavinia sabay agaw sa wooden sword niya. 

"Chill ka lang Lavinia." Mahinang wika ni Alex sabay ngiti sa kaibigan. 

Tumayo naman ng tuwid si Thea at Allison. At nag-bow sa likuran ni Alex kaya naman napatingin siya dito. 


         "Alex? Are you still in there? Alex?" Winagayway ni Vernon ang kanyang mga kamay sa mukha ni Alex. 

Nabigla naman si Alex sa ginawa ni Vernon sa kanya. 

"Bakit?" Mahina niyang wika. 

Napakamot naman sa kanyang ulo si Vernon. 

"Kasi kanina pa ako salita ng salita pero di ka sumasagot. So I was wondering what are you thinking? You looked so engrossed thinking." Wika ni Vernon napa-iling naman si Alex. 

"Nothing just remembered something." Pagpapaumanhin ni Alex kay Vernon.

Napatango naman ang lalaki bilang sagot. Napatingin naman si Alex sa itaas. 

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon