Chapter Forty Five

3.9K 88 3
                                    

Chapter Forty Five

"Hindi niyo ba alam kung sino ang babaeng nakaratay ngayon sa hospital?!" Sigaw ng isang babae sa harap ng mga taga-committe.

Tinignan naman siya ng masama ng mga meyembro. Nag-sukatan sila ng tingin lahat.

"Ailean stop. Wala naman tayong magagawa. Ang mga batang yun ang unang kumalas. Isa pa marami na silang alam tungkol sa atin. Kaya dapat na silang mawala sa landas natin." Malamig na wika nang isang matipunong lalaki.

Hindi naman makapaniwalang natatawa si Ailean.

"Dad! You should have known! Kung bakit ganon gumalaw si Faith sa inyong lahat!" Sigaw ni Ailean.

"Mawalang galang na po, mahal na prinsesa. Hindi naman po tama ang tabas ng dila mo." Masungit na wika ng isa sa meyembro ng committee.

Napatagis naman ang bagang ni Ailean at uminit na naman ang ulot niya.

"The one whose been suffering inside that fucking hospital is a fucking dutchess!" Malakas niyang sigaw sa kanilang lahat.

Walang naka-imik lahat sila tumahimik lamang. Tumikhim naman ang isang babaeng sobrang makapuloput sa braso ng ama niya. Napa-irap naman siya sa kawalan.

"As what the committee says Princess Ailean hindi natin kasalanan lahat. Unang-una palang kung hindi lang sana nag-luko si Princess Faith hindi na sana nangyari ang mga nangyari." Pagpapaliwag niya sa prinsesa.

Napatawa naman nang malakas si Ailean.

"So ano naman ang maganda mong ideya para matapos ang mga kalokohan ng kapatid ko? Mahal na reyna?" Sarkastiko niyang wika.

"Ailean! Stop that stupid remarks! She's your queen!" Galit na wika nang dad niya sa kanya.

Galit at puot naman siyang napatingin sa ama.

"My son also died because of that stupid car crash dad. Yung anak ko namatay din!" Puno ng hinanakit na wika niya sa ama.

Magsasalita na sana sila ng malakas na bumukas ang napakalaking pintuan ng hall kung saan sila naguusap-usap.

"Faith," pigil hininga na wika ni Ailean ng makita niya ang kapatid.

Umagos naman ang mga luha sa mga mata ni Ailean nang makita niya ang mga mata ng kapatid niya.

"Long time no see Dad or may i say Haring Alex," sarkastikong wika niya sabay tawa nang napakalamig.

Natahimik naman ang buong lugar. Nag-lakad siya dahan dahan papalapit sa kanila. Agad naman siyang susungaban ng isang lalaking may bitbit na balisog ng bigla niyang binunot ang kanyang Glock 17 1982 at binaril niya sa noo.

Pati na rin ang mga lalaking nagtatangkang lumapit sa kanya ay pinagbabaril niya. Ang puting damit na suot niya ngayon ay may bahig na ng maraming dugo.

Napapikit naman siya at napangiti ng mapakla.

~•~•~•~•~

Umiiyak nanaman, ilang bese nga ba siyang umiiyak sa isang araw? Hindi niya na mabilang. Hindi niya naman kasalanan kung bakit sa kay dami-dami nang pwede niyang manahin ay ang sumpa pa na pilit na tinatakasan ng bughaw na pamilya. Anong magagawa ng isang munting babae? Wala, wala siyang magagawa.

Hindi niya din naman kasalanan kung bakit bigla-bigla nalang pumupula ang mga mata niya kung siya nagagalit. Hindi niya kontrolada ang sarili.

Humihikbi nanaman siya. 'Pagod na ako, pagod na pagod.' Wika nang batang babae sa sarili. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na umiiyak.

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon