Chapter Thirty Three

4.5K 100 0
                                    

Chapter Thirty Three

             Tahimik lang sila sa loob nang dining room. Kumakain, dahil papasok na sila sa paaralan. Ang mga lalaki ay binibigyan ng nakakalokong tingin si Luke. Habang ang mga babae naman ay seryoso lang sa pagkakain.

"Ang seseryoso niyo naman may problema ba kayo?" Malumanay na tanong ni Heath sa kanila.

Binigyan lang nila ng tingin si Heath. Tumikhim naman si Alex at tinignan sila isa-isa.

"Hindi muna ako papasok, may pupuntahan kami ni Allison. Thea, Lavinia atsaka Phoebe nabigay ko na ang excuse letter ko sa inyo kaya kayo na ang bahala niyan." Sabi naman ni Alex na parang wala lang. 

Nabigla naman ang mga lalaki sa sinabi ni Alex.

"Eh?! Kakabalik mo lang may lakad ka nanaman?" Tanong ni Luke sa kanya.

Alex gave her a cold stare and didn't answer.

"Wala kayong pakialam kung ano ang magiging desisyon namin." Allison saying it in the tone about stating the fact.

Napaiwas naman ng tingin ang mga lalaki sa kanila.  Natapos silang kumain nang matiwasay at walang ingay. 

Habang papasok na sila sa mga kotse nila papuntang school ay biglang nawala sa landas nila Lavinia ang mga lalaki.

"Hey Lavinia! Nawawala sila! Bilis tignan mo asan na sila napunta." Kinakabahang saad ni Thea sa kaibigan.

Tinignan lang siya ni Lavinia at di pinansin ang sinasabi ni Thea. Inapak niya ang paa sa gas at mabilis silang nakarating sa school nila.

"Lavinia! Ba't di natin sila hinanap?!" Galit na wika ni Thea kay Lavinia at saka sinamaan siya nang tingin ni Lavinia.

"Just stop Thea! Stop! Please!" Sabi naman ni Lavinia at tinalikuran ang kaibigan.

Hinablot naman ni Thea ang braso ni Lavinia. Masama namang tumingin si Lavinia sa kanya.

"Thea! Mag-isip ka nga! Alam nating lahat kung ano sila, nakakasama sila para kay Alex." Sabi ni Lavinia at bigla namang may humaplos sa puso ni Thea at nabitawan niya si Lavinia.

"Huwag ka nang mag-alala sa kanila maggiging okay lang din ang mga iyon." Wika ni Lavinia at saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid aralan nila.

~•~•~•~•~•~

                   Napa-upo naman si Phoenix sa upuan niya doon sa loob ng HQ nila. 

Nakakunot ang noo at masamang masama ang tingin sa mga naiwan upang bantayan ang kanilang HQ.

"Just what the fuck did happen?! Akala ko ba okay na yun kaya hindi na kami nag-abalang pumunta dito?!" Galit niyang sigaw sa mga kasamahan niya.

Sila Luke, Vernon, Heath at Trevor ay tahimik lang din na nanonood kung ano ang ginagawa nila. Yumuko naman ang mga bata nila na ngayon ay pinapagalitan na ni Phoenix.

"Pasensya na po bossing masyado po kasi silang malalakas. At marami na po silang napatay na kasamahan natin." Wika nang isa sa kanila at bugbog sirado ang mukha at ang katawan.

Tumingin sila sa mga mata ni Phoenix at nagsalita nanaman ang isa sa kanila.

"May hinahanap po sila bossing." Pagsusumbong nang isa na putok na putok ang labi at may black eye sa mata.

"Sino?" Nakakunot noong tanong ni Phoenix sa kanila.

"D-duke po! Tinatangon ho nila kung alam namin asan po si Duke!" Sagot nila kay Phoenix.

Napakunot naman ang noo ni Phoenix at tinignan niya ang mga kasamahan. Napaiwas naman ang tingin ng tingin sila Luke.

'Anong Duke?  Sinong Duke naman kaya yun?! Aba't mga gago.' Tanong ni Luke sa sarili. Habang nakakunot pa din ang noo niya.

"Hindi natin kilala kung sinong Duke yan kaya sa susunod mag-ingat na kayo. Magpa-galing kayo ng mabuti." Sabi ni Phoenix at tinignan ang mga kaibigan niya.

Aalis na sana sila ng makarinig sila nang mga tunog ng baril galing sa labas ng HQ nila. Mabilis naman nilang binunot ang mga baril nila at mahinang naglalakad patungo sa labas ng HQ nila. 

Nang makababa sila ay wala na silang nakitang mga kalaban kundi ang mga tauhan nalang nila na nakahandusay.

"Fuck!" Malakas na mura nila sa mga nasaksihan. 

Umiinit naman ang ulo ni Phoenix dahil sa mga nasaksihan niya. Galit na galit siya. Wala naman silang ginagawa pero bakit parang sila ang pinupunterya ng mga kalaban.

"Ano na ba ang nangyayari?!" Galit na tanong ni Luke sa kung sino man ang makakadinig. 

Napapailing naman si Vernon sa mga nasaksihan niya. 

~•~•~•~•~•~•~

                   Hinihingal naman si Allison at Alex dahil sa kakatakbo nila. 

"Alex, mas lalo mo ata na hasa ang archery skills mo." Pagpupuri ni Allison.

Inirapan naman siya ni Alex at tumango. Binababa nila ang mga bow na hawak hawak nila. Mabuti nalang at mabilis nilang natago ang mga bangkay ng napatay nila.

Tumatango naman si Alex habang habol pa din ang hininga niya.

"Nage-ensayo kasi ako tuwing wala akong nagagawa nung nawala ako." Sabi naman ni Alex kay Allison.  Tumango naman si Allison at umiinom na nang tubig ngayon.

Binigyan niya din si Alex at tinignan niya ito ng mataim.

"Nakausap mo na ba ang committee?" Seryosong tanong ni Allison kay Alex.

Napangiwi naman si Alex at saka umiling.

"Paano ko sila makakausap eh ang tangging iniisip nila ay kung paano nila ako papatayin." Natatawang biro ni Alex kay Allison napatango naman siya. 

"Ready ka na Allison para mamayang gabi?" Nakangising wika ni Alex kay Allison.

Natatawang tumango naman si Allison.

"I can't remember when was the last time i did a job with you." Natatawang wika ni Allison kay Alex napatawa rin ng mahina si Alex at napalatango.

"Yeah, i can't remember too. Kailan kaya yung huli?" At nagkatinginan sila.

Napatawa naman sila ng sabay. 

~•~•~•~•~•~•~

Black's Note:

Piniga ko na lahat ng laman ng utak ko hehehe ito lang yung nakayanan ko. Bukas ulit!  Lovelots 💘💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon