Chapter Thirty Two

8.1K 153 2
                                    

Chapter Thirty Two

                   Sarap na sarap pa si Thea sa pag-tulog niya nang makaramdam siya ng mga brasong yumakap sa bewang niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya. 

Unti-unti niyang inalala kung anu-ano ang nangyari kagabi. Kaya naman pag-mulat niya sa mga mata niya ay dun niya lang naalala na nag-aasaran pala sila kagabi ni Luke.

Na nauwi sa pag-momovie marthon nang sila lang dalawa sa loob ng kwarto ni Thea. At ang patunay nun ay ang nakabukas pa din na TV hanggang ngayon. 

'So ano to? Nakatulog kami habang nanonood ng TV ganon?!' Sarkastikong wika ni Thea sa sarili.

And then she mentally face palmed her self. 

'Of course pwede mangyari yun Thea, lalo na kung baliw kayong dalawa na nanonood na nga ng palabas eh banggayan pa rin kayo ng banggayan.' Pagsusumao niya sa sarili

Tatangalin na sana niya ang mga kamay na nakapulupot sa bewang niya ng mas hinigpitan pa iyon ni Luke.

'Tangina! At hindi pa siya nakukuntento sa pangyayapos sa akin at talagang binaon niya pa yung mukha niya sa leeg ko?!' Inis niyang wika.

Funny as it may seem pero hindi magawa ni Thea na guluhin ang tulog ng lalaki. 

'Sinasapian na ata ako! Anong nangyayari sa akin at parang di ko ata kayang guluhin ang tulog ng mokong na ito?! Nababaliw na ako!' Pagsasalita niya sa kanyang sarili. 

At pinakiradaman nalang niya ang katabi habang inaalala kung anong nangyari kagabi. 

            "Hoy Amazona ka bawiin mo yung sinabi mong bakla ako! Tangina!" Paghahabol sa kanya ni Luke.

Napairap naman sa kawalan ni Thea at nakita niya ang pintuan ng kwarto niya at pumasok siya. Sisiraduan niya na sana pero nakapasok bigla si Luke.

Ngumingisi sa kanya. Kaya naman napangiwi siya.

'Parang abnoy,' sabi niya sa sarili at napa straight face naman siya.

At na-alarma naman siya nang biglang nilock ni Luke ang pintuan niya. Nanlaki ang mga mata niya at handa na sana siyang sipain ang lalaki nang biglang umiwas ito sa kanya at umupo sa mini sofa niya na nasa paanan ng kama niya. 

"Hoy! Hoy!  Ang kapal naman ng mukha mo! Di mo to kwarto! At anak ka nang kagang!" Pagmumura ni Thea sa kanya.

Bigla niya kasing binuksan ang TV sa kwarto ni Thea at nanood ito ng TV. Napataas naman ang kilay ni Thea at naiinis niyang sinipa sa paa si Luke.

"Aray! Amazona ka talaga! Pwede ba umupo ka nalang muna dyan at manood nalang tayo ng palabas!" Wika ni Luke sa kanya at aalma na sana si Thea nang hinila siya ni Luke papa-upo.

"Alam mo Thea ang kulit-kulit mooo! Tumigil ka na dyan at manood nalang tayo ok? E-enjoy mo nalang na kasama mo ang kasing hot na tulad ko." Sabi ni Luke sa kanya habang ina-akbayan siya at kumindat pa ang loko.

"Aba't ang kapal! Nahiya naman yung makapal namin na ditionary sa kakapalan ng mukha mo bwiset! At huwag ka ngang kumindat-kindat dyan!  Sira na bayang mga mata mo?!" Galit na turan ni Thea kay Luke.

Napanguso naman si Luke sa sinabi ni Thea. Kaya malakas siyang nahampas ni Thea sa tyan niya.

"Ang arte-arte mo! Bwiset ka!" Singhal ni Thea sa kanya.

Napahawak naman si Luke sa dibdib niya at umacting na parang nasasaktan siya na mas lalong ikinainit ng ulo ni Thea.

Magsasalita na sana si Thea ng bigla siyang pigilan ni Luke sa paglalagay ng hintuturo niya sa mga labi ni Thea.

"Shhh, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag nagagalit ka." Sabi naman ni Luke at biglang natigilan si Thea.

At sa hindi malamang kadahilanan ay bumilis ang tibok ng puso niya. At feeling niya ay umaangat patungo sa pisnge niya ang mga dugo niya. 

Napatawa naman si Luke at saka kinurot ang pisnge ni Thea ng malakas na malakas. Kaya naman nakatanggap nanaman siya ng malaks na hampas sa tyan galing kay Thea.

"Alam mo ikaw chancing ka masyado eh! Hampas ka nang hampas sa akin pero yun pala ay dala himas na sa ABS ko!" Sabi naman ni Luke sa kanya.

Kaya naman napatawa naman ng malakas si Thea habang umaalis sa pagkaka-akbay sa kanya ni Luke.

"Na-babaliw ka na ba?! Asan ang abs dyan eh wala nga akong nahawakan! Masyado ka lang talagang ASSUMING!" Natatawang wika ni Thea sa kanya.

At hindi na siya nakarinig pa nang sagot mula kay Luke. Haharap na sana siya sa kanya ng bigla siya nitong hinila papalit sa katawan ni Luke.

Para namang natuod sa kinauupuan niya si Thea ng maramdaman niya ang hininga ni Luke sa batok niya.

"Shhh, babe heto na yung magandang part ng movie oh." Mahinang boses ni Luke na sinabi kay Thea.

Para namang kinapos nang hininga si Thea at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

'Tangina! Ano yun pina-bedroom voice ganon?!' Naiinis niyang wika sa sarili.

At tulirong napahawak sa dibdib niya na sobrang lakas na nang kabog.  Napatingin naman siya sa TV at nakita niyang nag-hahalikan ang mga bida doon.

Uminit naman ang ulo niya. Marahas niyang kinalas ang mga braso ni Luke sa kanya at masama niya itong tinignan.

"Bastos!" Malakas niyang wika at napatawa naman si Luke habang pinipigilan siya sa kakahampas.

Napatayo naman si Luke habang tawang-tawa pa rin at hinila niya si Thea papahiga sa kama at niyakap ito nang mahigpit.

"Bwiset bitawan mo ako kundi makakatikim ka talaga sa akin!" Sabi naman ni Thea at napaupo siya.

Masamang tinitignan ang lalaki.

"Alam mo ikaw bumalik ka nalang dun sa kwart--" hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang hinalikan ni Luke sa labi niya.

                 'What the fuck?! Ganon ka kalandi Dorothea?! Pumayag ka na halik-halikan ka lang nang gagong ito kagabi!' Singhal niya sa sarili at malakas niyang kinalas ang braso ni Luke.

At hinampas niya ito nang unan.

"Bakit di ka bumalik sa kwarto niyo kagabi ha?!" Naiinis na wika ni Thea at nagising naman si Luke.

"Aray naman Thea masakit yun ah!" Galit na singhal ni Luke sa kanya.

"Teka nga muna Thea! Let me explain! Hindi ko na kasi alam kung asan ang daan pabalik sa kwarto namin!" Dagdag niya at natigilan si Thea.

Tinignan naman siya ni Luke at pinalapit sa kanya hinawakan siya nito sa bewang at binaon ang mukha niya sa leeg ni Thea.

"Oh please, if magme-make out kayo siguraduhin niyo nga muna na nakalock ang pintuan nang mabuti. And also kakain na ng breakfast." Boses ni Allison na nakasandig sa dingding malapit sa pintuan ni Thea.

"If gusto niyo pang gumawa ng milagro dyan. Gooo ng wala na kayong makain papuntang school." Sabi ni Allison sabay alis sa kwarto ni Thea.

Agad namang namula si Thea sa kakahiyan at sinamaan ng tingin ang ngayong ngingisi lang na si Luke.

Magsasalita na sana ito nang sipain siya pababa ni Thea sa higaan.

"Lumayas ka na dito sa loob ng kwarto ko bwiset!"

~•~•~•~•~•~•~

Black's Note:

Hehehehehe di talaga ako marunong gumuwa ng mga kilig scenes na mga ganon. Hope you like it lovelots 💘💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon