Chapter Forty Seven
Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin gumigising si Lavinia. Nagising na si Thea at iyak ito ng iyak. Hindi siya maka-usap ng maayos habang si Alex naman ay parating wala sa sarili at mas dumoble pa ang kanyang pagiging cold.
Minsan ay nawawala nalang ito ng parang bula. Nababalisa na rin si Allison habang hindi nila ma-contact si Phoebe. Si Trevor naman ay ginawa niya nang bahay ang katabing room ni Lavinia pero pinagalitan din siya kaya walang nagawa si Allison kundi ang ipa-pasok nalang si Trevor sa room nila.
Si Luke naman ay parang tinubuan ng halo at ang bait nalang bigla kay Thea. Parati din itong nakatambay sa room nila. At ang pinakaiinisan ni Allison ay pati rin siya binibwista ng isang lalaki.
Ano nanamang ginagawa ng kapreng yan dito?! Gosh! Hindi naman ako ang na hospital.
Napakunot naman ang noo ni Heather at nginitian si Allison kaya naman agad na inirapan ito ni Allison.
"Anong ningisi-ngisi mo diyan? Parang kang baliw! At isa pa, hindi naman ako ang na hospital ah. Bakit ba parati kang andito?!" Galit na wika ni Allison kay Heather.
Nginitian naman siya ni Heather. "Kasi mahal ko alam ko--," hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tinampal ni Allison ang bibig niya.
Ngumiwi naman si Allison sa kanya. "Ilang ulit ko bang dapat sabihin ito sa iyo?! Huwag mo nga sabi akong tawaging mahal anh sagwa mo gago!" Galit niyang wika.
Umirap naman si Heather sa kanya. "Ba't ba ang in denial mo? Heto na nga grasya mismo ang lumalapit sayo ayaw mo pa." Ngiting asong wika ni Heather sa kanya.
Napantig naman ang tenga ni Allison dahil sa narinig. "Ang kapal rin ng mukha mo eh no?" Pag-susuko ni Allison sabay punta sa parang mesa na ipinasadya niya pa.
Nakalagay doon ang laptop niya na kaka-upgrade palang.
"Mahal ko naman pumunta pa talaga ako rito para lang maka-usap ka. Tas yang laptop mo lang ang pagtutunan mo ng pansin." Nakangusong wika ni Heath sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni Allison. "Anak ng kagang."
"Ehem.. Allison hinay hinay lang din tataas ang altapresyon mo nyan sige ikaw din." Natatawang sabi ni Thea na kagigising lang. Napatayo naman ang kanyang bestfriend na si Luke.
Tinulungan niyang umupo si Thea. Napataas naman ang kilay ni Allison. At naramdaman nalang ni Allison na may humawak sa bewang niya at may mukha na nakabaon sa batok niya. Tinaasan naman siya ng balahibo dahil doon.
"H-hoy!" Naiinis na wika ni Allison.
Tangina mo Allison! Ano tong nararamdaman mong gaga ka?! Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso mo? Juice colored naman eh!
Pinipilit na ikalas ni Allison ang mga braso na humahawak sa kanya pero hindi niya kaya. Masyadong malakas si Heath para sa kanya.
"Kung maglalampungan kayo please huwag naman sa harapan ko. Kagigising ko lang spare me with your lovey dovey." Paos na wika ni Thea at parang baliw na tumawa.
Hindi kayang magalit ni Allison sa kanya. Pero uminit ang puso niya. Sa wakas at bumalik na din ang kaibigan niyang baliw.
Pinabayaan niya nalang si Heath na yumakap sa kanya at parang naramdaman niyang nakatulog ang lalaki.
Ano naman kayang pinaggagawa nito at pagod na pagod ata siya?! Tanong ni Allison sa sarili. And she mentally faced palm.
Fuck you Allison! Eh ano namang pakialam mo?!
BINABASA MO ANG
The Cold Mafia Empress
Teen FictionMafia? Gangster? Mga mamatay tao? Bakit may mga taong ganyan? Seeking for Revenge? Wala na bang talang bagay sa mundong ito? Puro nalang ba away? She only want a peaceful life but she thinks that it's not yet the right time to be in that peaceful p...