Chapter Twenty Six

5K 119 0
                                    

Chapter Twenty Six

                   Dahil sa galit ni Allison ay agad niyang sinugod ang isa dito. Sinapak niya dito at sinugod naman siya ng iba pa niyang kasama.

At nakita niya naman sa gilid ng mga mata niya na nakatayo lang si Thea at Phoebe. Habang nasa unahan ni Thea si Phobe.

Wala na siyang ibang iniisip pa at sinugod niya lang ng sinugod ang mga ito.

She doesn't care if she kills someone right before her. Sa galit niya ngayon ay wala ng makakapigil pa sa kanya.

May sasapak na din sana sa kanya at hindi na sana siya makakailag pa nun ng bigla itong napahitaya dahil sa may sumipa dito.

Pagtingin niya ay ang nakangising si Lavinia.

"Huwag ka ngang Loner Innocent. Atsaka isa pa huwag mo akong ubusan maganda din tong work out at feeling ko tumataba na ata ako." Maarteng wika ni Lavinia sa kanya.

Agad naman niya itong sinamaan ng tingin at napasigaw naman ang mga kalaban nila sa kanila.

"Huwag niyo nga kaming pag-laroan! Mga gago kayo ah!" Galit na wika ng isang lalaki sa kanila at bumunot ito ng kutsilyo na iki nangisi ng todo ni Lavinia.

Napa-iling naman si Allison. Well mali sila ng kinalaban.

"Hindi naman kami ang may kasalan ah. As far as i can remember kayo itong ang lalakas kumanti sa amin pero hindi niyo pala kami kakayaning dalawa." Wika naman ni Lavinia at agad niyang sinapa sa mukha ang lalaki.

Sabay bali sa kamay nito at kuha sa kutsilyo na hawak hawak pa kanina ng lalaki.

Ngumisi naman si Lavinia habamg hinahagis pa sa ere ang kutsilyong nakuha niya.

"Kung di kayo marunong gumamit nito, wala kayong karapatang humawak ng ganito." Madiin naman na wika ni Lavinia sabay tapon sa kutsilyong hawak niya at tumama namab ito sa isang kamay ng isang lalaking may hawak din na kutsilyo.

Agad naman itong linapitan ni Lavinia sabay hawak sa baba nito at pinatingin sa kanya.

"Kilalanin niyo muna kung sinonf ginagalit ninyo." Galit na wika ni Lavinia sabay bunot ng kutsilyo at kuha pa nung isang kutsilyo sabay hampas sa leeg ng lalaki kaya naman nakatulog ito kaagad.

  Habang si Allison naman ay tahimik lang na umiilag sa tatlo niyang kalaban kaya naman nagsasawa na siya. Hinawakan niya sa braso na may hawak na kutsilyo ang isang lalaki at pinaikot niya ang braso nito sa likuran.

Napasigaw naman sa sakit ang lalaki.

"Putangina ang sakit! Bitawan mo nga ako!" Singhal sa kanya ng lalaki kaya naman idiniin niya pa ulit ang braso ng lalaki sa likuranan nito.

"Ano ka sinuswerte?" Malamig na wika ni Allison sabay hagis sa lalaki sa kasamahan nito.

"Aba't gago kang putangina ka ah!" Galit naman na wika ng isang lalaki sa kanya sabay sugod sana ng sipain niya ito sa tiyan sabay kuha sa kutsilyong hawak nito at sinaksak niya ito sa tiyan.

Natumba naman ito at naramdam ni Allison ang init sa kamay niya.

"Tsk, ang bababoy niyo! Tinalsikan pa talaga ako ng dugo."

Napatingin naman siya sa paligid at dun niya lang napansin na ubos na pala ang mga kaaway nila. Pero hindi pa din tapos si Lavinia sa ginagawa niya.

Nilapitan niya ito at napahiyaw naman nang sobrang lakas ang lalaki na rinig na rinig sa buong arena.

"Putangina! Tama na ang sakit! Parang awa muna!" Napakalas na sigaw ng lalaki habang isa isang binabali ni Lavinia ang mga daliri nito sa kamay.

Ngumisi naman ng ala demonyo si Lavinia at malamig na tingin ang ipinukol sa lalaki.

"Bakit naawa ba kayo sa kasamahan namin nung sinaksak niyo at diniinan niyo pa?" At malakas siyang tumawa na napakalamig na nagpatahimik sa lahat ng tao sa loob ng arena.

Hindi pinigilan ni Allison si Lavinia gawin ang gusto niya. Kundi lumapit lang siya mga kasamahan at inalalayan na lumabas si Thea.

At dun sa mga oras na yun nasaksihan ng lahat kung gaano magalit ang isang babaeng tinatawag nilang Devil Princess..

                 Napalunok naman si Luke sa nakikita niya mula sa baba.

"Fuck, ang sakit nun." Wika naman ni Luke sa mga kasamahan.

Napatawa naman ang mga kasamahan niya at tinapunan mo siya ng unan ni Trevor.

"Rinig mo naman ata na humihingi ng patawad yung lalaki dun sa Babaeng yun diba?" Wika naman ni Trevor.

"May nagawa silang kasalanan na nauwi sa ganyan. Mali sila ng binanggang grupo." Dagdag naman ni Heath.

Tinignan naman sila ng masasama ni Phoenix isa-isa.

"Mga gago kayo! Kalaban din natin ang mga yan!" Wika naman niya at napalunok naman si Luke kaya naman agad nila itong tinapunan ng masamang tingin. 

"Kayo naman di kayo mabiro hehehe." Wika naman ni Luke at bigla itong sumeryoso.

"Syempre wala akong pakialam kung sino man sila pero kung kalaban sila kakalabanin ko sila." Madiing wika nito sabay tingin sa ibabang bahagi at nakita niyang papaalis na ang grupo.

Napatingin naman sa palibot si Heath at saka may napansin siya.

"Hindi pa rin bumabalik si Vernon." Wika niya sabay sabay naman silang napatango.

"Gagong yun asan na kaya siya?" Wika pa ni Phoenix. 

            Habang naglalakad sila ay parang may nararamdaman si Allison na sumusunod sa kanya kaya naman napabuntong hininga siya at makabuluhang tinignan si Thea at Lavinia.

"Hoy bakit natin iniiwan si Allison?" Wika ni Phoebe agad naman nag-shh sila Lavinia at Thea.

"Hayaan mo na malaki na ang babaeng yan kaya na niya ang sarili niya." Wika naman ni Lavinia sa kaibigan.

Tumango naman si Thea at inakay na niya si Phoebe.

"Tara na una na tayo at feeling ko sumasakit tung saksak ko." Wika naman ni Thea at mabilis silang naglakad pabalik sa room nila.

Napatikhim naman si Allison nang wala na siyang maramdaman pa na meron pang tao sa paligid nila.

"Labas na wala na sila bilisan mo." Madiing wika ni Allison.

Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. At tinaasan ng kilay.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" Mataray niyang wika.

"Where's Alex?" At dun lang na pansin ni Allison ang pagkabalisa ng lalaki.

Kaya naman napabuntong hininga siya.

"Di ko din alam pero may binabalak siya." Wika naman ni Allison.

Aalma pa sana ang lalaki pero sinamaan siya ng tingin ni Allison.

"Just listen to me, huwag mo na muna siyang lapitan at masyado pang delikado ngayon. Masyadong mainit ang mga mata nila kay Alex ngayong nakabalik na kami kaya medyo dumestansya muna kayo sa amin." Mahabang pahayag niya at tinignan niya sa mga mata ang lalaki.

"Lalo na ikaw, ikamamatay ni Alex kung may mangyayaring masama sayo kaya please be safe. Asa paligid niyo lang ako proprotektahan kita kamahalan." Wika naman ni Allison at saka umalis na at sinundan ang mga kasama niya.

~•~•~•~•~•~

Black's Note:

Hehehehe i want your opinion about the action scene feeling ko kasi ang sabaw nun masyado hehehe. BTW lovelots 😘😘 Happy reading 💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon