Chapter Forty Three

3.8K 97 6
                                    

Chapter Forty Three

             Nag-tinginan silang lahat na naka-upo sa mga sarili nilang upuan habang nakasimangot naman si Thea.

"Ah, guys malapit na palang gumabi wala pa kayong balak na umuwi?" Nakangiwing wika ni Phoenix kaya naman napataas ang kilay ni Allison.

Nilahad niya ang kamay niya at tinignan si Phoenix. "Multa mo! Diba sabi ko bawal kayong mag-salita habang hindi pa kami natatapos?" Masungit niyang saad kay Phoenix napa-simangot naman si Phoenix.

Ibubuka niya na sana ang bibig niya para mag-salita pero itinaas ni Allison ang hintuturo niya at sinenyasan na tumahimik si Phoenix.

"Ay sige mag-salita ka pa para naman madagdagan ang pera namin. At gusto-gusto ko ng ipa-upgrade ang laptop ko." Nakakalokong wika ni Allison.

Buntong hininga naman na kinuha ni Phoenix ang cellphone niya at tinignan si Allison.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Allison. "Ano?" Masungit niyang tanong.

Pero tinignan lamang siya ni Phoenix.

"I think he wants to say that if it's okay to talk?" Naguguluhang wika ni Lavinia. Napatango naman si Allison.

"Oo na! Ano bang sasabihin mo?"

"Bank account niyo at ipapatransfer ko lang dun ang pera niyo."

Napapalakpak naman ang lahat ng babae maliban kila Thea at Alex. Humikab naman si Alex.

"Allison make it faster!" Naiirita ng wika ni Alex sinamaan naman niya ito ng tingin. 

'Napaka talaga ng babaeng ito! Parang hindi naman siya natutuwa sa nilalaro namin! Baliw!' Pagdradrama ni Allison sa isipan niya. 

Atsaka niya lang napansin na nakatingin na sa kanya ng straight face si Alex. Kaya naman kinabahan siya ng kunti. 

'Baliw ka talaga Allison! Gaga! Alam mo naman malakas makiramdam ang isang yan eh!'

"Allison, may sasabihin ka?" Malumanay na wika ni Alex sa kanya agaran naman siyang umiling at tinignan ang Thea na para ng hinulugan na ng langit. 

"Bwahahaha!" Hindi mapigilan natawa ni Lavinia at Phoebe kaya naman sinamaan sila ng tingin ni Thea.

"Pakyu niyo at tuwang-tuwa pa talaga kayong makita akong nagdudusa!" Naluluhang wika ni Thea.

Umiiling naman si Phoebe sa kakatawa at parang hindi mo na maka-usap ng matino.

'Isa din tong baliw eh.' Nakangiwing saad ni Alex sa sarili. 

"Ako ang magbibigay ng dare sayo Dorothea Therese." Malumanay na wika ni Alex.

Sa pag sabi niya pa lang nun ay napatingin na ang lahat sa kanya at parang na bigla. Napangiti naman ito ng napakalaki na ikinatindig balahibo nilang lahat na nakakita. 

'Juice colored help me! Nakikinita ko na ang future ko! Mamatay ako ng maaga kung si Alex ang mag-bibigay ng dare sa akin! Mahabagin na kalangitan tulongan niyo ako!' Nagmamakaawang wika ni Thea sa sulok ng isipan niya. 

Mahal niya pa ang buhay niya, mahal na mahal. Yun lang ang nasa isipan niya habang tinitignan si Alex na parang nag-iisip talaga ng malalim kung ano ang ibibigay na dare sa kanya. 

"Okay ito na," pagpuputol ni Alex.

Parang kinakapos na sila ng mga hininga nila. 

"See that noisy couple over there?" Paninimula niya sa saaabihin. Kaya naman silang lahat ang napatingin sa maingay nga na magkasintahan. 

Napangiwi naman silang lahat kasi ang ingay-ingay nilang dalawa.

"Oi, ayaw kong makasira ng relasyon." Pangkaklaro ni Thea kay Alex sabay tikhim.

Napastraight face naman si Alex.

"At kailan ka pa maninira ng may relasyon?" Irita na wika niya.

Napa-pout naman si Thea. Napa-irap naman si Alex.

"Nasa isang chinese restaurant sila.  Ang gusto ko ay mag-order ka ng sushi. Basta dapat may ma-order ka at kung hindi ka nila bigyan sabihin mo anak ka ng may-ari ng mall." Napanganga ang lahat dahil sa sinabi ni Alex sa kanya. 

Napa-iyak naman siya.

"Alex namaaan! Nakakahiya! Di naman sila nag-bebenta ng sushi dyan eh!" Pag ngangawa ni Thea sa kanya. 

Tinaasan naman siya ng kilay ni Alex.

"Eh yan ang dare mo. Di nga ako nag-reklamo sa dare ko eh. Okay na nga yang dare mo eh." Parang wala lang na wika ni Alex sa nakanganga na ngayon na si Thea.

Napatawa naman sila ng malakas.  Silang lahat ang tumawa pati na din ang mga lalaki na tahi-tahimik lang kanina. 

"Naknampucha! Good luck Thea! HAHAHAHAHAHA!"

"Kaya mo yan Thea makapal naman ang mukha mo!" Tatawang tawang wika ni Luke sa kanya na ikina-init ng ulo ni Thea.

"Che tumahik kang gago ka! Gagawin ko na ang dare ko! At makikita niyo mabibigyan nila ako ng sushi!" Nakangusong wika ni Thea sa kanila.

      Nag-martcha naman siya papunta dun sa chinese restaurant at pag-pasok na pag-pasok pa lang niya kinabahan na siya agad.

'Anak nga naman ng kagang itong si Alexandria at ito pa talaga ang naisip niyang i-dare sa akin eh sa nakakahiya kaya ito!'

Umupo siya sa isa sa mga walang naka-occupy na table.  Napanguso naman siya at napatingin sa menu ng restaurant.

Tahimik naman siyang nag-dasal na sana may naligaw na sushi sa menu nila. And to her dismay walang naligaw na sushi sa menu nila.

Kahit na nakakahiyang itaas ang mga kamay niya ay itinaas niya ito para tumawag ng waiter.

"Good evening ma'am, ano pong io-order niyo." Nakangiting wika ng babae nakonsensya siya bigla pero tinigasan niya ang tingin niya.

"I want sushi!" Maarteng sigaw ni Thea habang napatingin naman ang lahat sa kanya.

Nabigla naman ang waiter sa sinabi niya. 

"A-ah kasi ma'am hindi ho kami nagse-serve ng sushi." Magalang na wika ng waiter tinaasan niya naman ito ng kilay.

"Do you not like kilala me?!" Maarteng wika niya. Umarte naman siya naparang nasaktan.

"Ako lang naman ang the only daughter of this napaka-big na Mall! OMG! And when i make sabi that i want that sushi. You will make bigay it to me!" Wika niya napanganga naman ang lahat sa sinabi ni Thea.

Ang mga tao naman sa paligid niya ay napatawa dahil bakit daw siya nag-hahanap ng sushi sa isang Chinese Restaurant.

"Ahh! I want to make kausap to your chef! Like now! Make tawag to him! Or i will tawag my daddy and i'll make sabi na ipa-fly away ko kayo dito sa mall namin!"

"And can you please make bilis naman kasi me so nagugutom na like kanina pa!"

Napatawa naman ng napakalas ang mga kaibigan niya dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Thea. Nakita naman nila itong inaaw ang chef ng chinese restaurant. 

"Baliw na Thea! Hahahaha!" Sabi ni Lavinia. 

Napatitig naman si Allison sa kanya 'Napaka-feeling din ata nitong isang to na hindi siya baliw. Siya nga itong pinaka-baliw sa aming lahat eh.'

At sa bandang huli nakakain talaga si Thea ng sushi sa isang chinese restaurant at nakapag-take out pa siya.

"Bwiset niyo! Mabuti nalang daw at nakapag-chef daw siya noon sa isang japanese restaurant kaya may background siya sa mga japanese cuisines! Tangina niyong lahat!"

At dun na tapos ang dare nila. Lumabas sila sa mall na puro tawa ang bitbit.

"Pucha talaga di na ako babalik sa mall na ito! Feeling ko nilagay na nila ako sa blacklists nila!"

~•~•~•~•~•~

Black's Note:

       Enjoy reading lovelots 💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon