Chapter Forty Six

3.9K 98 4
                                    

Chapter Forty Six

              Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-lalakad. Mabuti nalang at nag-text si Allison kung asan na room inilipat sila Thea at Lavinia.

Pagdating niya dun nakita niya si Allison na natutulog habang nakayuko sa kama ni Thea. 

"Ally, wake up." Malumanay na wika niya habang niyoyugyog si Allison.

Nagising naman si Allison at tinignan siya.

"Go home at magbihis ka muna, ako muna ang babantay sa kanila." Malumanay na wika ni Alex sa kanya. Tumango naman si Allison.

Nabigla si Allison na paglabas niya ay nadoon si Trevor. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit ka andito?" Naguguluhang wika ni Allison.

Napa-iwas naman ng tingin si Trevor. 

"My mum's a doctor at binisita ko siya kanina. Nabasa ko yung files nila Lavinia. Gusto ko sanang pumasok pero parang badtrip si Alex." Nahihiya niyang saad tumaas naman ang kilay ni Allison dahil dun.

"Umuwi ka na at huwag ka talagang pumasok at baka samain ka kay Alex." Pananakot niya kay Trevor.  Pero parang wala lang narinig si Trevor at umupo lang siya sa labas ng room nila Lavinia at Thea.

Napabuntong hininga naman si Allison at napa-irap.

Hay nako kung alam mo lang kung sino talaga ang mga yan Trevor, tignan natin kung maka-react ka pa ng ganyan.

Umuwis na si Allison at gusto na nga niyang umuwi para makapag-palit ng damit. Ang dami-daming nangyari. Pagod na pagod na siya.  Pumunta lang sila ng mall para sana makapag-unwind sila ni Alex.

Hindi naman nila inaasan na ganito ang mangyari. Kaya pala masama ang kutob niya ng pauwi na sila. Napapikit naman ng mariin si Allison. Sinisisi niya ang sarili kung hindi lang sana siya tatanga-tanga hindi sana maaksidente ang mga kaibigan niya.

Masyadong maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan ni Allison habang naglalakad siya ng may isang lalaking tumigil sa harapan niya. Luke?  Tanong niya sa isipan niya.

Mukha itong wala sa sarili. 

"Asan si Thea, Allison? Is she okay? Anong nangyari?! Ano 'tong narinig ko kay Trevor na naaksidente daw sila?!" Sunod-sunod niyang tanong kay Allison habang hinahawakan niya ito sa magkabilang balikat. 

Napa-irap naman si Allison at tatanggalin niya na sana ito ng mas lalong humigpit ang kapit ni Luke. Para itong may kaaway at ang pakiramdam ni Allison ay mababalian na siya ng buto.

Napangiwi naman siya at masamang tinignan si Luke.

"Aray! Luke masakit!" Sigaw niya pero parang walang narinig si Luke at mas lalo lang na humigpit nag kapit niya sa balikat ni Allison.

At parang sa isang iglap nasa sahig na si Luke. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at napahawak siya sa bibig niya. 

"Omygod! Luke okay kalang?" Kahit ayaw niyang mag-alala ay nag-alala pa din siya.

Kahit na hindi nila aminin ay napa-lapit na ang mga loob nilang lahat -- well except for Alex na nawala ng isang buwan sa grupo nila. 

"Fuck," daing ni Luke habang hawak-hawak ang pisnge niya. 

Napalingon naman si Allison ng may kamay na humawak sa bewang niya. Si Heath.

"Dude, mag-tanong ka dun sa nurse station. Tsaka nasasaktan na si Allison sa ginagawa mo sa kanya." Maangas na saad ni Heath kay Luke.

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon