Chapter Forty Four

3.7K 92 4
                                    

Chapter Forty Four

           Nasa parking lot na silang lahat habang tawang-tawa pa rin sila mga nangyari kanina sa loob ng mall.

"Peste talaga! Hinding hindi na ako babalik sa mall na yan! Sumpain!" Nakangiwing wika ni Thea sa kanila.

Umiiling naman na tumatawa si Phoebe.

"Huwag ka ngang mag-salita ng patapos Thea at baka makita mo nalang ang sarili mo nasa loob ng mall na yan kinabukasan." Makabulohang wika ni Allison sa kanya.

Napanguso naman si Thea at napa-irap kay Allison.

"Hindi pa kayo uuwi?" Halos tumalon na sa kaba si Thea ng mag-salita si Vernon sa likuran niya. 

OA naman na napahawak sa dibdib si Thea at sinamaan ng tingin si Vernon. 

"Letche ka Vernon! Bakit andito pa kayo?! Akala namin wala na kayo!" Galit na sigaw ni Thea kay Vernon. 

Ginulo naman ni Vernon ang buhok ni Thea at saka niya ito inakbayan.

"Kasi ang ingay-ingay niyo! At isa pa daig mo pa ang naka-megaphone kung mag-salita ka." Nakangising wika ni Vernon sa kanya.

Agad namang nag-liyab ang mga mata ni Thea at binatukan si Vernon at malakas na binalibag ang braso niya na nasa balikat ni Thea.

"Peste ka! Mag-kaibigan nga kayo ng gagong to!" Sigaw niya habang tinuturo si Luke.

Napa-angal naman si Luke.

"Hoy, hoy! Kayo lang ang nag-aaway dyan! Huwag mo nga akong dinadamay, tumatahimik na nga ako eh!"

"Che tumahimik ka letche isa ka din! At saka huwag ka ngang epal! Hindi ikaw ang kausap ko!"

"Ha! Sa gwapo kung ito naging epal pa ako?! Malabo na ata ang mga mata mo Thea!"

"Wow! Gwapo?! Asan? Ba't diko nakikita?" Sarkastikong wika ni Thea sa kanya sabay tingin pa sa paligid niya. 

Namumula na ang mga mukha nilang dalawa dahil sa sagutan nila. Napa-iling naman si Vernon.

'Ang galing talaga, kami lang yung nag-usap kanina tapos sila lang din ang magbabangayan pag-katapos.' Pailing-iling na wika ni Vernon sa sarili.

          Napangiwi naman si Alex dahil sa kaingayan ng kaibigan niya. 

'Nakalimutan nanaman niyang uminom ng gamot niya. Tangina, sumasakit na ang ulo ko sa kaingayan ng dalawang ito.' Wika ni Alex sa sarili.

Agad naman siyang napa-alerto ng may napansin siyang parang laser na red na alam niya kung ano iyon. Para siyang nanigas ng makita nanaman niya ito ulit. 

'Fuck sniper nga! We better hurry up!'

"Thea," pag-aagaw pansin ni Alex kay Thea at mabilis pa sa alas kwatro itong lumingon sa kanya.

Binigyan pa siya nito ng malaking ngiti.

"Shut the fuck up, let's go i'm tired already." Parang bored lang na wika ni Alex sabay balibag na papasok sa sasakyan.

Pero sa kaloob-looban niya kinakabahan na siya. Mabilis naman na nag-paalam ang iba sa mga lalaki. Papasok na sana si Phoebe sa sasakyan ni Lavinia ng pigilan siya ni Phoenix.

"Bakit?" Naguguluhan niyang wika. Masama siyang tinignan ni Phoenix.

"Sasama ka sa akin naka-uwi na daw si Mommy at Daddy." Wika ni Phoenix kumislap naman ang mga mata ni Phoebe at tinignan si Lavinia.

Ngumiti lang si Lavinia at saka tumango.

"Sige okay lang! Thea dito ka na sa akin sumakay at baka lalo pang uminit ang ulo ni Alex kung dun sa kanila sasabay ni Allison!" Sigaw ni Lavinia.

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon