Chapter Forty

4.1K 84 2
                                    

Chapter Forty

                Napasimangot naman ang mukha ni Luke. Habang tinitignan ang mga kasamahan niya. 

"Luke ikaw nalang maiwan dito at pupuntahan namin ang babae baka ano nanaman ang gagawin." Wika ni Phoenix sa kanya kaya naman napasama ang mukha ni Luke.

Agad naman siyang sumimangot dahil sa sinabi ni Phoenix sa kanya. Mabilis naman niyang iniling ang ulo niya.

"Ayoko! Sasama ako!" Matigas naman na wika ni Luke habang nakanguso.

Nakatanggap naman siya ng malakas na batok galing kay Heather.

"Fuck you! Para kang bakla!" Napipikon na wika ni Heather sa kanya na ikinatawa nilang lahat. 

Napatingin naman sila kay Vernon na nakatingin sa bote ng ginagamit nila pang-spin. 

"Hoy Vernon anong iniisip mo?" Natatawang wika ni Trevor sa kanya.

Napa-irap naman si Vernon dahil wala siyang naiisip na nakakatawa para tumawa si Trevor. 

"Isa ka ring bakla Vernon!" Pag-aakusa ni Luke sa kanya. Kaya naman sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. And raised his middle finger.

"Naiisip ko lang naman kung sinong matuturo nitong bote siya yung maiiwan dito sa mesa para magbantay." Wika ni Vernon. 

Nag-iba naman ang mga reaksyon sa mga mukha nila at sabay-sabay nilang itinaas ang kamay niya at pinakyuhan si Vernon. 

"Fuck you! Nabakla ka na talaga Wesley! Tumigil ka nga!" Sabi ni Trevor at napatawa silang lahat. 

Tinignan naman niya ng masama ang mga kaibigan at tumayo.

"Kung ayaw niyo edi ako lang mag-isa ang aalis. Mabilis naman akong kausap," pang-aalaska niya sa mga kaibigan.

Paalis na sana siya pero pinigilan siya ng mga kaibigan. 

"Teka lang! Ito na! Ito na! Peste maglalaro tayo nitong baklang larong to!" Galit na saad ni Luke habang hinahawakan ang bote. 

Isa-isa niyang tinignan ang mga kaibigan. 

"Basta ang matuturo nitong bote siya ang maiiwan? Okay?" Pangsisiguro naman ni Luke sa kanila. 

Seryoso naman silang lahat na tumango kaya naman spinin na ni Luke ito. 

"Tangina talaga! Ang bakla nito! Puta!"

"Fuck! Never did i imagine that i would play this gaytard game!"

"Fuck nababawasan ang pagkalalaki ko nito!"

"Tangina gusto kong lumabas!"

Panay ang daing nila sa isa't-isa ng si Vernon ang maturo ay nakaginhawa naman ang lahat. 

"Fuck!" Malakas niyang mura.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya at sa inis niya ay napasandal nalang siya sa upuan niya. 

            "I'm Kevin, Kevin Ty." Wika ng lalaki at lumakas ang tibok ng puso ni Phoebe.

Nahigit naman niya anh hininga niya at nginitian ang lalaki. Ngumiti naman pabalik sa kanya ang lalaki kaya naman napatulala si Phoebe dahil sa ang ganda ng ngiti nito.

'Anak ng kagang naman! Ang ganda ganda ng ngiti at ngipin ni Kuya!'

"Ang ganda ng ngipin mo." Parang wala sa sarili niyang wika at narinig naman niyang napatawa ang lalaki ng mahina. 

"Thank you Miss," wika ng lalaki sabay kindat napatulala naman.

'Fuck! Fuckboy pala to! Tch.'

"Tsk ang landi mo." Hindi mapigilan na wika ni Phoebe napatawa ulit ang lalaki na ikinainit na ng ulo ni Phoebe.

"Tumigil ka nga sa kakatawa mo dyan! Kanina ang landi landi mo pa ngayon naman! Arghh! Ano ako clown?!" Galit niyang wika pero tumawa pa rin ang lalaki. 

'Kainis! Aalis na nga ako dito!'

"Wait Phoebe! Sorry! No umupo ka muna!" Sabay pa-upo sa kanya. 

Tumikhim muna ang lalaki habang ginawaran naman niya ng isang magandang ngiti si Phoebe.

"Sorry, ang cute mo lang kasi." Wika ng lalaki kaya naman napakunot ang noo ni Phoebe.

'Phoebe ang gaga mo! Lintek naman kasi ang ganda ng ngiti eh di ano?! Nabighani naman ako sa kagwapohan tch!'

Hindi niya pinansin ang lalaki at nakita niya sina Lavinia sa isang gilid na kumukuha ng video sa kanilang dalawa. At sa labas naman ng cafe ay nakita niyang naglalakad sila Phoenix at parang hinahanap siya. 

Bigla naman siyang nalungkot ng hindi niya nakita si Vernon.

'Hindi ka naman gusto nun kaya bakit naman susundan ka?'

Nakaka-awa ang pakiramdam ni Phoebe sa kanyang sarili. At parang natauhan siya na may dare pa pala siyang dapat matapos kaya naman mabilis siyang humarap sa lalaki na parang tuwang-tuwa pa na tinitignan siya.

'Kaya mo to Phoebe! Bago pa makalapit si Phoenix!'

Kaya naman tumayo siya at umupo katabi. Nagtataka naman na tumingin sa kanya ang lalaki. 

"Ah miss?" Parang kinakabahan na wika ng lalaki.

Pero hindi na siya nag-salita at agad niyang hinila ang kwelyo ng lalaki at hinalikan niya ito sa labi. 

Isang mabilis lang na halik ang ibinigay niya bago siya tumayo at mabilis na umalis. May nakita naman siyang babaeng may hawak na isang tray na nandoon ang milktea na order niya.

Galit naman ang mukha nito na lumapit sa kanila. At ganon nalang na sinampal ng babae ang lalaki. 

Nahulog naman ang panga ni Phoebe dahil sa nasaksihan. Magre-react na sana siya ng bigla siyang hinila ni Thea na tawa na ng tawa. 

"Bwahahahahaha! May girlfriend pala si Kuya!" Tawang tawa na sabi niya. Nakita naman niyang tumatawa na din ng mahina ang iba niyang kaibigan.

At dahil malapit pa sila narinig niya ang galit na galit na boses ng babae.

"Walanghiya kang malandi ka!" Sigaw ng babae na ikinatawa ni Thea.

"Hahahaha."

"Nawala lang ako may nilandi ka nanaman!" Galit na galit na wika ng babae. 

"Babe! Tumabi lang siya sa akin promise! Hindi ko siya nilalandi!" Pagdadahilan ng lalaki.

"Tumahimik kang malandi ka! Ako lang ang may karapatan na mag-salita kaya itikom mo yang bibig mo!"

       Habang papalayo sila ay tatawa-tawa pa din sila.  Tinignan naman siya ni Alex kaya naman nginitian niya ito.

"Anong pangalan niya?" Interesadong tanong ni Alex. 

Natahimik naman sila at nakangiting lumapit kay Phoebe.  Ngumiti naman si Phoebe.

"His Kevin Ty." Sagot niya na ikinalaglag ng panga nila Thea.

"Ehhhh?!" Sabay na wika ni Thea at Lavinia.

"Bakit?" Natatawa niyang wika. Napasimangot naman sila na parang nalugi. 

"Siya yung sikat na car racer yun ehhh!" Nakangusong wika ni Lavinia.

Nanlaki naman ang mga mata ng lahat.

"Hala! Ang swerte mo girl!" Wika ni Thea.

At nagsitawanan sila. Kaya naman pala parang na kaka-attract talaga siya.  Sikat pala.

"Hoy!" Isang gakit na Phoenix ang lumapit sa kanila.

"Hahahaha, andyan na ang bodyguard mo Phoebe." Tumatawang tawang wika ni Allison sa kanya.

Napasimangot naman siya at masamang tinignan si Phoenix.

~•~•~•~•~•~

Black's Note:

     Kayo nang bahalang mag-judge hehehehehe. Enjoy reading lovelots 💘💘

The Cold Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon